"Ang aga mo yata." Sabi ng kung sino kaya napalingon si Chaeyeon habang nagstretching sya nung umagang yun.
"Di ba dapat lang na maaga lalo nat nalalapit na ang next game naten." Sagot nya habang habol ng tingin ang dumating.
"Oo. Tama." Sagot ng dumating habang binababa nito ang dalang inumin at towel.
"Sabay ba kayo ulet ni Pres, Sakuchan?"
"Hindi. Dahil magkalapit lang ang bahay nila, kasabay ngayon ni Eun si Kangchan."
Mula sa pag stretch ng braso ay natigil sya nang marinig ang pangalan. Napahinga sya ng malalim nang maalala ang nangyare kagabi matapos ang practice game nila.
Dahil may oras pa naman sya ay sinamahan nya si Hyewon. Niyaya sya nito dahil wala pa ang mga magulang nito. Magkasama sila sa isang ice cream shop nang may sabihin itong kinabigla nya.
'Lee Chaeyeon, gusto kita. Matagal na.' Sabi nito.
Halos mabulunan sya sa kinakaing ice cream pero di nangyare dahil kakaunti lang ang nakain nya nang sabihin nito yun.
Nang titigan nya ito ay punong puno ito ng determinasyon. Nabigla sya at hindi alam ang sasabihin. At dahil dun, humingi na lang ng tawad dito.
"Ano bang nangyare, Lee Chaeyeon?" Rinig nyang tanong ni Sakura kaya natigil sya sa pag alala sa nangyare at natitigan ito kung saan nasa harap na nya pala ito.
"Ah... ano bang.."
"Nakita ko si Kangchan na umiiyak kagabi." Putol nito sa kanya.
"H-ha? Si Hyewon?"
Tumungo tungo ito. "Nasabi nyang nagconfess sya sayo kahapon. Sabi nya sinabi mo sa kanyang may gusto kang iba."
Napatingin sya sa baba sa narinig.
"Bakit mo naman kelangan sabihin yun kay Kangchan?"
"Ayokong maging panakip butas sya kung may gusto akong iba, Sakuchan."
Hindi ito nagsalita at nirerespeto nya ito. At sa mga tanong nitong medyo napapalakas ang boses dahil alam nyang nag aalala ito kay Hyewon.
"Hindi mo ba kayang bigyan ng pagkakataon si Kangchan? Ha, Jjaeyeon?" Rinig nyang tanong nito kaya tinitigan nya ito.
"Ayoko paasahin sya, Sakuchan. Dahil hindi ko alam kung kaya ko syang magustuhan. Ayoko muna magkagusto sa kahit sino kaya.. ayoko, Sakuchan."
"Talaga? Ayaw mo syang maghintay sayo?"
"Ayokong maghantay sya kung wala talaga sa isip kong magkagusto sa kahit sino sa ngayon."
Tumitig sandali si Sakura sa kaibigan. Iba ang pagkakaintindi nya sa sinabi nito na sa tingin nya ay pwedeng may pagkakataon si Hyewon dito.
Huminga sya ng malalim at nag okay na lang dito.
Pero may isang bagay syang gusto malaman. Isang bagay na matagal na syang curious dahil hindi sya sigurado.
"Pero sabihin mo, Jjaeyeon. Ang sinabi mong taong nagugustuhan mo kay Kangchan.. aminin mo... si Eun ba yun?"
Napakurap si Chaeyeon sa narinig at halos manlaki ang mga mata. Kinabahan din sya ng biglaan.
"Teka.. paano mong..."
"So tama ako." Sabi ni Sakura tsaka huminga ng malalim at tumingin sa malayo.
"Sakuchan.."
"Akala mo di ko pansin, ano? Noon palang alam ko na. Yung mga tingin mo sa kanya, yung ngiti pag kausap sya at yung kakaibang saya sa mukha mo. Jjaeyeon, alam ko yun. Pansin ko yun. Gusto ko lang makasiguro kaya kita tinatanong nyayon."
YOU ARE READING
RIVALS
AcakKwon Eunbi had been competing with Miyawaki Sakura in the top rank of their schools top scorer. She always thought of the japanese as Rival but its not just like that... • pure filo fanfic •
