Chapter 3

45 7 0
                                    



"Anong sayo tutubi?" tanong ni Joyo sa akin habang namimili na ng pagkain sa canteen. Lilibrehin niya ako kaya siya ang sinamahan kong pumunta. Kasama din naman namin ang iba naming kagrupo pero nasa likod lang namin sila.

"Yung turon tsaka buko na lang." sambit ko naman sa kanya na kaagad din naman niyang binili.

Pagbigay niya ng binili niyang pagkain sa akin ay umalis na din kaming dalawa at nauna ng pumunta sa pinagtatambayan naming siyam dito sa loob ng campus.

"Oli habang kumakain ka, sagutan mo na din 'tong autograph na ginawa ko." baling pa ni Joyo sa akin habang inaabot niya ang maliit na notbok niyang may pangalan niya lang sa cover.

Inabot ko naman iyon. Pinahawak ko muna sa kanya ang buko na iniinom ko upang mabuklat ko ang inabot niyang autograph book.

Unang page pa lang ng notbok niya ay halata na talagang kinatamaran niya ang paggawa dito.

"Hindi mo man lang nilagyan man lang ng kaunting arts itong autograph mo Joyo.. at ano itong 'who is your crush?'." tanong ko na nginisian lang niya bago sumipsip sa straw ng inumin kong buko juice.

"Sino bang crush mo? Hihi." tatawa-tawa pa niyang tanong na nginiwian ko lang.

Dumating naman ang mga kasama namin habang may iba't ibang bitbit na pagkain at tsitsirya.

Mga maykaya ang mga uod na ito kaya medyo swerte sila sa buhay nila habang ako nagtitiis lang sa sampung pisong baon araw-araw.

"Olivia." tawag ni Stone sa akin habang inaabot na ang coke na dala niya. Napatingin naman ako sa buko na pinahawak ko lang kay Joyo kanina na isang sipsip na lang, mauubos na niya. Tsk.

Inabot ko ang binibigay ni Stone sa akin. Napabaling naman ako sa honey butter na dala din ni Sandro at alam kong sa akin niya din iyon ibibigay dahil paborito kong tsitsirya iyon.

"Salamat." sambit ko bago pa man makapagsalita si Sandro. "Wag ka ng magpaliwanag pa One uod." pigil ko pa sa pagsasalita niya dahil alam kong pagtitripan na naman niya ang pagkuha ko ng dala niyang pagkain.

Nakatatak na sa isip ko ang mga katagang babanggitin niya. "Hindi 'yan sayo. Bakit mo naman naisip na sayo yan?" yan ang mga sinasabi niya sa tuwing inuunahan ko na siya sa pagbigay ng pagkain sa akin. Alam ko namang alam niyang mahirap lang talaga ang pamilya ko kaya hindi ko kayang bumili ng mga pagkaing hindi pasok sa sampung piso kong budget sa maghapon. Ayaw niya lang sigurong isipin kong naaawa siya sa kalagayan ko kahit pa alam ko namang nagmamalasakit lang siya na may kasamang pang-aasar.

Nakisubo na lang din si Sandro sa kinakain kong honey butter maging ang iba ay nagsikuha din kahit may mga pagkain naman silang binili. Tsk! Mga inggit lang talaga ang mga uod na 'to.

"Ano pa lang advertise ang gagawin natin sa Aral.pan ngayon?" tanong ni Sandro na pinagtaka kong nilingon.

Napatingin din ako sa mga kasama ko na parang seryoso talagang nag-iisip tungkol sa tanong ni Sandro.

Potcha! Nakakapanibago..

"Yung advertisement na lang ng hotdog. 'Yung tender juicy." suhestiyon ni Fred na ikinabaling ko sa kanya habang ngumunguya ng honey butter.

"Yung tide na lang tapos sasabihin nating 'gulat kayo no?' Haha." si Audi naman na wala sa sariling paulit-ulit kong tinanguan. Ako kasi ang nagugulat dahil sa pagbibigay nila ng suhestiyon ngayon tungkol sa gagawin naming pag-a-act ng advertisement sa Aral-Pan.

"Yung Milo na lang kaya? Para milo everyday." sambit naman ni Bash na pinaglihi ng ina niya sa milo. Hindi naman kulay niya ang tinutukoy ko kung bakit siya pinaglihi sa milo kundi ang pagkahilig niya sa pagpapak ng milo. Minsan nga ay nakikipapak ako sabay inom ng tubig tsaka gigiling katulad ng trip ng uod na ito ngayon.

Me and the Group 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon