"Mi.. Miyawaki?" Tanong nya na medyo nabigla dahil nakilala nya ito."At anong ginagawa mo dito?" Tanong nya ng makarecover sa pagkagulat.
"May inaasahan kang iba?" Tanong nito habang sinasara ang pinto.
"Ha?"
Lumapit ito at tumigil sa harap ng mesang inupuan nya. Tinitigan nito ang mga gamit nyang nandun bago ito tumingin muli sa kanya.
"Sabi ko kung may inaasahan kang iba."
Hindi sya sumagot at tumitig lang sya dito.
"Hmm.. sige. Iisipin kong oo ang sagot mo sa tanong ko." Sabi uli nito habang pinupulupot ang mga kamay sa harap.
"So bakit ka nagpunta dito?" Sabi nya dahil unti unti na syang naiinis dito.
"Oh? Ganyan ka ba magpasalamat sa nakapulot ng notebook mo?"
"Anong... teka ikaw...?"
Ngumisi ito ng nakakaloko kaya nairita sya.
Sisigawan nya sana ito pero naisip nyang dahil nagkaharap nga sila nito kanina, may chance ngang ito ang nakapulot ng notebook nya.
Tama, since may ginawa naman itong mabuti, tama lang na magpasalamat. Kahit nakakainis ang ngisi nitong unggoy nato.
"Okay. Since ikaw ang pala yung nakakuha, salamat." Sabi nya. "Salamat sa pagbalik ng notebook ko."
"Hmm.... parang di naman sincere." Sabi nito na nakangisi pa din.
"Anong.... ah ewan basta nagpasalamat nako. Bahala ka jan kung di ka pa satisfied." Tapos ay nilapitan nya ang mga gamit nya sa mesa at sinimulan ayusin yun.
Narinig nyang tumawa ito kaya tumigil sya at tiningala ito.
"Ngayon na nakapagpasalamat nako at nalaman mong nandito pako, pwede bang umalis ka na?"
Tumigil ito at tumingin. Unti unting nawala ang ngiti nito at sumiryoso ang titig.
Medyo nabigla sya.
Ni minsan ay di nya pa nakita ang ganung itchura nito. Kung hindi ang nakakainis nitong ngisi ay wala na syang nakitang expression dito. Bago yun kaya di nya mapigilan mabigla.
"Ano.. bat ganyan ka tumingin? May kelangan ka pa ba sakin?" Tanong nya dahil medyo nagtatagal na ang katahimikan sa paligid.
"Nandito ren ako kasi may gusto akong idiscuss sayo." Sabi nito habang binubulsa ang isang kamay.
"Ha? Anong gusto mong idiscuss?"
Sandali itong tahimik na tumitig. Mukhang nag iisip kung pano sasabihin ang bagay na gusto sabihin.
Nang mukhang nakapag isip isip ay huminga ito ng malalim bago nagpatuloy.
"Nasa bansa kasi si Otousan." Sabi nito para mapakurap sya.
Ha? Otousan? Basic japanese yun at ibig sabihin nun ay Appa. Appa nya ba tinutukoy nya?
"Nasa bansa sya for a month at nagtatanong sya kung kelan pwede i-meet ang mga magulang mo."
Dun ay napataas ang isang kilay nya.
"Ha? At bakit naman kelangan magmeet ang mga magulang naten?"
"Ah.. kasi magmi-meeting tayo tungkol sa arrangement."
"Ano? Anong arrangement ang sinasabi mo?"
BINABASA MO ANG
RIVALS
FanfictionKwon Eunbi had been competing with Miyawaki Sakura in the top rank of their schools top scorer. She always thought of the japanese as Rival but its not just like that... • pure filo fanfic •