MMMTC 13 ♡ Talk

93 3 0
                                    

Claire's POV

Academy

" Naglasing daw si Papa Karl? "

" Oo nga daw e. Kasi naman si Claire e. "

" Aish. Bwisit na yun! "

Wow. Ako pa ang bwisit? Kailangan ko na siyang makausap.

Nag-guilty na talaga ako. Kakausapin ko na talaga si Karl.

" Ano nang balak mo ngayon, babysis? "

" Gusto ko siyang makausap. Ayokong pati siya madamay sa plano. "

" Good. Teka, bakit naman? "

Napaisip ako. " Dahil gusto niya ako. Yun lang. Psh. "

Tumawa muna siya. " Talaga bang yan ang dahilan? Oh gusto mo na rin siya? Ewan ko sa'yo, babysis. "

Kumunot ang noo ko. Gusto ko rin ba siya?

Gusto ko na ba si Karl? Aish. Never.

" Sa tingin ko gusto mo na rin siya, babysis. "

Nyeta. Ako? May gusto kay Karl? Psh.

" Basta. Gusto ko siyang makausap! Tapos! "

Umiling lang siya sa akin habang nakangiti. Psh.

Claire Angel Garcia

Krista Elise Dez

Babalik din ang dati kong pangalan. Babalik din ako. Babalik din si Claire.

Ang pangalan na ginamit namin ni Ate Janessa ay hiniram lang namin.

Hindi basta basta na inisip lang namin yun. Ang pangalan na gamit namin ngayon ay pangalan nang mga anak ng mga fake parents namin.

Sila na din muna ang gumagamit sa pangalan namin. Magpinsan ang dalawang yun.

Aish. Nakakabaliw tong pinag-gagagawa namin. Pero wala na nagawa na. Tatapusin na lang namin.

" Babysis. Ayan na si Karl. "

Tinignan ko siya.

Anong nangyari sa kanya?

Bakit puro may gasgas ang mukha niya. Nakipag-away ba siya? Aish! Karl naman. Psh.

" Gusto mo talaga siya, Claire. "

" Tumigil ka, pwede? "

Tinignan ko si Karl hanggang sa makaupo siya. Aish.

Kakausapin ko na talaga siya. Kailangan na hindi siya madamay.

-*-*-*-*-

" Kain ka muna. Mamaya mo na hanapin si Karl. "

" Baliw ka? Hindi ko siya hinahanap. Imbento mo. Janessa Dez. "

Hinahanap ko talaga siya. Aish. Nasaan ba yung lalaking yun? Asar ah. Psh.

" Hi, Sisters. "

" Layas nga. " sabi ko.

" Claire. Hindi pa tayo tapos. Wait mo lang ako. Haha. "

" What the fuck, miss? Sabi nang Krista Elise Dez ang pangalan ko e! Sino ba yang Claire na put* na yan? " sabi ko sa kanya.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Basta gusto kong makita si Karl.

" Edi put* ka pala. " sabi ni bitch at umalis na.

Kabadtrip.

Nasaan ba kasi si Karl? Kanina ko pa siya hinahanap.

" Krista. Pasensya ka na kay Chloe ah? "

Takte. " I don't fucking care. "

" Ramdam kong ikaw si Claire. Yung babaeng mahal ko. At yung babaeng gustong gusto ni Karl bro. "

At yung babaeng gustong gusto ni Karl bro.

Dug.. Dug..

Dug.. Dug..

" Umalis ka nga dito! Shit lang! "

Umalis naman si Alden. Shit.

" Namumula ka, babysis. "

" Imbento mo. Psh. "

Ang tagal talaga ni Karl. Saan ba kasi nagpunta ang lalaking yun?

Kanina pa ako naghihintay dito. Kumain na ba siya? Aish.

Kanina pa niya ako pinagaalala. Arggh!

-*-*-*-*-

Natapos lahat nang klase kaya lumabas agad ako. Hindi pumasok si Karl.

Saan ba kasi siya nagpunta? Naiinis na ako. Alam niya ba yun? Psh.

Pasakay na sana ako nang may tumulak sa akin pasandal sa sasakyan ko.

" Karl? "

Hinalikan niya ako. Amoy alak siya. Siguro nag-bar siya.

" K-karl. "

Hinalikan niya ulit ako.

Pinalo ko siya. " Lasing ka! Umayos ka nga, Karl."

" Miss na kita, Claire. "

To be continued

------------

A/N: Short UD po.

Ms. Mataray Meets The Casanova (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon