Claire's POV
"Ano ba, Mark?!"
Busy ako! Inis! "Ang cute ng anak natin 'no?"
"Shit ka. Assumero ka 'no, Mark? Hahaha. Anak? Anak 'to ni Ate Chels! Kaloka ka!"
Ngumiti lang siya. "Claire. Bakit ganun? Ginawa ko naman ang lahat pero bakit hindi mo ako magustuhan?"
Awkward. "Kasi hanggang ngayon si Karl pa 'rin? Ano bang kulang ko, Claire?"
Natameme ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. "Siguro nga si Karl pa'rin talaga." aniya at umalis.
Aish! Sorry Mark....
"Baby sis. Si Karl pa'rin nga ba?"
Napayuko ako sa tanong ni Ate Chels. "Sa tingin ko, oo. Pero minsan ba sinubukan mong mahalin si Mark?" dagdag niya.
"Ate..."
"Kausapin mo. Wag kang paasa, baby sis. Okay?"
I nod. Umalis si Ate Chels at naiwan akong mag-isa.
Sinubukan ko naman pero hindi ko kaya. Ano ba? Bakit ba pinipilit nila? Ayaw e!
Si Karl pa' rin talaga e! Anong magagawa nila? Ayoko na!
.*.*.
"Alden. Samahan mo ko," pilit ko kay Alden.
"Saan ba?" tanong ni Chloe.
"Hindi kita kausap, shut up." sabi ko kay Chloe.
"Sige na. Oo na, sasamahan na kita." -Alden.
.*.*.
"Alden. Sana mahanap na yung kapatid ko 'no? I miss him, my Cale." sabi ko.
"Claire. May kilala ka bang may galit sa'inyo or sa pamilya niyo?"
Napakunot noo ko. "Uhmmm. Si Tita Wen, why?" sabi ko.
"Hindi kaya siya ang kumuha sa kapatid mo? Nasaan siya habang nanganganak si Tita Clouie?" tanong niya.
Nasaan nga ba? "Ang pagkaka-alam ko, dumating siya nun. Pero nawala din bigla." sabi ko.
"Sige. Aalamin ko pa,"
Nanahimik kami saglit at inubos ang pagkain. Pagkatapos ay bumili kami ng damit.
"Alden. Ano gender ng anak niyo? Bibilhan ko ng damit, treat ko." sabi ko.
"Salamat. Babae e."
Nagikot kami. Pinili ko yung mga magagandang damit para sa anak nila.
"Claire. May tumatawag ata sa'yo,"
Tinignan ko yung phone ko at meron nga. Si Mark.
Hello?
[Nasaan ka?]
Nandito sa Mall. Bakit?
[Shit! Sinong kasama mo?]
Si Alden. Why ba? Bat natataranta you? Like duh!
[Hindi oras ng pakikipagbiruan ngayon, Claire! Umalis na kayo diyan!]
Ano? Ayoko nga!
[Masasaktan ka'lang. Umalis na kayo diyan!]
No! Ay--
[UMALIS NA KAYO!]
I hang up. Bakit ba? "Umalis na tayo. Baka makita mo pa sila,"
Eh? Weird!
Dahil sa pagmamadali namin. May nabangga ako. Dahil mabait ako pinulot ko yung dala nung babae.
"Thankyou." aniya.
Ngumiti ako. Naglakad ulit kami ni Alden. Nang may mahagip ang mga mata ko.
Si Karl at Talia.
"K-karl...."
"Claire, tara na." sabi ni Alden.
"BITAWAN MO KO, ALDEN!"
Wala akong pake kung pinagtitinginan na ako. Tumulo ang mga luha ko kaya tumakbo na ako.
.*.*.
Bar
"Ma'am. Lasing na po kayo,"
"Damn you! Wag mo nga akong pakielaman! Shino ka ba?!" mataray na sabi ko.
Tumayo ako kahit na lasing na ako maglakad. Pumunta ako sa dance floor at nakipagsayaw kahit kanino.
May humatak sa'kin at nakipagsayaw. Teka, bakit kamukha niya si Karl? Nako, Claire! Lasing ka na talaga.
"Hey. Kamukha mo yung taong mahal ko. Kaso iniwan niya ako. Hindi niya ako pinaglaban. Shaklap 'no? Karl pangalan niya. I hate him!"
Para akong tanga! "Taposh kanina sa mall. Magkaholding hands pa shila ni Talia the feeler! Hahaha, ang shakit na e."
Nagsimula na akong manahimik at umiyak. "Hindi na niya ako mahal....."
Bigla akong hinatak nung lalaki at hinalikan sa labi. Bakit...
Bakit parang lips ni Karl ang kalapat ng lips ko?
Niyakap ako nung lalaki at may sinabi.
"Mahal kita, Claire. Hindi nagbago 'yun. Mahal na mahal kita,"
BINABASA MO ANG
Ms. Mataray Meets The Casanova (On-going)
Fiksi RemajaAno kayang mangyayari kung si Ms.Mataray meets The Casanova? :) - U N E D I T E D -