"Uhm.. Eun.." Tawag ni Sakura kay Eunbi bago pa sya nakapasok ng classroom ng umagang yun.
"Mm? Bakit, Kkura?" Tanong nya matapos lingunin ito.
"Ano.. kasi.. sa friday may gagawin ka ba? Sa hapon? May meeting ba kayo?"
"Di ko lang rin sigurado eh. Pero dahil busy si Minju sa competition, baka di muna kami magkita kita sa council. Bakit mo natanong?"
"Ah kasi... game namin sa friday. Kung okay lang sana sayo, kung pwede ka, baka okay lang na manuod ka."
Inaasahan na nyang magtatanong ito. At inaantay nya yun simula kagabi pa pero inintindi nya ito.
Dahil sobrang naging masunurin at napakabait nito habang naghahanda aa CSAT, naisip nyang pagbigyan ito sa kahit anong hihingin nito. Lalo na kung tungkol yun sa panunuod ng game.
"Hmmm... sige. Manunuod ako." Simpleng sagot nya.
"Oh! Talaga? Manunuod ka talaga?" Tanong nito na may sobra sobrang ngiti sa labi.
Nakangiting tumungo tungo sya dito.
"Wala naman ako gagawin eh. Kaya.."
"KWON EUNBIIII~~~" Sigaw na tawag ng kung sino sa malayo kaya napalingon sila.
Nakita nilang nagtatatakbo si Minju na may nag aalalalang mukha. Nang makarating ito sa harap nila ay hinihingal ito doon habang nakahawak ang isang kamay sa tuhod at ang isa ay sa dibdib.
"Oh, Minju. Bakit ka ba nagtatatakbo? Bakit ba?" Tanong nya dito.
"Kelangan ko ang tulong mo." Sabi nito habang hinihingal pa din.
"Ha? Ano ba yun?"
"Ang lokong Hangyul hindi pwedeng maging kapartner ko sa competition. Kaya kung pwede tulungan moko."
"Ha? Teka bakit hindi pwede si Hangyul? Nagpractice na kayo ng maraming beses ah. Bakit bigla syang di pwede?"
"Ang dahilan nya eh dahil injured ang kamay at binti nya."
"Ano?! Eh di naman issue yun ah? Sasagot lang naman sya sa mga tanong sa competition."
"Yun na nga ang iniisip ko eh. Pero nagpupumilit syang wag na sumali."
"Mukhang tinakot sya." Singit ni Sakura.
"Sa tingin mo?" Tanong nya.
Tumungo tungo ito.
"Ang lame kasi ng dahilan nya. Pero mukhang grabe din ang injury nya eh. Hindi talaga sya makatayo, base sa pinakita nyang picture sa group chat namin." Sabi ni Minju.
"Hmm... so malala talaga.. pero anong itutulong ko jan?"
"Pwede bang maging partner kita?"
"Ano?! Kim Minju..."
"Sige na naman, Eunbi. Hindi kaya ng ibang mga members na samahan ako kasi matitinik ang kalaban namin eh. Kalaban namin sa finals ang makakalaban namin sa friday kaya kelangan ko ang tulong ng 2nd genius ng school naten. Si Sakura di naman yan pwede kasi may game sya eh."
"Pero... teka. Anong time nyang competition nyo?"
"3pm."
Nalingon nya si Sakura at tumungo ito. Magkapareho ito ng time ng game ng kanila.
"Pero.. Minju, kasi.."
"Tutulong si Eun, Minju. Wag kang mag alala." Sabi bigla ni Sakura kaya nalingon nya ito.
YOU ARE READING
RIVALS
AcakKwon Eunbi had been competing with Miyawaki Sakura in the top rank of their schools top scorer. She always thought of the japanese as Rival but its not just like that... • pure filo fanfic •
