Claire's POV
" Miss na kita, Claire. "
Nagsimula na siyang umiyak. Ano bang nangyayari sa kanya? " Pasensya ka na, Krista. Miss ko na talaga si Claire e. "
Miss na niya ako. " Kamukha mo kasi talaga siya. "
" Hindi ko rin alam kung anong nangyayari sa akin. Basta ang alam ko nasasaktan ako. Kasi mas pinili pa ni Claire na mamatay. "
Huh? " Miss ko na si Claire! Kahit ilang araw pa lang! Hindi ko alam kung mahal ko na si Claire! Basta gusto ko lagi ko siyang nakikita! C-claire... "
Dug... Dug..
Dug.. Dug..
Gusto ko ba si Karl o Mahal ko ba si Karl?
" K-karl. "
" Huwag ka na lang magsalita! Naaalala ko si Claire sayo! Sh*t! "
" K-karl. Ako si Claire. "
Pinakita ko sa kanya yung teddy bear na binili namin. " Sabi ko na nga ba! Ikaw si Claire! " aniya at yumakap sa akin.
" Ano bang balak mo? " tanong niya.
" Masyado na kaming nasasaktan, Karl. Lalo na si Ate Chels. Sana maintindihan mo. "
" Claire naman. Pero mali yang ginawa niyo. Pwede naman na huwag na kayo magpapalit ng pangalan e! Pwede rin naman na umiwas na lang kayo hindi yung pinalabas niyo pang patay kayo! "
" Akala ko ba kahit anong balak ko, susundin mo? Karl? "
" Napakaselfish mo. Hindi ko alam kung bakit gustong gusto kita. Tama nga ang lolo mo. Selfish ka, Claire. "
" Karl. "
" Sige. Yan ang gusto niyo diba? Hindi ko na lang iisipin na buhay ka pa Claire. Kasi yung Claire na kilala ko hindi ganyan kakitid ang utak! "
Sumakay na siya sa kotse niya at pinaandar.
Yan rin ba ang gusto mo, Karl? Fine. Madali akong kausap. Pataasan na lang ng pride. Psh.
-*-*-*-*
Kumakain na kami nang hapunan dito sa Restau ni Ate Janessa.
" Tsk. Bahala na kayong dalawa. May problema nga rin ako sa boyfie ko e! Hmp! "
Nakwento ko kasi sakanya yung nangyari. " K. " sabi ko.
" Bilisan mo. Gusto ko nang matulog. " sabi ko.
Ang sakit sa mata ng nakita ko. Grabe. Super sakit sa mata. Psh. Kailangan bang mag-landian sa Mall? Kitang kita sila dito sa Restau.
Pride. Yan na lang ang natitira sa akin. Akala mo, Karl? Psh.
" Oo nga. Tara na. Nawalan ako ng gana. "
I'm sure nakita niya yung nakita ko. Lumabas kami nang Restau.
" Janessa! Krista! "
Shoot. Nakita kami ni Chloebitch. " Anong ginagawa niyo dito? " tanong niya.
Tinaas ko ang kilay ko. " Ano bang ginagawa dito sa Mall? Naliligo? "
" Ang pilosopo mo naman. Anyway, si Karl nga pala. Boyfriend ko. " nakangisi niyang sabi.
Ngumiti ako. " Talaga? Kayo na pala niyan ni Mr.Perez! Bagay kayo. Congrats. Oo nga pala. Kailan naging kayo? Hindi niyo man lang kami binalitaan. "
" Hahaha. Kanina lang. "
" Ah. So, mauna na kami ah? Baka istorbo na kami sa inyo ni Mr.Perez. "
BINABASA MO ANG
Ms. Mataray Meets The Casanova (On-going)
Teen FictionAno kayang mangyayari kung si Ms.Mataray meets The Casanova? :) - U N E D I T E D -