Claire's POV
Nanatili akong nakatingin sakanilang dalawa. Mukang ayaw nilang magpapigil ah? Nice!
Masakit na. Di ko na kaya! "Tapos na kayo?" pangiistorbo ko.
Kaya napalingon sila sakin. Oh? Grabe magulat ah. Psh. "C-claire,"
"What? Ito ba ang sinasabi mong mag-usap tayo? For pete's sake, ang tagal kong naghintay sa Garden! 15 minutes! Tapos makikita ko na nagpapakasarap ka dito? Huh, Karl?"
"Tapos ano? Sasabihin mong di mo na mahal yang si Talia? Lakas mo rin 'no? Kakaiba ka! Tangna mo! Magsama kayong dalawa!"
"Affected much! Poor Claire! Akin na si Karl!" sabi ni Talia sakin.
"Edi wow. Sayo na. Gusto mo saksak ko pa diyan sa baga mo? Gusto mo? Psh," sabi ko.
"Kay Mark ka nalang kasi! Akin naman talaga si Karl noon pa!"
"What? Noon? Sa'yo? Pero iniwan mo? Edi wow. Ikaw na. Ma-hashtag nga mamaya, TaliaTheFeeler."
"A-alam mo 'yun?"
Yep. Kapatid mo na mismo ang tumutulong sakin. Bitch! "Iniwan mo siya dahil nag-blackmail sa'yo si Mark. Pero kung talagang mahal mo si Karl. Bakit hindi mo sinabi sa'kanya? Hmm, Talia?"
"Paano mo na---"
"Mind your own business," sabi ko at umalis na.
Pagkabukas ko ng pintuan ng condo unit namin ni Mark ay nakita ko siya. Humihikab pa.
"Akala ko ba matutulog ka na? San ka pa nang-galing?"
Hindi ko siya pinansin at pumasok na sa loob. "Nakipagkita ka?"
"N-no. Mark,"
"What? Claire naman. Umayos ka 'nga! Nasasaktan ka na nga tinatago mo pa!" sermon niya sakin.
Nagsimula na akong umiyak. Di ko na talaga kaya. Hirap na hirap na ako. Aamin na talaga ako sa'inyo.
Mahal ko na talaga siya. Si Karl. Ang Casanova na dati naman ay hindi. Si Karl na...
Mahal ko na talaga siya. Pero bakit ang aga ko naman atang masaktan? Hindi pa nga ako tapos kay Chloe, may iba pa?
Why? Bakit ba ako pinapahirapan ng ganito? Sobrang sakit na e. Oo, nagpapaka-bitch ako. Pero kahit ganun ako, mahina din ako.
Marunong masaktan. Sobra pa nga. Masama bang gumanti sa kapatid ko? Masama bang ipagtanggol ang sarili?
Lagi nalang ako ang masama. Puro ako. Laging ako. Puro ako! Damn it!
Ano kulang pa ba ang problema ko? Madadagdagan pa ba? Nasasaktan na ako ng sobra.
Ngayon na lang ulit ako umiyak ng ganito. Hindi ko na talaga kaya. Ayoko na.
"Claire. Wag kang umiyak,"
Ayoko na.
"Mark. Gusto ko ng mamatay. Bakit ba lagi nalang ako? Bakit ako pa? Puro ako! Ang malas-malas ko! Na sa'akin na lahat ang problema! Puro..."
Napaupo ako sa sahig. Ayoko na talaga. Ayoko na. Ayoko ng masaktan. Mamatay na lang sana ako.
"Ayoko na,"
Karl's POV
"Ano ba talaga ang problema mong babae ka?"
She smiled. "Sige. Habulin mo bilis. Ayan lang condo unit nila oh. At mukang bukas pa ang pinto nila," pang-iinis niya.
Gaya ng sinabi niya. Sinundan ko si Claire. Napahinto ako sa nakita ko. Magkayakap sila ni Mark. Bakit siya umiiyak?
Bakit? Nasaktan ko ba siya? Kasalanan ko ba?
"Ayoko na,"
Anong ayaw na niya? "Claire. Wag ka ng umiyak, please. Please."
"Mark! Ayoko na! Gusto ko ng mamatay! Bakit ba lagi nalang ako? Puro sa'kin na lahat ng problema! Masama bang gumanti kay Chloe? Huh? Kinakarma ba ako? Masakit na e,"
Umiiyak siya. "Mark. Ang dami ng nawala sa'kin. Una ang kapatid ko, Pangalawa ang mga magulang ko. Pangatlo, siya. Si Karl. Bakit ganun? Kung kailan mahal ko na siya.."
What? Mahal niya ako? Magsasalita na sana ako ng magsalita si Mark. "Claire. Move on. Malalagpasan mo ang lahat ng 'yan. Nandito naman ako sa tabi mo. Hindi ako gagaya kay Karl. Promise. Hindi kita sasaktan. Stop crying,"
Napa-angat ng tingin si Claire kaya nakita niya ako dito sa may pintuan. Mas lalo siyang napaiyak ng makita niya ako.
Bat ang weak niya ngayon? Why? Sobra na ba siyang nasasaktan? At dahil sa'kin? Hindi ganyan ang kilala kong Claire.
"Damn it! Lumayas ka na dito put* ka!" pagtataboy sa'kin ni Mark.
Pero nananatili akong nakatingin kay Claire. Mahal na rin niya ako.
*bogsh!
"Damn it! Hindi ka pa ba talaga aalis?"
Ngumisi ako. "Hindi. Bakit gusto mo masolo mo si Claire? Akin siya! Mahal namin ang isa't isa!" sabi ko.
"Mahal? Pero na kay Talia ka ngayon? Yan ba? Sumusuko na nga sa'yo si Claire e. Sawang sawa na siya sa'yo! Sa lahat! Damn you, Karl Perez!"
Natigilan ako. Sumuko na ba talaga siya? "Claire. Totoo ba 'yun?" sana hindi.
"K-karl..."
Wag, Claire. Kaya kong iwan si Talia. Basta makasama ka lang. Please, claire.
"Umalis ka na dito, Perez." sabi ni Mark.
"Ayoko! Claire. Wag ka naman sanang sumuko agad sa'kin. Please?" pagmamaka-awa ko.
"Sorry, Karl. Masakit na e," sabi ni Claire.
Ngumiti ako, fake. "Sige. Kung yan ang gusto mo.."
Hindi ko na napigilang umiyak. Mahal kita, Claire. Mahal na mahal. "Goodbye, Claire."
Pagtapos kong sabihin yun ay umalis na ako. I love you, Claire...
BINABASA MO ANG
Ms. Mataray Meets The Casanova (On-going)
Novela JuvenilAno kayang mangyayari kung si Ms.Mataray meets The Casanova? :) - U N E D I T E D -