Chapter 06
"S-Salamat," Nauutal na sabi ko at ambang hahawakan ang pinto ng sasakyan niya.
I felt his hand on my elbow that made me stop halfway in opening the door. My breath hitched as I felt the warmth from it despite being cold because I'm literally wet.
"Use this phone please,"
Pumunta ang mga mata ko sa hawak niyang box. Nung makita ang brand nito ay umawang ang bibig ko. I instantly shook my head.
"I can't accept that," Mahinang usal ko. I can already tell that it's the latest model of the brand.
Nung magtama ang mga mata namin ay agad akong umiwas dahil sa lakas ng tibok ng puso ko.
"You broke your phone on the road that day so please," He sighed heavily as he continued, "For my peace of mind, use this one." Dumiin ang huling mga sinabi niya.
Nanginginig pa ang kamay ko na tinanggap iyon. I would be lying if I said that I don't need it right now. It's just... the brand is too much. Alam ko na agad kung magkano ang presyo nito kaya tinatanggihan ko.
Nilagay ko ang box ng phone sa bag ko bago bumaba na nang sasakyan niya. I thank the heaven when I felt that he didn't come down from the car too. Pagbukas ko ng gate ng bahay namin ay nakita ko agad ang mga magulang ko sa tapat ng pinto.
"Ady, jusmiyong bata ka!" Singhal ni Nanay at nilapitan ako nung nakaapak ako sa tapat ng pinto namin. Mahina niyang hinampas ang aking braso.
"Hindi mo ba nakita ang mensahe ko sa'yo? Nasamahan na ako ng Tatay mo kaninang umaga,"
Bumaba ang tingin ko sa sapatos ko. I mentally prepared myself for a lie. I can't tell them that I lost my phone and I can't tell them that I've been with... Sam.
"Nalowbat po kasi ang cellphone ko 'Nay. Pasensya na po at pinag alala ko kaya ni Tatay,"
Tumikhim si Tatay bago tumango. Nakita ko kung paano niya nilingon ang gate namin. Biglang umandar na ang sasakyan ni Sam nung pare-pareho kaming bumaling sa labas. I thought he left right away after I went out of his car. He stayed a bit... waiting for me walk towards our house?
"B-Buti na lang po at nakasalubong ko si Architect k-kaya naman naisabay niya na ako pauwi," Mahabang lintanya ko at medyo nauutal sa isa pang kasinungalingan.
Naunang pumasok si Tatay sa bahay bago kami ni Nanay.
"Dapat ay inimbita mo na para maghapunan, Ady," Sabi ni Nanay.
"S-Sabi ko nga po pero may gagawin pa raw siya eh,"
Another lie.
How could I even face him ever again? Matapos kong aminin sa sarili ang nararamdaman para sa kanya ay hindi ko na ata kayang humarap sa kanya na hindi nababalisa.
"Magpapalit lang po ako," Paalam ko kay Nanay bago nagtungo na sa aking silid.
Halos mawalan na ako ng lakas para tumayo kaya naman napasandal ako sa aking pinto nung maisara ito. I could still feel how my heart beats whenever he touch me... his deep voice.
I want to stop this feeling. Ayoko. Ayoko maramdaman ito pero sa pagpipigil ko ay bakit lalong lumalalim. I can't help myself anymore. For once, I want to be honest.
Hindi ito kagaya ng mga nararamdaman ko kay Clark at sa mga ibang lalaking naging crush ko. Those are petty admiration but this one? It's deeper.
How can I possibly like him? He's too much. He's beyond my league. I can't reach him.
BINABASA MO ANG
Defying Fate
Romance𝘛𝘩𝘦 𝘨𝘳𝘦𝘢𝘵𝘦𝘴𝘵 𝘦𝘯𝘦𝘮𝘺 𝘰𝘧 𝘦𝘷𝘦𝘳𝘺 𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘴𝘵𝘰𝘳𝘺 𝘪𝘴 𝙛𝙖𝙩𝙚. A story written by 𝐀𝐑𝐓 Started: 09/17/2021 (Official start date after one year in my drafts) Ended: 10/21/2021 Law rank #1 - 07/04/2023 Bodyguard rank #1 10/08...