MMMTC 15 ♡ Flight

99 3 0
                                    

Claire's POV

Ako na ulit si Claire. Isa na ulit akong Garcia. Na anak ni Cale at Clouie.

Hindi na ako si Krista.

" Hindi nakakatuwa yung sinabi mo, Ate Chels. Hindi ko siya gusto! "

Ngumiti siya. " Umamin ka na kasi! Gusto mo rin naman si Karl! "

" Oo na! Fine. I like him! Okay ka na? "

" Hahaha. Buti naman! Kaso dapat mo na siyang kalimutan. "

" Psh. Ang dali-dali lang. "

Napaka-easy lang naman. Kalimutan ang taong nagngangalang Karl. Ang tinatawag na The Casanova. Psh.

" Nakabili na ako ng tickets! Bukas na ang flight natin. Marami talagang salamat sa pag-sama ninyo sa akin. Dabest talaga kayo! " sabi ni Tita Wen.

" Tita. Nahanap mo na ba yung tunay mong magulang? "

" Patay na sila. Nung isinilang ako ng tunay kong ina, namatay siya. Yung tatay ko naman, nasagasaan. "

" Ah. " tugon namin.

Napangisi ako.

Aalis na kami bukas. Iiwan na namin ang pinas. Iiwan ko na si Karl. Iiwan na namin yung mga walang kwentang tao.

Excited na ako.

Makapag-ayos na nga ng gamit.

Karl's POV

" Sayang ka, Karl. Gusto ka na rin ni Claire. Sayang ka talaga. Nabiktima ka na naman ni bitch. Hayaan mo aalis na kami mangingibang bansa kami. Mabilis ka lang naman kalimutan ni Claire. "

Gusto niya na rin ba ako? Fuck! Hindi siya pwedeng umalis! Hindi niya ako iiwan.

Ayoko naman kasing ipang-blackmail niya sakin na gusto ko siya. Ayoko naman na gamitin niya yun para sa binabalak niya.

Ayokong maging selfish siya. Dapat matuto siyang makaramdam ng ibang nararamdaman ng mga taong nasa paligid niya.

Yun lang. Tapos? Aalis na siya? Iiwan niya ako? Hindi nakakatuwa. Nakakainis.

" Karl. Umayos ka nga. " sabi ni Ry.

" Ano bang nangyayari sayo, tol? " tanong ni Vince.

Ano nga bang nangyayari sa akin? " Aalis na kasi ng bansa si Claire. "

" Oh? Tapos? Nasasaktan ka? Tch. Alam mo, tol! Mahal mo na si Claire. "

Nasasaktan nga ba ako?

Medyo.

" Bat hindi mo siya sundan? Kailan ba ang flight nila? "

" Bukas sabi ni Mom. "

" Tch. Umayos ka nga, tol. Iinom inom ka pa diyan! Ayusin mo sarili mo. Casanova ka diba? "

" Shit! Ano ba, Ry? Hindi na ako Casanova. Ayaw ni Claire sa Casanova! Pwede bang manahimik ka na lang? "

Umiling silang dalawa. " Tol. Mahal mo na nga si Claire. "

-*-*-*-*-*-

Nagising ako dahil tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko yun at may text.

From: Ate Chels

Nandito na kami sa Airport. Hindi mo na makikita si Claire. Hindi na. Bye, Karl. Ikaw na bahala sa Garcia. Ingatz.

Hindi.

Nagbihis agad ako.

Wala akong pake kung mabaho ang hininga ko. Oh wala pa akong ligo. Basta kailangan kong pigilan si Claire.

Ms. Mataray Meets The Casanova (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon