MMMTC 4 ♡ Condo

100 3 0
                                    

Claire's POV

" Alden? "

" Claire. "

Nagmadali akong tumayo at nagpagpag. Baka mahawaan ako ng kababuyan nitong lalaking toh e.

" Pwede minsan tignan tignan mo ang dinadaanan mo? "

" Pero Claire ikaw tong nagmamadali. "

Oo nga pala! Takte talaga. Bwisit kasi! Itinali ko yung sintas ko at tumayo na ulit.

" Claire. Patawarin mo na ako. Kahit sana bilang kaibigan na lang. Please, parang awa muna. "

" Why would i? Nasaktan ako nun. Pero sige pag-iisipan ko. Kasama ka kasi sa mga nanakit sa akin e. "

" Alam ko. Ang gago ko kasi dahil sumunod ako sa utos ng Ate mo. I'm sorry Claire. Pinagsisisihan ko naman e, kasi mahal kita. "

Napangisi ako. " Wag kang mag-joke, masyadong corny. "

" Mahal pa rin kita Claire. "

" Sige na nga. Clown ka na. "

" Hindi ako nagjo-joke! Mahal pa rin kita. "

" Hahaha. Ayan na tumawa na ako! Pwede ba? Wala na! Naloko muna ako! "

" I love you Claire. I'm sorry. "

" I hate you Alden. "

Hahawakan niya sana ang kamay ko pero umatras ako. " Wala akong pake. Basta mahal kita. Sorry talaga. "

" Pake ko? "

" Claire please. "

" BABYSIS!! "

" Claire. Patawarin mo na ako. "

" Mauna na ako. Ayokong mag-aksaya ng oras sa mga taong inaksaya din ang oras para sakin. "

Nagmadali akong umalis para hindi na kami makapag-usap pa. Makakalimutan ko ba yun? Kasama siya sa plano ni Chloe!

Automatic na gusto niya rin akong saktan. Hindi na magbabago ang isip ko! Sinaktan na ako tapos na yun.

Napunta ako sa parking lot kaya dumiretso na lang ako sa kotse ko! Magpupunta ako sa tagaytay ulit. Bwisit!

**

" Ms.Claire kumain muna po kayo. "

" Paano kung ayaw ko? "

" Ms. Claire ku-- "

" Ayoko nga! "

Aish! Saan ba maganda magpunta yung ako lang mag-isa! Bumili kaya ako ng condo? Tama!

" Nasaan yung kotse ko? "

" Nandun po Ms.Claire. "

Pumunta naman ako sa itinuro ng guard.

Saan ako bibili? Sa manila? Aish! Oo na sige na!

**

" Ma'am eto po ang susi. Enjoy po "

" Enjoy? Mageenjoy pa ba ako nito? Sa sobrang bagal niyo? Duh! "

Inabot ko yung bayad ko (cash) pero tinanggihan niya. " Ma'am libre na po. "

" Bakit naman? "

" Utos po sa akin ni Ma'am Carla. "

" Carla Perez? " tumango naman siya. " Okay sige. Eenjoy-in ko nga! "

**

Wow! Ang bait naman sakin ni Tita Carla! Ang laki nitong Condo na binigay niya sa akin e. Tapos kitang kita yung pool =)

Ms. Mataray Meets The Casanova (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon