Fate 18

691 20 2
                                    

Chapter 18


"Hindi n'yo po alam?" Naguguluhan kong tanong.

Now I won't hesistate to ask. Sa pagkikimkim ko ay galit lang ang lumabas sa akin imbis na umintindi. I want to know everything.

"At bakit po galit na galit ang nanay ni Sam sa inyo? Bakit niya alam?"

Napatungo si Nanay dahil duon. Hawak pa rin niya ang mga kamay ko.

"Katulong ako ng mga Castañeda," Panimula ni Nanay. "At kaibigan ni Crizelda."

Umawang ang bibig ko at nanlaki ang mga mata.

"Matagal nang nakatakda ang kasal ni Crizelda kay Sebastian bago pa man nagkaroon ng relasyon ang Tatay mo at si Crizelda."

Nilingon ko si Tatay na napaiwas ng tingin. Napatikhim ito bago muli nagsalita.

"Gusto niyang magtanan kami... pero alam kong hindi niya kakayanin ang hirap ng buhay sa karangyaan na tinatamasa niya buong buhay niya."

I can sense a bit of bitterness from my father's words. Is that why he said that I should consider one's status of life? Na ang mahirap ay para sa mahirap lang at ang mayayaman ay para sa mayaman lang? Tama ba?

"At nung nalaman ni Mayor Casteñeda ang relasyon namin ay lalo niyang pinadali ang kasalan. Gabi bago ang kasal ni Crizelda kay Sebastian ay nagplano kaming," Tumikhim si Tatay at napatingin kay Nanay. "Magtanan."

Naramdaman ko ang pagtigil ni Nanay dahil sa katagang iyon. Nagpalitan ang mga magulang ko ng tinginan bago ko nakitang kumalma si Nanay.

"N-Nabuntis naman ako ng kasintahan ko kaya napilitan akong tumigil sa pagtatrabaho para sa mga Castañeda pero hindi pa ako nakakapanganak ay s-sinasaktan na a-ako," I felt my tears on my cheeks as I hear her side of the story. I hugged my mother to console her.

As they say, a trauma will still be a trauma even if years go by. Nakatatak na ito sa atin at tanging nagawa ay mamuhay kasama ito. It's like a scar that cannot be undone nor unseen.

"P-Pero patay ang b-bata nung ipinanganak ko," I saw how she gulped the pain of telling it to me. I don't know why but I felt the pain she was feeling as she say those words. I could feel it. Now, I am starting to regret asking but I still want to know.

Then how did I enter the picture?

It seems like my father knew what was I thinking as he answered me.

"Palabas na ako ng bahay para puntahan si Crizelda pero... nung nakita kita," For the first time in my life, I saw my father tearing up until those tears glide down to his cheeks.

"Naiyak ka sa loob ng isang basket na iniwan sa harap ng bahay na ito..." His eyes went to our doorstep. "Nung kinarga kita bigla kang tumahan. Duon nabuo ang desisyon ko na huwag umalis nung gabing iyon."

Someone... my biological parents or my biological mother... dropped me off like I was trash.

I felt a striking pain in my chest as I realized how my biological parents abandoned me. Duon ako hinila ni Nanay para yakapin. Napasubsob ako ulo ko sa balikat niya sa ilang hikbing kumawala sa bibig ko.

"Nangungulila pa ako sa namatay kong anak pero nung nakita rin kita... gumaan ang sakit, gumaan ang loob ko." My mother trailed off as she hush me. I sob harder. I thought my tears dry off already but it wasn't. Walang sawa ito sa pagtulo.

Now, I really feel bad for disrespecting them. Not knowing the story behind the truth blinded me. Para akong walang utang na loob nung kinuwestyon ko kung anak nila ako. When all along they loved me. Kahit hindi nila ako kadugo ay mahal na mahal nila ako.

Defying FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon