Chapter 16

20 5 0
                                    


"So, saan ka nga galing, tutubi?" tanong ni Hunt ng makaupo na kami dito sa gitna ng quadrangle.

"Sa pagkabata. Hihi." ngisi ko naman sa kanya.

"Tsk. 'Yung maayos na sagot, Oli." siningkit niya pa ang mga mata niya ng magsalita ulit siya.

Napabaling naman ang pagkakaupo ko sa kanya at maayos siyang hinarap.

"Maayos?" . . "Okay." pauna ko pang saad bago ko siya tignan sa mga mata niya. "Sa future. .hihi."

Kumunot lang ang noo niya at pagkaraan ay magaang pinitik ang ilong ko.

"Tsk. Ayoko na ngang magtanong." himig nagtatampo niyang ani kaya nahampas ko na ang balikat niya.

"Nagtatanong-tanong ka tapos nung sinagot kita, magtatampo ka diyan. Uod ka talaga, Hunt." irap ko naman sa kanya.

"Eh, paano naman kasi. . Nagtatanong ako ng maayos tapos sasagutin mo lang ng kalokohan. Nasasaktan ako tutubi, give me some space." madamdaming iwas pa niya sa akin.

"Batukan kaya kita, Hunt. Okay lang ba?" nagpeke ako ng ngiti tsaka siya binantaang babatukan.

"Tsk. Saan ka nga kasi talaga nanggaling Oli?" si Sandro naman ang nagtanong. "Ilang araw ka kayang wala tapos hindi pa namin alam kung saan ka hahanapin. Alam mo bang dinayo pa naming tatlo nina Joyo at Hunt ang bahay niyo para makita ka lang." mahaba nitong dagdag na ikinataas ng kilay ko sa kanya.

"Bakit niyo naman ako hinahanap?" tanong ko naman sa kanila.

"Kasi wala na kaming kasamang tutubi." paunang sagot ni Hunt.

"Kasi wala na kaming lider." sagot din ni Joyo.

"Kasi wala ka kaya hinahanap ka. Hihi." gagong sambit ni Fred kaya umirap ako sa kanya.

"Tsk."

"Kasi wala na kaming nililibre." saad ni Ethan kaya napanguso ako sa kanya.

"Kasi wala ng nananabunot sa buhok namin." si Bash. Sabunutan ko kaya yung may gel na buhok niya ngayon.

"Kasi wala ng maingay." sambit ni Audi na pinakatahimik sa mga uod na ito.

"Kasi namimiss ka namin." si Sandro naman ang nagsalita kaya ngumiti ako sa kanya. Siya lang ata ang may magandang dahilan sa mga uod na ito.

Napatingin kaming lahat kay Stone pagkaraan dahil siya na lang ang hindi nagsasabi ng dahilan kung bakit nila ako hinahanap.

"Kasi--" napakamot pa ito sa gilid ng noo niya na parang wala na siyang masabing iba. ". .ayaw kitang mawala. . I mean, namin. . ayaw ka naming mawala, Olivia." pag-uulit pa niya. Pinaningkitan ko naman siya ng mata na kaagad namang ikinaiwas niya ng tingin sa akin. Tahimik ko pang napatango-tango ang ulo ko, maganda din kasi ang dahilan niya kahit papaano.

Binalingan ko naman ng tingin ang lahat bago nakangusong nagsalita sa kanila.

"Tsk. Dami niyong dahilan. .Pero salamat. Hihi." ngiti ko. Atleast may pakialam rin pala ang mga uod na ito sa akin.

"So. .saan ka nga nagpunta?" balik pagtatanong ni Fred.

Inirapan ko na naman siya bago tumingala sa langit.

"I don't know." seryoso kong ani bago pa bumuntong-hininga. Hindi ko kasi alam kung paano ipapaliwanag sa kanila kung saan talaga ako nanggaling. Ayoko namang ikwento ang tunay kong buhay dahil mahabang paliwanagan pa ang mangyayari at ayokong mag-iba ang tingin nila sa mga kinilala kong magulang. Hindi din sila maniniwala kung sasabihin kong sa future talaga ako nanggaling katulad na lang ng sinabi ko kay Hunt. Tsk.

Ilang sandali pa akong nasa ganoong posisyon bago ko pa ulit sila balingan ng tingin. "Pero masaya ako dahil nakabalik na ako." saad ko tsaka sila matamis na nginitian. Ilang beses ko pang kinurap ang mata ko upang hindi lang magtuloy ang pamumuo ng mga luha ko.

Totoong masaya ako hindi lang dahil nabalikan ko ang pamilya ko, pati na din silang mga kaibigan ko. Ngunit bigla din akong nakaramdam ng lungkot na hindi ko alam kung para saan.

"Kami din, Oli. Masaya kaming nakabalik ka na." saad ni Sandro kaya masaya akong bumaling sa kanya.

"Let's dance guys." masayang yaya ni Bash at nauna na itong tumayo sa kinauupuan niya.

"Tsk. Hindi ka naman marunong sumayaw Bash." basag trip ko din sa kanya tsaka natawa.

"Anong hindi? C'mon tutubi. .Hindi mo ba alam na isa akong dancer?" saad naman nito.

"Oo. Dancer siya Oli. . Sa gay bar. Potcha. Haha." humagalpak ng tawa si Fred ng sabihin niya iyon.

"Tangina! Hindi ah." kaila niya pa bago mag-umpisang gumiling sa harap namin na parang macho dancer. Buang.

"Hindi talaga, Oli. Ahaha." halakhak niya pa habang patuloy na gumigiling. Napangiwi na lang ako sa kanya. Medyo naniniwala na kasi ako kay Fred na dancer siya sa gay bar. 'Yung mga steps niya kasi at ang paraan ng paggiling ay nakikita ko sa mga video clips sa mga gay bar na napapanood ko noon. Hihi.

Nagsipagtayo na din ang ibang uod kaya nakigaya na din ako. Para kaming naglalaro ng bilog-bilogan sa gitna nitong quadrangle. Kulang na lang ay kakanta kami ng bubuka ang bulaklak tapos papasok 'yung reyna.

Nagtawanan pa ang mga uod ng nagsigiling na din ang iba pwera na lang kay Stone na nagkakamot lang ng batok niya. Hindi siguro siya marunong gumiling.

"Stone, giling ka nga din. Hihi." panloloko ko sa kanya na ginawa din kaagad ng gago.

"Ganito ba, Olivia?" tanong niya pa habang gumigiling palapit sa kinatatayuan ko.

"Go, Stone. Ikembot mo pa, pre!" cheer din ng mga kasama niyang uod habang tumatawa.

"Haha. Potcha. Mas bagay sayo macho dancer kaysa kay Bash. Haha." halakhak ko sa paggiling niya.

Ngumiti lang siya sa sinabi ko habang dahan-dahan ng inaabot ang kamay niya pahawak sa balikat ko at doon humawak upang gumiling kaya bigla akong napatakip sa bibig ko. Tangina.

"Ang halay mong batong uod ka!" bulyaw ko na ikinahagalpak lang niya ng tawa. Hinampas ko ang braso niya upang tumigil lang siya ginagawa niya. Potcha, anong akala niya sa akin pole at sa tabi ko siya gumigiling?

Tsk, kung si Audi pwedeng maging boxer. Ito namang si Stone ay pwede ng pumasok bilang macho dancer kasama si Bash.


***


night-firefly 💙


Please vote and leave your comments. Kindly follow this account. Thank you.

Me and the Group 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon