CHAPTER 25

1.6K 92 2
                                    

Chapter 25:
Memories

THIRD PERSON's POV

Sunod sunod na pagsabog at pagkasira ng ilang bahagi ng Black Tower ang namutawi sa buong Argos.

Hindi mabilang na kawal at matataas na opisyal ang nagkalat sa lupa, sugatan, nag-aagaw buhay at ang iba'y tuluyan nang namatay. Hindi sila makapaniwalang mga estudyante lamang ng Morougwe ang gagawa sa kanila ng ganito.

"You're going to regret this!". anang isang mataas na opisyal habang umaatras sa papalapit na si Reese.

Ngumisi ang babae at tinutok sa opisyal ang tulis ng kanyang katana. Mas lalong kumalat ang takot sa mukha ng matandang lalaki.

"How do you want to die?". Mapaglarong tanong ni Reese dito. "Do you want me to kill you personally or you want my celestial spirit kill you for me? Choose wisely, old hag".

Hindi sumagot ang matanda. Imbis ay tinangka nitong atakihin ang dalaga ng matutulis na yelo na pinalakas nya gamit ang enhancer ability.

Pero bago pa man nya malinlang si Reese gamit ang walang kwentang atake, pinalabas na nito ang isa nyang celestial spirit.

Si Libra.

Gamit ang gravity magic ni Libra, awtomatikong tumusok sa lupa ang mga matutulis na yelo. Pati ang matanda ay tuluyan ding lumubog sa lupa dahil sa bigat ng kapangyarihan nito.

"Play with him, Libra. Do what you want".

Mabilis na tumango si Libra sa taong nagmamay-ari sa kanya.

"Masusunod, Prinsesa".

Mabilis na umiwas si Genesis sa kalmot ng malaking dragon na ginawa ng kanyang kalabang Lucifian gamit ang emitter ability nito.

Marami na syang napatay na kagaya nito pero ang lalaking kalaban ay nasisiguro nyang isa sa mga may pinakamataas na ranggo sa mga opisyal ng Lucifians.

Mahirap itong patumbahin kahit ginamit na nito ang enhancer ability nya sa limit nito. Matibay pa din ang lalaki at kayang kaya pa ding makipagsabayan sa kanya.

Hindi pa nya ginagamit ang ilang porsyento ng kapangyarihan nya bilang Gifted at tanging ang caster at enhancer ability lamang ang gamit nya.

Her Gifted magic is not for this low class member of Lucifians. She's aiming for the head of the Captain of the Lucifians which is Silver Winslow. The person who killed her beloved mother.

Isang malakas na suntok ang ginawad ni Genesis sa mukha ng dragon nang akma syang kakainin nito. Dumagundong ang sigaw ng dragon sa naging atake nya.

Ginamit nya ang pagkakataon na 'yon para tumalon ng malakas at itarak sa puso nito ang isang emerald dagger na may nakalagay na matinding lason.

Nang makalapag ang mga paa nyang muli sa lupa ay agad hinanap ng mga mata nya ang kalaban. Nakita nyang tumatakbo ito ngayon papunta sa mismong Black Tower.

Inangat nya sa ere ang huling dagger na hawak nya. Gamit ang abilidad, pinalakas nya ang pagkakahagis ng dagger sa kalaban na agad tumama sa binti nito.

The Gifted's (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon