Chapter 18

9 0 0
                                    


Dumating ang linggo at umaga pa lang ay pinuntahan na ako ng tatlong uod sa bahay.

"Magandang umaga po aleng Iva." magiliw na bati ni Joyo kay inay. Nginitian pa nito ang kapatid ko bago pa nito lapitan.

"Magandang umaga naman sa inyo." balik bati ni inay sa kanila.

"Susunduin po sana namin si Oli, aleng Iva. Birthday kasi ni Fred kaya may handaan." saad ni Sandro na ikinatingin lang ni inay sa akin.

"Ah ganoon ba. Oh siya, maghanda ka na Oli at ng hindi na maghintay ng matagal itong mga kaibigan mo." ani inay na ikinangiti naman ng mga gago.

Wala na din akong sinabi at nag-ayos na lang din ako upang makasama sa mga uod na ito.

Ilang minuto lang at umalis na din kami sakay ng tricycle na si Sandro ang nagmamaneho. Hiniram daw nila iyon sa pinsan niya.

Kalahating minuto ay nakarating na kami kina Fred. Bungalow type ang bahay nila na may disenyong bato-bato sa pader.

"Tuloy na kayo." yaya nito sa amin ng makita kami nito mula sa beranda nila. Ngumiti pa ito sa akin bago din kami sinalubong.

"Happy birthday, Fred. Mabuhay ka hangga't gusto mo." nakangisi kong bati sa kanya na ikinatawa niya ng bahagya sa akin.

"Salamat, tutubi. Mabuhay ka din in peace. Hihi." balik niya sa akin na inungusan ko lang ng bahagya.

"Happy birthday, pre. Sana mabusog mo kami." sabay namang bati nina Sandro, Hunt at Joyo sa kanya. Nag-fist bump lang ang mga uod at nagtuloy na din kaming pumasok sa bahay nina Fred.

Nagmano kami sa mga magulang niya na nakangiti pa kaming tinanggap.

"Ikaw ba si Olivia?" tanong pa ng mama ni Fred sa akin na tinanguan ko naman.

"Opo. Hihi." nahihiya ko pang ani.

"Pasensya ka na sa anak ko kung minsan ay pasaway. Mabait naman 'yan hindi lang halata." biro ng mama niya na pansin ko pa ang pagkakamot ni Fred sa ulo niya.

"Huwag po kayong mag-alala tita, madalas naman pong pasaway 'yang si Alfredo. Haha." gatong ko pa na ikinanguso na nito sa akin.

"O siya, kumain na muna kayo bago kayo magpunta sa ilog." ani pa nito na masaya ko lang na tinanguan at ganoon din ang mga kasama ko.

Pagpasok namin sa kusina ay nandoon na din ang lahat. Nakasubo pa sa bibig ni Audi ang shanghai na halatang kanina niya pa nilalantakan dahil sa mantikang nakikita ko sa labi niya.

Naningkit naman ang mata ko sa lechong baboy na naroroon sa lamesa. Mga gago, pinahiga nila imbes na nakadapa.

"Kain na Oli, pre." yaya pa ng mga gago sa amin.

Lumapit na din kami sa lamesa at inabot ang binigay na plato at kutsara ni Fred.

"Damihan mong kumain tutubi, para makalipad ka ng mataas." ani Fred sa akin na ikinasiko ko sa kanya.

"Fly high dragonfly." tawa naman ni Hunt sa akin.

"Tsk." irap ko na lamang sa pang-aalipusta na naman nila sa akin.

Inuna kong tinungo ang malaking platong pinaglagyan ng shanghai.
Napatingin pa ako kay Audi bago ako kumuha dahil nakapako lang din ang paningin niya doon.

Pansin ko ang pagbaling niya ng tingin sa akin ng umaksyon akong kukuha.

"Bakit?" taas kilay kong tanong sa kanya.

Ngumuya siya ng dalawang beses tsaka niya nilunok ang pagkaing nasa bibig niya.

"Shanghai, ayaw mo?" aniya pa sa akin na parang wala siyang balak na mamigay ng pagkaing hindi naman siya ang may-ari.

Pinaningkitan ko naman siya ng mata at siya na din mismo ang naglagay ng isang piraso ng shanghai sa plato ko. Sasamaan ko pa nga sana siya ng tingin kung hindi niya pa iyon dinagdagan ng dalawa.

"Tatlong shanghai for you because I love you." saad pa ng gago na tuluyan ko ng sinamaan ng tingin.

"Takaw mo." simangot ko sa kanya.

"Spaghetti, you like? Pampahaba ng life." ani Bash ng mapunta ako sa pwesto niya. Tumango naman ako at pinagsandok ako ng isang bandihado ng gago.

"Anong akala mo sa akin, patay gutom huh?" maldita ko namang ani sa kanya.

Napangisi ang gagong uod at binawi din ang pagsandok ng madaming spaghetti.

"Biro lang tutubi. Puso mo. Huwag ka kaagad nagmamaldita. Gumaganda ka lalo eh." pambobola pa ng uod.

"Sira ulo." iling ko na lang at pinagpatuloy na ang pagpili ng pagkaing ilalagay ko sa plato ko.

Napangiti naman ako ng matapat ako sa lagayan ng pritong manok na bucket pa ng jollibee ang lalagyan. May alaala kasi sa utak ko ang bigla nalang nagpasaya sa puso ko.

"Sa jollibee bida-bida ang saya." ani Stone habang nilalagyan ng pakpak ng manok ang plato ko.

"Fly high dragonfly." nakangising niya pang saad na peke ko lang ding tinawanan.

"Happy ka na niyan?" nakangiwing ani ko sa kanya.

Lalo namang ngumisi ang gago. Tsk.

Simangot ko siyang iniwan at umupo na sa kabilang lamesa. Sumunod naman siya at doon na din kumain.

Kukunin ko na sana ang pakpak ng manok ngunit kaagad niya din iyong nakuha. Sisinghalan ko na sana siya ngunit pinalitan niya din ito ng hita.

"Yan, kain ka na. Hihi." nakangiti niya pang saad.

Nginusuan ko naman siya tsaka sinunod ang sinabi niya.

Napatingin pa ako sa kanya ng pinanuod niya lang ang pagkain ko habang nakapangalumbaba sa lamesa.

Napangisi naman ako ng may kalokohang pumasok sa isip ko.

Sinadya kong dilaan ang labi ko at umaktong natatakam sa kinakain kong manok na kaagad ding nagpaayos ng upo ng gago.

Pansin ko pa ang paglunok at pag-iwas niya ng tingin sa labi ko.

"Hahaha." tawa ko sa kanya. Nagkamot pa siya ng batok at naiinitang umalis sa harap ko.

"Anong nangyari doon? Bakit pinagpapawisan?" tanong ni Sandro patungkol kay Stone.

"Natatae na daw siya kaya biglang umalis." sagot ko naman kay Sandro na inilingan lang niya.

***

night-firefly 💙

Please vote and leave your comments. Kindly follow this account. Thank you.

Me and the Group 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon