Fate 35

635 16 4
                                    

Chapter 35

"What the fuck?" Rinig kong sambit ni Kuya Iann na kasama namin sa table. Nauna talaga siya sa dapat kong sambitin.

What the actual fuckery is this? Fate seems like playing with my life.

"Sawyer, bad word!" Sita ni Ate Agatha kaya naitikom nito ang bibig. Hindi makapaniwalang nakatingin sa akin habang nanlalaki ang mga mata.

"Anong meron? Why are you looking at Leigh like that?" Si Ate Agatha na nakatingin na rin sa akin.

"Queen, I'll tell you later." Sagot ni Kuya Iann pero nung nakita humalukipkip si Ate ay agad itong sumagot muli.

"They are each others' first love. They are ex lovers too."

First love? Maybe it was only me because he clearly just fool me. Making me fall for him to avenge his mother's pain.

Si Ate Agatha naman ang nanlaki ang mga mata nung marinig iyon. Hinampas niya sa balikat si Kuya Iann nung makabawi. Dinuro ang asawa at napaamang.

"You know and you didn't tell me!" At duon nagsimula ang bangayan nung dalawa. Nung binalingan ko ang mga kapatid ko ay si Kuya Scott lang ang nanlalaki ang mga mata sa narinig mula kay Kuya Iann.

"He's your ex? How?" Sunod-sunod na tanong ni Kuya Scott. Nanghihina akong napaupo muli sa upuan ko. Rinig ko pa rin ang pagsasalita ni Dad tungkol sa bagong business ng Dasoviche na hindi na maproseso ng utak ko.

"When I'm still Adyleighn." Maikling sagot ko kay Kuya Scott. Nung mapagtanto niya na kalmado ang ekspresyon ni Kuya Ryler ay binalingan niya agad ito.

"You knew?" Tanong niya sa kakambal. Ngumisi ito bago tumango.

"She told me," Anito nung sumama na ang tingin ni Kuya. Ako tuloy ang pinaningkitan nito ng mga mata.

"It slipped my mouth, you know how sly your twin is." Pagsasalba ko sa sarili kahit iyon ang totoo. Parehas ko namang ka-close ang mga kapatid ko, mas lamang lang ng konti si Kuya Scott dahil siya ang kadalasan na kasama ko sa kalokohan at ka-bonding.

"Calhaine, darling, why don't you join us?"

My eyes went back to the stage where my father is, together with Sam. Hilaw akong ngumiti kay Dad at tumayo. I had no choice but to do so. Mapapahiya ako kung sakaling hindi ako pumunta.

I felt a heavy stare from afar. Gustuhin ko mang lingunin ay naging daretso ang tingin ko hanggang sa umakyat ako sa stage. Tila dumoble ang bigat nang nakatingin sa akin.

Sam's eyes met mine. I can't fanthom his emotions as he stare at me. Gustong gusto ko siyang irapan pero dahil sa sitwasyon namin ay hilaw na ngiti ang naibigay ko sa kanya.

How can this be happening? Kung kailan malapit na akong magpakatotoo sa nararamdaman. Hinanap ng mga mata ko si Chris. Ang nahuli ko lang ay ang likod niya. Paalis na ito sa loob ng hall.

I want to run after him. I badly want to. Ngunit naestatwa ako nung may lumapat na kamay sa bewang ko. I felt my heart suddenly beating so fast.

This is what I'm telling about. Ito ang pinararamdam ni Sam sa akin. Ang puso ko ay sobrang bilis ng pagtibok. Letting my mind reminisce our moments back when we're still together.

Ilang bisita ang napasinghap sa tuwa at kilig nung lalo pangpumulupot ang braso niya sa bewang ko. I even saw how my father widely smile at our interaction. Now, everyone back in the table will think that I'm still into him. When in fact, I just let him hold me for a show.

Para lamang akong estatwa at nabingi sa mga sumunod na sinabi ni Dad. Hanggang sa natapos ang speech niya ay tulala pa rin ako. Kung hindi lang ako hawak ni Sam ay siguro nadapa na ako pabalik sa table namin. Kaya pala may bakanteng upuan sa tabi ko.

Defying FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon