Chapter 19

10 0 0
                                    

Matapos naming magbalot ng dadalhing pagkain ay nagtungo na kami sa may ilog.

May maliit na waiting shed doon na gawa sa kawayan kaya doon namin nilagay ang mga dala naming pagkain.

"Bangs na lang ang kulang sayo tutubi, kamukha mo na si Dora." nag-umpisa na naman sa pambibwesit si Bash sa akin.

"Where are we going? To the ilog." kakanta-kantang ani pa ng gago.

"Back pack, back pack." pakikisakay din ni Fred.

"Hampasin kaya kita ng bag ko Alfredo?" tanong ko na nginisian lang ng gago.

"Ligo time na guys. Ikaw Oli, ligo-ligo din pag may time. Hihi." sabi ni Ethan.

Bakit ba paborito akong asarin ng mga ito? Tsk.

Inikutan ko lang siya ng mata tsaka ako umupo sa kawayang upuan sa kubo.

"O siya, magsiligo na kayo. Naalibadbaran na ako sa mga pagmumukha niyo, lalo ka na Stone!" inis ko namang saad kay Stone na nagbalak pang umupo sa tabi ko.

Napakamot naman siya sa pisnge niya at hindi na tinuloy ang pag-upo.

Binigay niya ang bag niya sa akin at bumalik sa pagkakatayo kung saan siya nakatayo kanina.

"Ayaw mo talagang maligo Oli?" tanong ni Sandro sa akin na inayawan ko din naman kaagad. Para kasing may kung ano sa ilog ang kinaayawan ko. Napatitig pa ako doon at bigla akong napailing.

"Why?" tanong ni Stone kapagkuwan kaya napatingin ulit ako sa kanya.

"Di ko alam. Parang nakakatakot kasi 'yung tubig." ani ko lang.

"Baka may rabbies ka, tutubi kaya natatakot ka sa tubig." biro ni Fred. Sinamaan ko naman siya tingin.

"Anong akala mo sa akin, aso?" tanong ko na tinawanan lang ng gago.

"Tutubi ka Oli, kaya hindi ka aso." aniya.

"Tsk. Ewan ko sayo. Kung di mo lang talaga birthday, baka sinapak na kita Alfredo. Kanina mo pa ako inaalipusta." nagtatampo-tampohan kong ani na ikinalapit naman kaagad ng gago sa kinauupuan ko. Inusog niya pa ako at kaagad na tumabi.

"Biro lang tutubi. Huwag ka na magalit, uwu." pa-cute niyang aniya na muntik ko na talagang ikinabatok sa kanya.

"Ang panget mo Fred. Huwag mo ng ulitin 'yun." nakangiwing ani ko.

"Bakit naman, uwu?" ganap ko ng nasapak ang loko. Tumatayo balahibo ko sa ginagawa niya.

"Aray naman, Olivia Samaniego. Birthday ko ngayon oi, kaya pagbigyan mo na ako." angal pa niya na sinamaan ko lang ng tingin.

"Tsk. Ang maldita mo na talaga. Hindi ka na mabait." loko-lokong saad niya pa.

"Kahit hindi mo birthday, lage mo naman akong niloloko,gago. Maligo na nga kayo para luminis naman kayo."

"Tsk." isa-isa pa nilang aniya tsaka nagsimula na ding magpuntahan sa ilog. Mag-isa ko na lang na nakaupo sa shed habang tinatanaw silang nagtatawanan na lumusong sa tubig.

Napaisip naman ako bigla. Bakit kaya bigla akong nagkaroon ng takot na puntahan ang tubig? Hindi ako marunong lumangoy ngunit hindi naman ganito ang pakiramdam ko noon kapag nalalapit ako sa lugar na may maraming tubig.

Iniling ko ang ulo ko at pinili na lang tignan ang mga pagkaing binaon namin. Halos lahat ng putahing hinanda ni Fred sa bahay nila ay may dala kami.

"Tirhan mo kami Oli, matakaw ka pa naman." sigaw ni Audi mula sa ilog na inirapan ko lang. Sino lang sa amin ang hindi na makaalis sa tapat ng shanghai kanina. Tsk. Hindi na ako magtataka kung magtae siya ng buo-buong shanghai.

Habang kumakagat ako ng shanghai ay napadako ulit ang paningin ko sa ilog. Gusto ko talagang alamin kung bakit ako natatakot doon.

"Oli, look at my muscles. Macho ko no." ani Ethan habang pini-flex na naman ang katawan niya. Umismid lang ako sa kanya. Wala siguro siyang ibang maipagmamalaki.

"Oli, ako tignan mo. Ang pogi ko no." papansing ani Joyo at nagpapogi sa akin.

"Gusto mo bang makakita ng malupit na tricks, tutubi?" si Hunts na naghahanda ng mag-dive.

"Tsk. Tigilan niyo nga ako, busy akong kumakain dito. Bahala kayo sa buhay niyo." ismid ko na tinawanan lang ng mga gago.

Patuloy pa rin ako sa pagnguya ng pagkain. Napadako ang tingin ko sa kabilang direksyon nitong ilog na walang naliligo. Ang linaw ng tubig doon at tahimik kaya naengganyo akong puntahan. Ang iingay kasi ng mga uod kaya gusto ko munang mapag-isa upang makapag-isip ng malalim.

Napatunghay ako sa tubig. Nakikita ko pa ang reflection ko doon kaya sinimangutan ko iyon. Kamukha ba talaga ni Dora ang buhok ko? Tsk. Ganda ko kaya.

Napabuntong hininga na lang ako. Umupo ako upang maabot ng kamay ko ang tubig. Nilublob ko ang kamay ko upang damhin ang lamig niyon. Napangiti ako ng mapagtanto kong hindi naman pala nakakatakot humawak sa tubig ilog.

Ilang beses ko pang pinaglaruan ang tubig ngunit ng makita ko ulit ang reflection ko doon ay bigla na lang na may humila sa kamay ko dahilan upang mahulog ako.

Nilukob ng takot ang puso ko. Takot na dahilan upang mapaiyak ako sa ilalim ng tubig. Pilit pa rin akong hinihila ng kung sino pailalim kahit pa pinipilit ko ding kumawala sa pagkakahawak niya sa kamay ko.

Sino ba ang humihila sa akin?

Palalim na ng palalim ang paghila niya sa akin kaya nauubusan na ako ng hininga. Tumingin ako sa itaas na pinanggalingan ko kanina at wala man lang akong nakita kahit isa sa mga kasama ko.

"Stone. . Sandro. Fred." umiiyak kong tawag sa pangalan nila sa isip ko upang tulungan nila ako.

Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit sa kamay ko sa taong humihila sa akin kaya napatingin ako sa direksyon niya. At sa sandaling makita ko na ang mukha niya, tuluyan na akong naubusan ng hininga.

***

night-firefly

Please vote and leave your comments. Kindly follow this account. Thank you.

Me and the Group 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon