Chapter 13
"Ms. Torreto,"
Hindi ko alam kung ilang beses na ako natawag sa araw na ito sa bawat subject na pinasukan ko.
"You got a perfect score on your exam. Congratulations,"
Ngumiti ako ng tipid at tumayo na upang kunin ang test paper ko. Ito ang professor na nagpalabas sa akin nung huli. Sa subject niya talaga ako nag-review ng todo para makabawi sa nangyari.
"Mr. Acevedo was right about you," Komento ni Ma'am Garcia. "Keep up." Sabi pa nito na ikinatango ko bago naglakad pabalik ng upuan.
"Ms. Rosales, you're second to the highest."
Tumayo si Julia at hindi tinatago sa mukha niya ang pagkadismaya. She even glared at me. At nagawa pang banggain ang braso ko nung nagkasalubong kami.
Napabuntong-hininga ako sa inasal niya. Kanina pa ito dahil lagi siya ang tinatawag pagkatapos ko. I mean, how could she act like an elementary student with her behavior? It's not luck that made me achieve those scores, it was hard work. Nagkasakit pa nga ako dahil nasobrahan ito.
Hindi naman nagtagal ay nag pa-dismiss na rin ang prof namin. Ito naman ang nangyayari pagkatapos ng exam. It's like they are giving us a free week. Finals na ang susunod kaya naman alam kong mas bibigat ang quizes at paperworks.
Inaayos ko lang sa binder ang test paper ko nung biglang nagparinig si Julia na ikinainit na nang ulo ko.
"Bidang bida ni Sir Acevedo ah." Naghagikgikan pa ang dalawang babae na kasama niya na kaklase ko rin.
Nakalabas na pala si Ma'am kaya ang lakas ng boses niya.
"Anong problema mo?" Matalim na sabi ko. Ang ilang kaklase namin ay napalingon sa gawi ko. Tumaas ang isang kilay niya at nagsimulang lumapit sa kinauupuan ko. Sumama pa ang dalawang alagad niya.
"Ikaw! Ikaw ang problema ko!" She shouted that made me cringe. "Napakalandi mo!"
A smirk finally appeared on my face after she said those words. Tapos na ang pagtitimpi ko sa pagiging childish niya. Tumayo ako sa pagkakaupo at hinarap siya.
"It's your problem if you're not smart enough to compete with me," Mariing sabi ko na ikinapula ng mukha niya. Narinig ko na may sumipol at nagtawanan dahil sa sinabi ko.
"Hindi ka pa tapos sa issue natin dati?" I step forward that made her step back. "Hinding-hindi ka magugustuhan ni Clark sa ugali mong 'yan,"
"Bitch!" Sigaw niya at biglang hinablot ang buhok ko. I flinched as she grabbed my hair tighter. Pakiramdam ko ay matatanggal ang buhok ko sa anit ko sa sakit.
Nagpumiglas ako sa pagkakahawak niya pero hindi ako makatakas. She even clawed my face with her long nail. Duon na ako naglakas ng loob para itulak siya ng malakas. Napaatras naman siya sa ginawa ko.
"Ms. Rosales!"
Lahat ng tao sa classroom ay napapitlag sa boses na iyon. Nilingon naming lahat si Mr. Acevedo. Madilim ang ekpresyon nito at parang galit na galit sa naabutan.
"S-Sir, siya po--"
"I saw it from the start so don't you dare lie to me!" He shouted. Napatungo si Julia dahil duon. "I could even ask your classmates to be the witness of your childishness." Mariin pa nitong sabi nung magsasalita pa sana si Julia.
"Ayos ka lang, Ady?" Bumaling ito sa akin. Hinawi ko ang buhok na tumakip sa aking mukha. Nagsinghapan ang ilan kaya naman nagtaka ako.
"Nagdudugo ang pisngi mo, Ady!" Sabi ng isa kong kaklase kaya naman inabot ko ang pisngi. I flinched from my sudden touch. Duon ko na naramdaman ang hapdi.
BINABASA MO ANG
Defying Fate
Romance𝘛𝘩𝘦 𝘨𝘳𝘦𝘢𝘵𝘦𝘴𝘵 𝘦𝘯𝘦𝘮𝘺 𝘰𝘧 𝘦𝘷𝘦𝘳𝘺 𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘴𝘵𝘰𝘳𝘺 𝘪𝘴 𝙛𝙖𝙩𝙚. A story written by 𝐀𝐑𝐓 Started: 09/17/2021 (Official start date after one year in my drafts) Ended: 10/21/2021 Law rank #1 - 07/04/2023 Bodyguard rank #1 10/08...