Chapter 11

27 6 0
                                    





Naunang bumaba ang apat kong kaibigan habang hindi ko alam kung bababa ba talaga ako.

"Olivia, bumaba ka na." naiinip na sambit ni Mel sa akin kaya kahit nahihiya ako ay pinilit ko na lang na bumaba.

Nakayuko ako habang nasa sementong daan lang ang paningin ko. Potcha! Bakit ba ako kinakabahan?

"Let's go." yaya ni Mel sa amin na hindi ko kaagad nakuha.

"Tsk. Seriously Oli, you look stunning kaya bakit ka ba nahihiya?" naiinip na sambit pa niya sa akin.

"Kinakabahan ako Mel, first time ko 'to." sambit ko sa kanya kaya napailing na lang niyang hinila ang kamay ko upang makapasok na kami sa loob.

Ang dami ng nagkalat sa loob ng paligid ng Nanza. Lahat ng studyanteng makikita dito ay nakaayos talaga para sa party na magaganap.

"Oh, ayun pala ang mga ka-grupo mo." sambit ni Ai habang tinuturo ang kinatatayuan ng mga uod.

Ang ga-gwapo nilang lahat tignan sa suot nilang polo na parehas pa nilang tinupi hanggang siko. Mas lalo tuloy silang matangkad tignan sa mga ayos nila ngayon.
Maraming studyante ang nakatingin sa gawi nila na parang hindi naman nila nakikita. Tsk! Ang aarte talaga ng mga uod na ito. Namimili ng kausap at papansinin eh.

"Huwag ka Oli., simula ng hindi ka na pumasok, lalong naging bulakbol ang mga iyan. Napapabalita pang may nakaaway silang gang sa labas ng school at ang pinakamalupit pumasok ang mga 'yan ng lasing." sumbong ni Cera sa akin na tinanguan naman ng iba.

Nanatili lang akong nakatingin sa pwesto ng mga gagong uod. Paano kung hindi ako bumalik? Makaka graduate pa kaya ng high school ang mga sira-ulong 'yun?

"Pustahan Oli, mga nakainom na ang mga 'yan." si Ai naman ang nagsalita habang nakacross pa ang kamay sa dibdib niya.

"Sige na, puntahan mo na sila at pupunta na din kami sa section namin." paalam naman ni Ylyn kaya wala na akong ibang mapagpipilian kundi ang puntahan ang mga kagrupo kong mga sira-ulo.

Napahugot muna ako ng hininga bago tahakin ang daan papunta sa kanila. Una akong nakita ni Hunt na parang hindi pa naniniwala sa nakikita niya ngayon. May pakurap kurap pa kasi ang loko.

"Tutubi?" sambit niya na nabasa ko naman sa pagbigkas ng bibig niya. Nagsitinginan din ang iba sa direction ko kaya automatikong napaikot ang mata ko sa kanilang lahat.

"Olivia." napalingon ako kay Stone. Masama ko siyang tinignan ng mapansin ko ang pasa sa bandang labi niya. Tama nga ang sinabi ni Cera. Nakipag-away nga ang mga gagong ito.

Nakahalukipkip ko siyang tinignan pati na din ang ibang mapupula na ang mga hasang dahil mga nakainom na.

"I thought hindi ka na babalik." sambit pa ulit ni Stone kaya nabalik ulit ang pansin ko sa kanya.

"Lapit ka sa akin Stone. dali." nanggigigil kong sambit na kahit nagtataka siya ay lumapit na din. "Lapit mo pa mukha mo." utos ko ulit na ginawa din naman niya. Malakas kong pinitik ang noo niya katulad ng ginagawa niya noon sa akin bago ko siya pinagalitan.

"Gago ka ba? Gago ba kayong lahat?" inis ko pang sambit sa kanilang lahat na nanatiling mga tulala lang na nakatitig sa akin.

"Ano? Sobrang ganda ko ba para matulala kayo ng ganyan?" inis ko na namang sambit na ikinatikhim na nila isa-isa.

"Mga sira-ulo! Ano 'tong nabalitaan ko na nakipag-bugbugan daw kayo? Wow hah! Unlimited ba buhay niyo? Malakas ba kayong sumuntok? Tatay niyo ba si Jackie Chan?" tuloy-tuloy kong sambit na tulala pa rin ulit nilang pinakinggan.

Me and the Group 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon