Claire's POV
"Psh."
"Sorry na, Baby ko."
"Buti nakapasok ka sa simbahan?" tanong ko.
"Oo naman. Ang sama mo!"
"Psh. Wag kang umarte ang panget mo, Mark." sabi ko.
Paano ba naman. Dapat magsisimba din ako. Iwan ba naman ako? Psh. Asar much! "Psh. Libre mo na lang ako."
"Tss. Libre lang pala katapat! Tara na, baby ko!"
.*.*.
"Hey. Susukatin ko lang to ah?"
Tumango ako. Lumabas muna ako ng shop na yun at tumingin-tingin. Bat ang daming tao? Sale siguro.
"Claire. Is that you?"
"Hindi ba halata?" pabarang tanong ko.
"Oww! Nagbago ka lalo. Sinong kasama mo?" tanong niya.
"Si Mark."
"Kyaaaaah! Si Papa Mark!"
Nagroll eyes na lang ako sa inasal niya. Ang landi pa rin ng gaga. Kasama na nga boyfriend. Psh.
"Sino si Mark?" tanong ng boyfriend niya. Hindi ko kilala e.
"Me. Bakit pre?"
Roll eyes again. "Kung sumabay na lang kaya kayo sa amin? Kain tayo." suggest ni Lily.
"Ayoko." sagot ko.
"Sure."
Psh. Bwisit tong si Mark.
.*.*.
Kumakain na kami ngayon. Medyo nasa good mood na ako dahil kay Lily. Ang baboy kumain. :3
"I'm Ry." pakilala nang boyfriend ni Lily.
"I'm Mark, pre."
"Psh. Claire."
"Omygee! Bagay talaga kayo! I told ya, Claire! Wag ka na kay Karl. Ohemkilig!"
Nabitawan ko bigla yung kutsara. "Oww. Sorry,"
"It's okay," sabi ko.
Karl? Psh. I don't care about him. I hate him. So much. "Karl what?" tanong nung Ry.
"Karl Perez." sabi ni Mark.
"Oh. Si Karl? Nasa states siya, right?" tanong ni Ry.
Tinignan ko si Lily. Nagkibit balikat lang siya. Psh. "Yah. Nasa states nga. Kasama si Talia."
"Si Talia? Oh. Mahal na mahal yun ni Karl e. Halos patayin na nga yung sarili niya nung iniwan siya ni Talia kasama ata yung Mark."
Psh.
"Ikaw si Ry Alan?" tanong ni Mark.
"Yeah. Ako nga. Don't tell me, ikaw yung Mark na ka--"
"Yah. Ako nga, pre."
"Wait. Ikaw si Claire Garcia?" tanong ni Ry.
"Yes, Ry." sabi ko at nag-roll-eyes.
"Sorry. Pero mahal ka din naman ni Karl." aniya.
Psh. Kabanas to ah? Kanina Talia ngayon ako? Pakshit! "Mahal? Oh, laruan? Wag mo akong lokohin."
"Maniwala ka. Mahal ka ni Karl!"
"Shut up!"
Tumayo na ako. "Mauna na ako,"
.*.*.
"Alden. Ano nang balita sa kapatid ko? Mayroon ka na bang nalaman?" sabi ko.
Tumango siya. "Nasa ibang bansa siya. Pero ang kasama niya ay kamag-anak niyo. Yan pa lang sa'ngayon."
"Claire!!"
"What?!"
Niyakap naman ako ni Chloe. Oo, okay na kami. Pero cold na ako sa'kanya. Hirap na magtiwala, baka maulit. Tsk.
"Babe!"
Nagkiss naman sila sa harap ko. Eww! "Kamusta si Baby?" -Alden.
Buntis kasi si Chloe. Buti na'lang tapos na siya mag-aral. Mas matanda siya sa'kin ng one year.
Si Alden naman kasabayan ko lang. Pero graduate na kami. At ngayon ay trabaho na. "Okay lang siya, babe. Eh ang daddy niya?" sabi ni Chloe.
Kadiri naman 'tong dalawa! Psh. "Okay lang din,"
"Pwede ba?!"
"Hahaha."
Bwisit. "BABY SIS!!"
"Ate Chels!"
Nagyakapan kami. "Eto oh. Pasalubong! Grabe nakakapagod, mag-ikot sa mall!"
"Nasaan si Cris?" tanong ko.
Nginuso niya yung mag-ama niya. Oo. May anak na si Ate Chels. Lalaki.
Ako na nga lang ang wala. "Nasaan sila Mom?" sabi ni Ate Chels.
"Nagdate. Sila Lolo naman nagpunta na sa states. Kanina lang umalis." sabi ni Chloe.
Umiyak naman yung anak ni Ate Chels.
Binuhat ko at hinele. Ang cute talaga. Kelan kaya ako magkaka-anak? "Mana sa'kin ang anak mo Ate Chels!" biro ko.
Nagtawanan naman kami. "Anong meron at nagkakatuwaan kayo?" sabi ni Mom.
Kaso kasama si Mark. The hell! Lumapit sa'kin si Mark. "Tita. Anak nga po pala namin ni Claire! Hahaha!"
Ang kulit. Tsk.
BINABASA MO ANG
Ms. Mataray Meets The Casanova (On-going)
Novela JuvenilAno kayang mangyayari kung si Ms.Mataray meets The Casanova? :) - U N E D I T E D -