Chapter 10
Nabitawan ko na ang mga hawak ko at tumakbo palabas ng gate. Nung makalapit sa kanya ay hahablutin ko na sana ang jacket nung itinaas niya ito na hindi ko abot kasi nga matangkad siya.
"Clark, akala ko ba akin 'yan? Kainis ka," Sabi ko at lumundag pa para maabot iyon pero lalo lang niya tinaas.
His arm encircled around me then he embrace me tightly. Nasuntok ko ang dibdib niya dahil duon.
"Bitawan mo nga ako. Manyak ka!" Pabirong sabi ko pero lalo lang niya akong niyakap.
"I missed you, Ady." Sabi niya.
Napangiti naman ako dahil duon. Para kasi kaming kambal na hindi mapaghiwalay nuong Senior High School. Although he became my suitor and rejecting him eventually, we are still friends. The closest friend that I have.
"Hindi na ako makahinga, Clark. Ang baho mo pati," Pagdadahilan ko kaya naman tinuktukan niya ako bago humiwalay sa akin.
"Arte mo, oh!" He said as he finally gave the DLSU jacket.
Napatalon ako sa tuwa bago iyon niyakap sa dibdib ko. Napatawa naman siya sa akin kaya naman sinimangutan ko siya.
I totally forgot about my dream school and the disappointment that I never got to admit there.
"Oh 'wag ng madrama," Sita niya nung mapansin ang ekspresyon ng mukha ko. He really knew me well.
"Taran--" Agad niyang tinakpan ang bibig ko kaya parang nakain ko lang yung sinabi ko.
"Bad word," Aniya bago ako pakawalan na ikinailing ko.
Duon ko napansin ang sasakyan na nasa harap ng gate namin.
"Sa'yo?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
Unti-unti siyang tumango na ikinalaki ng mga mata ko. It was a honda civic. Hindi ko alam na bumili siya. Baka sa Maynila niya ito binili kasi nung umalis siya ay service lang na van ang gamit niya.
"Second hand lang 'yan, 'wag kang OA,"
Napairap ako sa sinabi niya. Pero kalaunan ay tinapik ang braso niya.
"Congrats! Dami ka sigurong babae na maisasakay dyan,"
"Selos ka?" Tanong niya agad pabalik.
Umasim ang mukha ko sa sinabi niya. Binatukan ko ito bago sumagot.
"Yuck, never," I said, acting like I was about to throw up.
Napatigil ako at nabato sa kinatatayuan nung may sasakyan na lumabas sa mansion. Saglit itong tumigil sa harap ng malaking gate bago humarurot. Sinundan ng mga mata ko ito at naalala ang katangahan na ginawa ko kagabi.
"Range Rover, yaman ah. May nakatira na pala dyan," Rinig kong komento ni Clark.
My eyes glues to the road where the car went. Kung hindi pala dumating si Clark ay natawagan ko na si Sam. O nanadya ang tadhana na huwag ko iyong gawin?
Napabuntong-hininga ako nung maramdaman na bumibigat na naman ang loob ko.
"Clark, hijo?"
I glanced back to see my mother standing behind us. Sa sobrang lalim ata ng pagkakatingin ko sa kalsada ay hindi ko ito naramdaman.
"Tita Tere," Bati ni Clark kay nanay at yumakap.
They are quite close too.
"Pasok kayo at kakain nang agahan,"
BINABASA MO ANG
Defying Fate
Romance𝘛𝘩𝘦 𝘨𝘳𝘦𝘢𝘵𝘦𝘴𝘵 𝘦𝘯𝘦𝘮𝘺 𝘰𝘧 𝘦𝘷𝘦𝘳𝘺 𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘴𝘵𝘰𝘳𝘺 𝘪𝘴 𝙛𝙖𝙩𝙚. A story written by 𝐀𝐑𝐓 Started: 09/17/2021 (Official start date after one year in my drafts) Ended: 10/21/2021 Law rank #1 - 07/04/2023 Bodyguard rank #1 10/08...