Chapter 15

26 4 4
                                    


"Hoy Olivia, ang haba ng buhok mo ah." saad ni Ai sa akin ng malapitan ako nito matapos ang naging sayaw naming dalawa ni Ken. 

Nagsilapitan na din sa amin sina Mel, Ylyn at Cera. Pawang nakangiti ang mga pagmumukha nila na wari kinikilig pa.

"Ano? Liligawan ka na ba ni Ken? Omg! Boto ako sa love team niyo girl." kinikilig na ani Cera. Tsk. Nasisiraan na siya. Hihi.

"Tsk. Hindi no! At tsaka bawal pa akong magpaligaw—

"Yeah, tama siya, bawal pa talaga." napalingon naman ako sa biglang sumingit sa likod ko. Nakapamulsa pang bumaling sa akin ni Sandro na parang tatay ko kung makaasta ngayon.

"Oo nga. Tutubi pa siya kaya ang ligawan ay no-no sa kanya." tumaas ang kilay ko kay Hunt. Kinumpas pa niya ang hintuturo niya habang sinasabi ang salitang no-no.

"Wow huh, para kayong mga striktong kuya nitong kaibigan namin." natatawang ani ni Ylyn sa kanila. Buti nga sa kanya ay kuya pa, sa akin kasi mga tatay na.

"Hihi. Dadaan muna sa kamao namin ang gustong manligaw sa tutubi namin, diba mga pre." pakikisingit din ni Fred habang nakikipag-fist bump pa sa mga kasama niyang uod.

Umikot lang ang mata ko sa kanila. As if naman liligawan talaga ako nung si Ken eh parehas lang naman kami ng puso nun. Pusong babae.

"Tsk." iling ko na lang sa mga kalokohang sinasabi nila. "Anong oras ba matatapos ang party na ito?" tanong ko na lamang sa kanila dahil anong oras na at nandito pa rin kami sa school.

"Maya-maya lang din ay mag-aanounce na ang student council ng last part nitong acquaintance party bago matapos." saad naman ni Mel.

"Omg, excited yun! All of us should find our partner para sa last part. Magiging last dance kasi yun ng acquintance party at ang mapipiling pair ang magiging acquaintance king and queen." excited namang tugon ni Cera.

"Oh pano Oli, kita kits na lang tayo mamaya, sabay ulit tayong umuwi." paalam na nila sa akin at bumalik na sa grupo kung saan sila nakaupo kanina.

Ako naman ay naiwan na naman kasama ang mga uod na ito.

"Oli partner tayo." napatingin ako kay Audi ng magsalita ito.

"Hindi, kami ang partner ni tutubi." si Joyo naman na lumapit pa sa gilid ko.

"Tsk, maghanap ka ng iba Joyoboy, ako ang partner ni tutubi." si Hunt na tinulak pa ng bahagya si Joyo upang siya ang pumalit na nasa tabi ko.

Nakangiwi ko lang silang tinitignan.

"Asa, ako ang nababagay na partner niya ngayon diba Oli." si Fred naman ang nagsalita. Napakamot na ako sa ulo ko sa pinaggagawa nila. Ang ganda ko para pag-agawan nilang maging partner. Tsk.

"Hindi, ako pinakagwapo sa ating walo kaya ako na lang." si Ethan naman na nginiwian ko pa ang pagkindat niya sa akin.

"Ako na pre, ako na bahala kay Oli. Paborito ko kasi ang milo kaya ako talaga ang bagay na maging partner niya." saad naman ni Bash kaya kaming lahat ay napatunganga sa kanya.

"Anong konek nung paborito mong milo Bash?" nakanganga kong tanong sa kanya.

"Wala lang. Hihi." sira ulo naman niyang sagot sa akin at bahagya pang napatawa.

"Excuse me." sabay-sabay kaming napalingon sa nagsalita.

"Oh, bakit Ken?" tanong ko naman ng lumapit si Ken sa kinauupuan namin ngayon.

"C-can you be my partner again Oli?" nahihiya pa nitong saad.

"No!" lalo akong napanganga ng sabay-sabay na sumagot ang mga uod sa tabi ko.

Me and the Group 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon