Fate 03

1.1K 34 8
                                    

Chapter 03


Where is my phone?

I kept chanting it on my head. Wala sa bulsa ko, wala rin sa bag ko. Imposible na nasa kwarto ko dahil alam kong dala ko ito. But to make sure, I still search my entire room for it. Nung wala talaga ay lumabas na ng kwarto. Mamaya ay naipatong ko lang ito sa kung saan.

Tsaka ko lang naalala na huli kong ginamit iyon nung muntik na akong masagasaan. Siguro ay tumalsik iyon nung hinila ako ni... Bahala na nga.

Lumipas ang ilang araw na hindi ko ito nahanap. I even went to the road where I was almost hit. Hindi ko pa rin iyon nakita. Good thing that I have a laptop so I could still communicate to my classmates for news.

Hindi naman bago ang telepono ko pero kahit na kase. Hindi ko kayang magpabili ulit kina Nanay. Tiyak na papagalitan pati ako pag nalaman na nawala ko ito.

"Ady?"

Ilang katok ang narinig ko bago tuluyang bumukas ang pinto ng kwarto ko.

"Tapos ka na ba sa ginagawa mo?"

Kasabay nuon ay natapos na talaga ako sa tinitipa ko sa laptop ko. I immediately saved the file before exiting Microsoft Word. Pinatay ko na rin ang laptop ko bago sumunod kay Nanay at mukhang may iuutos ito.

Hindi nga ako nagkamali nung makita na nilagay niya ang ilang plastic container sa isang paper bag. Matapos ay iniabot niya ito sa akin.

"Dalhin mo sa mansion, magdala ka ng payong at mukhang uulan na,"

Sa mansion sa tapat?! Nanay naman eh! Ilang araw ko nang matagumpay na naiiwasan siya. Minsan nga ay napatakbo ako nung makita ang sasakyan niya na palapit sa gate namin. O 'di kaya'y sinisipat ko muna ng tingin ang paligid bago maglakad o lumabas.

Nung tumalikod si Nanay sa akin ay impit ako nagpapadyak. Nung nilingon ako nito bigla ay napaayos ako ng tayo. Sinenyasan pa ako nito na umalis na.

Itinaas ko ang paper bag sa ere bago napailing. Bahala na nga! Pero nung nasa tapat na ako ng mansion ay parang gusto ko nang bumalik sa amin. Tiyak akong makukutusan ni Nanay pag hindi ko ito nadala sa loob.

I was about to press the doorbell when the gate automatically opened. Bahagya pa nga akong napatalon dahil duon. Bakit nagbukas? Did it sense a person? Edi sana lahat ng haharap dito ay nakapasok. Paano kung manawakan sila?

"Tao po..." Pero parang binulong ko lang iyon sa hangin dahil malayo pa ang pinaka mansion mula sa gate.

Habang naglalakad ay pinalalakas ko na ang loob ko para maharap siya.

I just don't want to feel those emotions again. I am not ready to feel those. Nakakatakot din kasi hindi ko iyon mapangalanan.

I am smart, not that I'm boasting it, but I really am. Yet whenever he's close to me, I instantly became a fool for some reason. I hate that. I hate that I don't know what to do.

Kailan ba ako naging apektado sa isang gwapo? Clark was handsome too but it didn't matter to me. Maybe because it's in his aura? His intimidating, cold, and mysterious aura around him that drawn me to him.

Pagkaapak ko sa porch area ay huminga ako ng malalim. Kinatok ko ang main door dahil wala naman akong nakita na doorbell. Marinig kaya nila sa loob ang katok ko?

Isang matandang babae ang bumungad sa akin.

"Ineng, pasok ka," Sabi nito. Umiling naman agad ako. Buti na lang siya ang bumungad sa akin kaya makakatakas agad ako.

Defying FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon