Claire's POV
" Thanks, Lai. " sabi ko.
" Wala yun. Basta may kapalit. "
" Sure. Ano yun? "
Nandito pa din kami sa Batangas. After nung eksena kahapon halos walang umimik.
" Gusto ko ng lalaki. " nakapout niyang sabi.
" Seriously? Bitch ka na nga, flirt ka pa? "
" Hard! Hindi ah. Pagtritripan ko lang yun boy. Ano ba? "
Saan naman ako kukuha ng lalaki? " Ah. Sige. Kita na lang tayo mamaya sa bar. Dun may ipakikita ako sayong lalaki. Bye. " sabi ko.
.*.*.*.*.*.
" Claire. Apo. "
" Ano?! " inis kong sabi.
" Usap daw kayong mag-anak. "
Hindi na ako sumagot at pumunta na ako.
" What do you want? " tanong ko.
" Anak. Please, walang sigawan. "
" Psh. Kung wala kayong sasabihin mauuna na ako. Ayokong maglaan ng oras sainyo kasi kayo mismo hindi ako mabigyan ng oras. "
" Anak. "
" Isa pa, wag mo akong tawaging anak. Wala akong inang hindi ako mahal. "
.*.*.*.*.
" Karl. Ano? "
" Uhm. Tinext ko na. Sabi ko dito sa bar sa may ***** Okay? "
" Good. So, mamaya nalang ulit tayo mag-usap. Makikipagkita pa ako kay Lai. "
" Okay. Date tayo mamaya ah? Sabi mo yun! "
" Psh. Oo na. "
.*.*.
" Nasa bar na daw. Let's go na, Lai. " sabi ko.
Nang makapasok kami ay hinanap ko agad yung lalaking nakaitim at pantalon. Tsk.
" Ikaw ba si Vince Tejado? "
" Yup. Nasaan na si Lai? " sabi nito.
" Hi. " bati ni Lai.
" Hello. Have a sit, miss. "
Tsk. Parehas flirt. Maiwan na nga.
.*.*.*.
Kumakain kami ngayon ng merienda. Ang malas kasi katapat ko pa si Chloebitch.
" Nakapag-usap na ba kayo? "
" Yes. "
" No. "
" Apo. Makipagusap ka na. "
" I said no. Ayoko. Hindi naman nila ako mahal kaya patas lang hindi ko din sila mahal. Ang mga taong kinakausap ko lang ay bilang. Hindi sila kasama dun. Kasi hindi naman nila ako mahal. " sabi ko at umalis na.
Restaurant
" Anong gusto mo? " tanong ni Karl.
" Kahit ano. Basta gusto mo. " sabi ko.
" Ah, sige. "
Naghintay muna kami ng kaunting minuto at dumating din ang orders.
" Claire. Anong tipo mo sa lalaki? "
Anong nangyari kay Cassanova? Ahuh! " Ayoko sa Cassanova. Gusto ko yung ako lang yung mamahalin. Ikaw? "
" Ikaw. "
Ano raw? " Ano, Cassanova? "
" Wala. Sabi ko ang ganda mo. "
Nyeta. Nasaan na naman ang katarayan ko? Tsk.
" I know right. Inlove ka na ba sa akin? Narinig ko pa yung sinabi mo nung isang gabi. " asar ko.
" C-claire. Hindi pa ako inlove sayo. Gusto pa lang kita. Okay? "
" Ows? Cassanova line mo ba yan? "
" Takte. Claire. I'm serious. I really like you. Kaya kahit anong balak mo o gusto mo susundin ko. "
" Okay. Sabi mo e. "
Nilagyan ko siya ng icing sa ilong. " Claire. Malagkit. Alam mo yun? "
" I know. Tara, uwi na tayo. "
" Mall muna tayo. Gusto kong mag-sine. "
" Sure. Siguro fifty shades of grey gusto mo ano? " biro ko.
" Hindi. Huwag na nga lang. Bibilhan na lang kita ng gusto mo. "
" Fine. Gusto ko nang teddy bears. " sabi ko.
" Sure. Tara na. "
Nakabili na kami at ngayon ay yakap yakap ko na yung teddy bears.
" Uhm. Karl. Dahil mabait ako ngayon. Tsk. Ngayon lang okay? Sayo tong kulay pink. "
" Ginawa mo naman akong bakla. " nakapout na sabi niya.
" Hindi. Ganito nalang. Kunwari ako yan. Okay? Tutal gusto mo naman ako. " asar ko pa.
.*.*.*.*.*.
" Bat ginabi na kayo, anak? "
" Psh. You don't care. Asshole. "
" Anak. Ina mo ako. Hindi ako asshole. Sorry kung hindi ko naiparamdam sayo na mahal kita, anak. I'm sorry. "
" Hindi ko kailangan ng paliwanag mo. Psh. "
Kainit ng dugo.
Nagbihis na ako ng pantulog at nahiga sa kama. Oo nga pala, magkatabi kami sa kama pero malaki naman tong kama.
" Hey. Claire. Goodnight. "
" Night din. " sabi ko.
" Claire. Lingon ka sa likod mo. "
Umayos naman ako at gumilid ng higa. " B-bakit? " nauutal kong sabi.
" I really like you. "
Psh. " I know! I know! Let's sleep. Okay? " sabi ko.
Pumikit na ako.
" Goodnight Claire. "
Pagkasabi niya nun ay hinalikan niya ako sa lips. At tumalikod na sa akin.
Dug.. Dug..
Dug.. Dug..
---
A/N: Last na toh. Promise. Bumabawi lang po talaga ako. Pahinga na po ako may sakit e. Salamat po. ^^
BINABASA MO ANG
Ms. Mataray Meets The Casanova (On-going)
Fiksi RemajaAno kayang mangyayari kung si Ms.Mataray meets The Casanova? :) - U N E D I T E D -