Fate 11

703 22 2
                                    

Chapter 11


"Ms. Torreto, are you listening to my lecture?"

Ilang beses akong napakurap dahil duon. Mula sa malaking bintana ay pumunta ang mga mata ko unahan kung nasaan ang professor. She's arching her brow and her lips are in thin line.

Naikuyom ko ang palad nung mapagtanto ang katangahan. She's one of my terror professor. Kung mahuhuli kang hindi nakapokus habang nagsasalita siya ay tiyak na...

"Get out of my class!"

Ang mga kaklase ko ay nagsinghapan, ang ilan ang nagbulungan pa. I saw how Julia smirked at me. Ofcourse, she'll love to see me being embarassed in front of the whole class.

Binitbit ko ang bag at tsaka dinampot ang binder na nasa lamesa ko. Nagpatuloy na siya sa pag le-lecture. Tahimik akong naglakad patungo sa pinto sa likod. Halangang sa unahan na pinto pa ako lumabas. Lalo ko lang gagalitin ang prof ko.

I sighed heavily as I walked in the empty hallway. I looked around me. Biglang nanlabo ang aking paningin sa nagbabadyang luha. I suddenly felt alone.

I always had a girl bestfriend since elementary. Kada baitang ata ay naiiba ang bestfriend ko kasi hindi ko sila nagiging kaklase sa sumunod na pasukan. 'Cause the less I talk to them, the friendship eventually fades. Pero nung tumungtong ako ng High School ay napagtanto ko na kaya ko namang mag-isa. I would have friends but not the best of friend type. I then met Clark in Senior High and we became close but I can still manage everything by being alone.

I am okay alone. I am an only child so I am used to being alone.

Pero sa pagkakataong ito ay hinihiling ko na may malapit akong kaibigan na mapagsasabihan ko ng problema. O kaya kapatid na makakausap tungkol sa nararamdaman ko. 'Cause there are things that you can't actually tell to your parents.

I decided to walk towards the stairs. Tatambay na muna ako sa rooftop bago umuwi. Huling klase ko na iyong kanina kaso napalabas pa ako. Nung makarating sa itaas ay nalanghap ko agad ang sariwang hangin na medyo nagpakalma ng sistema ko.

Ever since I heard the news about Sam leaving the town, I became unstable. Everything about my perfect system failed. Na kahit anong gawin kong pagkumbinsi sa sarili na ayos lang ay hindi ito tumatalab. Kahit pa isubsob ko ang sarili sa mga pag aaral, lalo na sa mga assignments at requirements, sa huli maalala ko lang na umalis siya.

He called me numerous times on the morning of our supposed date. Nung buksan ko ang telepono ay iyon ang bumungad sa akin, mga missed calls. There were no messages. After that, he never contacted me again.

Gusto kong mag text o tumawag pero nauunahan ako ng pride ko. I was the one who broke the unlabeled connection between us. Kaya bakit ako maghahabol kung ako ang tumapos? Magmumukha akong tanga sa paningin niya.

He even left without saying goodbye.

Why would he say goodbye to me when I indirectly reject him by chickening out on our date? I am really stupid. Now, I am confused as hell.

Hinawakan ko ang puso kong kumikirot sa hindi mapangalangang rason. I never felt this pain before. My physical body weakened. Nakakapanghina talaga. And I would cry to sleep.

Wala pa atang isang buwan ko siyang nakilala pero ganito na kalalim ang nararamdaman ko. I never expected this to happen. And as I close my eyes, I can clearly see him. His dark hair, thick brows, gray-ish eyes and his chiseled jaw. I already memorized every inch of his face, it's imprinted on my mind.

How can I get over this feeling?

I shook my head. My lips trembled as I felt another batch of my tears.

Defying FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon