Chapter 20

1 0 0
                                        


   Ilang linggo na at parang bumalik sa dati ang lahat. Hindi naman sobra tulad noon na sobra sobra kung mag away sila Eunbi at Sakura. Sa katunayan ay tahimik lang sila lagi pag magkasama. Hindi alam ni Eunbi kung bakit pero pakiramdam nya ay umiiwas si Sakura na makipag usap. At dahil dun, di na lang ren sya nakikipagsasalita.

   Bumalik sila sa dati na busy sa kanya kanyang bagay. Sila Eunbi sa council at sila Sakura sa practices. At higit sa lahat, sa pag aaral.

   Hindi man nag uusap pero lagi naman syang hatid sundo ni Sakura sa bahay. Tulad ngayon na hinahantay ng ito matapos kumain.

   "Lunar New year na bukas. At dahil may okasyon, balak umuwi ng Appa mo at si Eunhyuk. Ano bang magandang gawin bukas kung sakali, Eunbi?" Rinig nyang tanong ng Eomma nya habang nasa kusina ito.

   "Hmmm... kung kumain na lang po tayo sa bahay?" Tanong nya.

   "Talaga? Ayaw mo bang kumain sa labas? Naiisip ko din kasing kumain sa labas ehh."

   "Ayaw nyo lang magluto eh. Tutulungan ko na lang po kayo kung gusto nyo."

   "Talaga? Tutulong ka sakin?"

   "Opo. Wala rin naman po akong balak bukas eh. Mukhang kasama rin po ng mga kaibigan ko ang mga pamilya nila kaya.."

   "Eh si Sakura kaya?"

   "Ano pong ako?" Tanong ni Sakura kaya nalingon nila ito.

   "May gagawin ka ba bukas, Sakura? May plano ka bang umuwi ng Japan?" Tanong ng Eomma nya.

   "Uhm.. wala naman po. Bakit nyo po.."

   "Lunar New year bukas. At.. kung wala kang balak, baka gusto mo dito na lang mag ano.. magcelebrate." Sabi ni Eunbi na di pa makatingin dito.

   "Ah... nag usap na po kami ni Otousan.."

   'Ah.. mukhang uuwi sya sa-'

   ".. Sabi ko di po muna ako uuwi."

   "Talaga?" Tanong nya na di nya naiwasan na maisigaw pa sa tuwa. Habang nakatingin dito.

   "Uhm.. oo. Kaya sige. Dito ako pupunta bukas."

   Napangiti sya habang natayo.

   "Pero, Eommoni. May practice ako bukas ng umaga kaya baka tanghali nako makapunta." Dagdag pa ni Sakura.

   "Ha? Bakit may practice kayo? Hindi ba pwedeng sa susunod na lang na araw yun?"

   "Malapit na rin kasi ang susunod naming game kaya todo practice na kami. Dahil nakabakasyon kami nung nakaraan at di nakapagpractice, kapag may oras ay napag usapan namin na gamitin yun para magpractice."

   "Pero.. di ba may okasyon?"

   "Oo. Nasabi ni Jjaeyeon yan. At dahil ang lahat ay kasama ang pamilya nila, napag usapan na magpractice na lang ng umaga."

   "Ahh.. mabuti naman pala at naisip din yun ni Chaeyeon."

   "At dahil busy ka at tutulong ka kay Eommoni, wag ka ng sasama sakin."

RIVALSWhere stories live. Discover now