Chapter 7

29 6 0
                                    





"Nay bukas na po ba uuwi si itay?" tanong ko kay inay na nagtatanim ng mga gulay sa maliit naming harden. Lumapit na din ako sa kanya upang tulungan siya dahil tapos ko na din naman ang gawain ko. Natapos ko na ding sagutan ang mga autograph book ng walong uod.

"Bukas ng gabi ang dating ng itay mo Oli." sagot ni inay na ikinakagat-labi ko.

Napabuntong hininga pa ako habang pinagmamasdan si inay na masayang nagtatanim ng halaman. Kung pwedi lang na humiling ng paulit-ulit, paulit-paulit ko ding hihilingin ang kaligayahan niya.

"Mahal na mahal po kita nay." sambit ko sa kanya na sa pangalawang pagkakataong ito ay pinarinig ko na ng maayos sa kanya.

Bumaling naman siya ng tingin sa akin. Nagtataka niya pa akong pinagmasdan kaya payak akong ngumiti sa kanya na nginitian niya din pabalik.

"Mahal na mahal ko din kayo ng kapatid mo, anak." sambit niya din sa akin.

Mahigpit akong napayakap sa kanya na alam kong ikinabigla niya ngunit nagawa niya ding tapikin ang likod ko.

"May problema ba anak? May masakit ba sayo?" usisa niya na tahimik ko lang na inilingan habang tahimik ding umiiyak sa dibdib niya.

"Oli?" tanong pa niya ng magbalak siyang humiwalay ngunit mas hinigpitan ko pa ang yakap sa kanya.

"N-nay.." garalgal kong tawag sa kanya. "..huwag niyo po akong iwanan. .hindi ko po kaya inay. . kayo po ang gusto kong maging magulang kahit pa mahirap lang po tayo. . kayo po ang gusto kong makasama hanggang sa pagtanda ko. .kaya po. . k-kaya po sana pag-uwi ni itay huwag niyo po akong ipamigay sa totoo kong mga magulang. . ayoko pong mahiwalay sa inyo ni Jun, ni itay. . lalong lalo na po sa inyo inay." hagulhol kong sambit na ramdam ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin.

Iyon ang masakit na ala-alang hindi ko nakalimutan. Ang katotohanang hindi ako tunay na anak nila ni itay. Nasasaktan ako. . sobrang nagdurusa ang puso ko na kahit pangalawang beses na itong nangyari sa akin ay wari'y nadagdagan pa lalo ang lungkot at sakit dito sa puso ko.

"P-paano mo nalaman ang bagay na iyan, Oli?" tanong ni inay. Lalo akong humagulhol habang yakap-yakap pa rin siya. Gusto kong sabihing pangalawang beses ko nang labis na nasaktan. Gusto kong isumbong sa kanya ang totoo kong nararamdaman ngayon. Gusto kong malaman niya ding sobra akong nalulungkot na gusto ko na lang kalimutan ang parteng ito ng buhay ko.

"Inay pakiusap po. . sabihin niyo po kay itay na ayaw ko pong umalis dito sa atin. . a-ayaw ko pa pong m-mahiwalay sa inyo. . h-huwag muna ngayon inay. . h-huwag niyo po muna akong isuli sa t-tunay kong mga magulang." hagulhol kong sambit sa kanya.

"Olivia." umiiyak ding tawag ni inay sa akin. "Hindi ko alam kung saan mo nalaman ang bagay na iyan anak. . p-patawarin mo ako. . patawarin mo ako kung nagawa kong ilayo ka sa tunay mong mga magulang. . pinagkait ko sayo ang marangyang buhay na dapat ay noon mo pa natatamasa. . patawad anak." hinging tawad ni inay sa kasalanang nagawa niya noong bata pa ako. Ginusto niyang magkaroon sila ng anak ni itay noon na pinagkait na ibigay sa kanila.

Nakita ako ni inay noon na nawawala habang nagsisimba kami ng tunay kong mga magulang. Kinuha niya ako at inuwi sa bahay nila ni itay. Lumipas ang mga araw, buwan at taon, sila na ang tinuring kong mga magulang hanggang sa dumating na si Jun sa buhay namin. Nagkaroon ako ng kapatid. Naging masaya ang buhay ko kasama sila kahit pa hindi nila ako tunay na kapamilya.

Andito pa rin sa ala-ala ko ang nangyari sa pag-uwi ni itay. Kasama na niya ang mga tunay kong magulang at mula noon hindi ko na sila nakasama pa. Natatakot ako kaya nasabi ko kay inay noong nakaraang araw na ipagpaliban muna ni itay ang pag-uwi niya dahil iyon ang araw na malalaman kong isa lang akong ampon. Iyon ang araw na aalis ako sa bahay na ito. Iyon ang araw na mahihiwalay ako sa kanila. Iyon din ang huling araw na makakasama ko ang mga kaibigan ko.

"Kailangan mo nang bumalik sa kanila, Oli." paliwanag ni inay. "Mahaba na ang paghihirap mo kasama kami kaya bumalik ka na sa totoo mong mga magulang. Hinding-hindi ka na maghihirap doon anak. . Hindi na sampung piso ang baon mo araw-araw. . Mayaman ang totoo mong pamilya Oli kaya mabibili mo na ang lahat ng gusto mo." mahaba niya pang dagdag.

"Hindi iyon ang kailangan ko inay. . kayo po ang kailangan ko." saad ko naman na ikinahugot niya pa ng malalim ba hininga bago nagsalitang muli.

"Olivia. .makikita mo pa naman kami kahit doon ka na nakatira."

"Hindi po inay. .hindi ko na po kayo makikita nina itay at Jun. .alam ko po iyon inay. .huwag niyo po akong paalisin dito. . maawa po kayo sa akin.. gusto ko pa po kayong makasama. ." makaawa ko. Alam kong kapag umalis na ako sa pamamahay na ito ay hinding-hindi na ulit ako makakabalik. Hindi ko na ulit sila makikita pa.

Dumaan din sa isip ko kung bakit bumalik ako sa panahong ito. Maaaring ito ang dahilan kung bakit ako narito ulit. Ito ang hinihiling ko noon. Ang makasamang muli ang kinalakihan kong pamilya. Ang masakyan ulit ang lumang biseklita ni itay. Ang makasama ulit ang kapatid kong si Jun. Ang mayakap ulit ng mahigpit si inay at makita ulit si itay.

"Paano mo naman nasabi iyan anak? Hindi mo pa naman alam ang mangyayari. .mabait ang mga tunay mong magulang anak kaya pagbibigyan pa rin nilang puntahan mo kami." paliwanag pa rin ni inay na inilingan ko lang dahil alam ko na ang mangyayari.

"Dadalhin na nila ako sa malayong lugar inay kaya hindi na ako makakabalik ulit dito. . Hindi ko na po kayo ulit makikita." hagulhol ko na naman sa kanya.

"Olivia."

"Maniwala po kayo sa akin inay. . Di ba sabi niyo mahal niyo po ako. .kaya pakiusap po. . d-dito po muna ako inay. . pigilan niyo po si itay na ibalik ako sa mga magulang ko." pakiusap kong muli sa kanya.

"Makukulong kami ng ama mo kung hindi ka namin ibabalik anak." nanghihinang sambit ni inay sa akin kaya wala na akong magawa kundi ang umiyak na lang.

Gusto kong pigilan ang pagkakahiwalay ko sa kanila na mangyayari bukas pagdating ni itay. Gusto kong pigilan ulit ang oras. Gusto ko ulit balikan ang panahong malayo pang mangyari ang pag-alis ko sa bahay na ito.

***

night-firefly 💙

Please vote and leave your comments. Thank you.

7.

Me and the Group 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon