CHAPTER 00

3K 111 22
                                    

Chapter 00:
The Book Of Prophecy

Sampung segundo.

'Yan ang kailangan ko para manakaw ang dalawang pirasong tinapay sa harap ko ngayon. Nagtago ako sa gilid ng malaking basurahan bago inayos ang sombrero at panyo na nakatabing sa kalahati ng aking mukha.

Huminga ako ng malalim bago ginawa ang plano ko. Ang nakawin ang dalawang pirasong tinapay.

"Magnanakaw!". Sigaw ng may-ari ng tindahang ninakawan ko.

Mabilis akong tumakbo at hindi na inalintana ang mga taong nakaharang sa harapan ko. Hindi ako pwedeng huminto hanggat hindi ako nakakarating sa bahay namin.

Nang masiguro kong nailigaw ko ang mga humahabol sakin ay huminto muna ako at nagpahinga. I need to breathe for another run. Hindi ako pwedeng mahuli kundi ay hindi makakakain ang kapatid ko.

"Doon ka, dito ako!". Dinig kong sabi ng punong kawal ng lugar namin.

Nagsimula na ulit akong tumakbo at laking pasasalamat ko nang makarating na'ko ng payapa sa sira sirang bahay namin. Pumasok ako sa loob at nadatnan ang kapatid kong pinaglalaruan ang apoy sa magkabila nyang kamay.

He is a Fire Enhancer. Common magic in this town of Heros. In short, the weakest magic in the Kingdom of Morougwe.

Hindi tinatanggap sa mundo ng mga mararangya ang ganitong klaseng kapangyarihan. Sa kanilang mga mata, isa lang kaming salot sa lipunan at walang kwenta.

"Quin, may pagkain na tayo".

Mabilis itong napalingon sakin. Kita ko ang pagkislap ng mga mata nya nang makita ang hawak ko. He must be really hungry.

Heros is a mediocre. We're the poorest of the poorest. Walang tutulong samin kundi ang mga sarili lamang namin. Morougwe already forgot about us and is only focusing on the towns that can help and provide them good things.

At walang maiaambag ang Heros doon. That's why I ended up stealing food for us to stay alive. We need to stay alive...

"How was it, Quin?". Tanong ko sa kapatid kong masayang kumakain.

"Masarap, Ate! Sana ganito lagi ang maiuuwi mo".

Ngumiti naman ako at tumango.

"Gagawin ni Ate ang lahat para sa'yo, Quin". I ruffled his already long brown hair.

"Sana makaalis na tayo dito ano, Ate?". Malambing nyang sabi sakin.

I give him an assuring smile. "I will make that happen. One day, Quin. One day...".

Kumain kaming dalawa ng masaya noong hapon na 'yon. But a sudden scenario occurred... Nakatayo ngayon sa harap ko ang kababata kong si Freed at kita ko sa kulay asul nitong mga mata ang takot, kaba at pagkataranta.

"What we're gonna do now, Tash? Siguradong lulusubin ng mga kawal nang Emperor ang Heros ngayong gabi. The Book of Prophecy is missing! The people of Heros are the one who's taking the blame!".

Kumuyom ang mga kamay ko. This is what I hate in Morougwe. Wala silang ibang pinagbibintangan kundi ang Heros sa mga bagay na hindi naman kami ang may gawa. We always takes the blame and getting punish to the sin we never dare to do.

Kahit mahihirap at mga patapon ang mga tao dito ay kahit kailan hindi namin nanaisin na nanakawan ang mga maharlika. Involving our life to those greedy rich people will make our life a living hell.

The Gifted's (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon