Fate 32

651 25 6
                                    

Chapter 32

Sobrang sakit na nang tiyan ko kakatawa. Chris' face is still pale as we went out of the ride. It's called Ekstreme base from the signage. Iyon yung tumataas sa tuktok nung tower tas baba nang bigla.

Imbis na matakot ay dahil sa pamumutla ng mukha ni Chris ay tumawa lang ako ng tumawa. Hawak niya ang sentido at naiiling. I held his shoulder and tap his back.

"You're afraid of heights,"

Iyon ang pinakamataas sa lahat ng nasakyan naming rides.

"I'm not," Tanggi niya kaya lalo akong napatawa.

"I just didn't expect it to suddenly drop--"

"Iyon nga ang thrill dun!" Sabat ko sa sinasabi niya.

Naningkit ang mga mata niya nung binalingan ako.

"Stop laughing or else I'll kiss you," Pagbabanta niya.

Naitikom ko ang bibig dahil duon. Nilinga ko ang paligid. Marami pa ring tao at may mga bata. Kung wala ay hindi talaga ako titigil sa pagtawa. I just don't want to taint children's innocent minds.

Ako na ang humila sa kanya patungo sa huling ride na gusto kong sakyan bago kami umuwi. I pointed the carousel. Walang pila duon dahil kadasalan bata lang ang gustong sumakay.

It has horses on it. Naikot lamang ito. Every child dreams to ride on that once. Pero hindi ko iyon nagawa rati kaya gusto kong sumakay kahit malaki na ako.

"Go ahead, I'll watch you." Sabi ni Chris. Pumasok na ako at pinili ang puting kabayo na pinakamalapit. Mas matangkad pa rin si Tyn dito.

I chuckled when I compared my horse with this one.

The ride started in no time. Puro bata halos ang kasama ko sa ride kaya napangiti ako. Nung nagsimula nang umikot ang ride ay napahawak ako sa pole kung saan nakakabit ang sinasakyan ko.

I childishly waved at Chris whenever I would see him every time it goes around. Nung pangatlong ikot ay saka siya kumaway pabalik na may ngiti sa mga labi. Nalaglag ang panga ko nung makita ang ngiti niya.

He widely smiled with teeth. It's the first time I saw him did that. Lagi kasi siyang busangot at seryoso ang mukha.

Sa sumunod na ikot pa ay hawak na niya ang telepono at kinuhanan ako ng litrato. I act a cute pose when I saw the flash from his phone. Hanggang sa natapos ang ride ay hindi nawala ang ngiti sa mga labi ko.

Nauna akong nakababa at tinulungan ang ilang bata para makababa sa kanilang kabayo. May umangat kasi ng mataas kaya hindi nila abot. They waved at me before running towards their parents.

"Ate, ang ganda mo po." A boy with chubby red cheeks came to my side. He was so cute! I bet he's already seven. Kaedad ni Ianna base sa tangkad nito.

"You're gwapo too," I complimented him that made his cheeks redder.

I felt a heavy hand on my shoulders. I suddenly glance at Chris. Dahil sa tangkad niya at laki ng katawan ay napaatras ang batang lalaki hanggang sa tumakbo na ito patungo sa inang nag-aabang.

Natatawang pinalo ko ang dibdib niya sa pananakot sa bata.

"You're so bad," Ani ko at muli siyang hahampasin pero nahuli niya ang kamay ko.

"He's a child for pete's sake," I continued. We started to go out of the ride, holding each others' hands.

I just felt contentment as we walk our way out. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa narating ang kotse. Medyo madilim na ang parking area ng amusement park dahil malapit na ito magsara.

Defying FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon