CHAPTER 01

2.3K 101 12
                                    

Chapter 01:
Heist

"How was it, Quin?".

"Masarap, Ate! Sana ganito lagi ang maiuuwi mo".

"Gagawin ni Ate ang lahat para sa'yo, Quin".

"Sana makaalis na tayo dito ano, Ate?".

"I will make that happen. One day, Quin. One day...".

Halos habulin ko ang paghinga ng bumangon ako. Napaupo ako sa malambot na upuan. Nag-angat ako ng tingin at nakita ang isang lalaki na nasisiguro kong na'sa mid-40's ang edad. Nakaupo lamang ito ng diretso at walang reaksyon sa ngayo'y naguguluhan kong mukha.

Na'sa loob kami ng isang magarang karwahe. Sa tingin ko ay hindi bababa sa sampung pilak ang bayad dito. Tumaas ang kilay nya sakin bago inabot ang isang bote ng inumin.

"Who are you?". Paos ang boses na tanong ko dito matapos makainom ng tubig.

"Esrael Heist". Pormal nitong pagpapakilala.

"Where are you taking me?".

"To my house".

Kumunot ang noo ko. "I'm not a slave".

He smirked. "I'm taking you there to teach you".

"I'm supposed to be dead by now. Paano ako nabuhay muli?".

Mariin nya akong tinitigan. Ang asul nyang mga mata kagaya ng kababata kong si Freed ay tila binabasa ang buong kaluluwa ko. Nagbaba ako ng tingin ng maalala ang lahat ng nangyari sa akin...sa amin...kay Quin...

Gustong gusto kong umiyak pero walang luhang nabubuo sa mga mata ko. Tila naubos na ang lahat ng luha ko noong gabi ding iyon... I grip my dirty pants with my shaking hands. Galit ako... Galit na galit.

Hindi ako makapaniwala na nawala na ang dalawang importanteng tao sa buhay ko. I feel lifeless but I'm breathing and my body is already fine. Gusto kong sumigaw ngayon at pumunta sa Royal City at magwala.

I want the royal bloods and fucking nobles to see the monster they created after they take away the only people the world left for me.

"As you can see, I healed you and gave you life again".

"Bakit mo pa ako binuhay? The important people in my life are already killed and even burned alive. Wala na akong rason pa para mabuhay". Nag-angat akong muli ng tingin sa kanya at tumitig sa walang buhay nyang asul na mga mata.

"You have a reason. You need to avenge your loss".

Pagak akong tumawa.

"Sa tingin mo ba ay may laban ang katulad ko sa mga maharlika? Ni hindi ko nga naprotektahan ang kapatid at kaibigan ko dahil wala akong kwenta! Revenge? That's only for those people who have something special and that's not me. Wala akong kapangyarihan at mahina akong nilalang. Mas mabuting patayin mo na lamang ako ngayon".

The Gifted's (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon