Chapter 8

5 0 0
                                    


   For 2 days after school ay isang damulag na paalaga si Sakura kay Eunbi.

   Hindi sa gusto nya na alagaan ito pero talagang kinukulit sya ng Eomma nya na puntahan ito kaya nandun sya para alagaan ito. Nandun lang sya sa kwarto nito kung may kelangan ito pero minsan ay nauuwi sya sa pakikipag usap dito imbes na nag aaral. Napakakulit kasi nito at di paawat kaya hindi nya mabaliwala.

   "Nga pala Eun." Sabi nito habang nagsusulat sya ng assignment nya.

   "Ano na naman."

   "Nakalimutan ko tanungin kahapon 'to ehh. Natitignan mo ba yung team ko sa practice nila?"

   "Hmm hindi. Hindi ko naman kasi alam ang time ng practices nyo eh kaya di ko nachecheck."

   "Ahh.. hindi ko na kasi alam nangyayare sa kanila since na dumating ako dito kaya ko natanong."

   "Ha? Di mo sila nakakachat?" Tanong nya matapos itong malingon.

   "Hindi. Yung Eomma mo kasi kinuha ang phone ko."

   "Ano? Anong ginawa ni Eomma?"

   "Kinuha nya ang phone ko."

   "Oo nga. Pero bakit?"

   "Uhm.. para makapagpahinga?"

   "Ibang klase.." Sabi nya habang naiiling. "Okay. Mukhang handle naman ni Chaeyeon ang sitwasyon kaya wag ka ng mag aalala."

   "Pero inaalala ko sila Yena at Yujin."

   "Kaya na nila yun. At kung magiging problema man sila bukas, ikaw ng bahalang pagalitan sila."

   "Ha? Paano eh suspended nga ako, di ba?"

   "Hmmm.. sabihin na lang naten na nakiusap ako sa Principal na papuntahin ka at wag palaruin. Dun ka lang sa bench."

   "Talaga? Pwede ako pumunta bukas?!" Excited na tanong nito habang nakaupo na.

   "Oo. Kaya wag ka ng mag alala at magpahinga ka para bukas."

   "Uwaaa salamat Eun~~" Sabi nito tsaka sya niyakap pa-side.

   Nabigla sya lalo na nang maramdaman nya ang malambot na kung anong dumapo sa pisnge nya. Napakurap sya at medyo nanigas.

   Teka hinalikan nya ba ako sa pisnge, tanong nya sa isip.

   Nang marealize ang ginawa nito ay kinurot nya ang magkabilang pisnge nito at hinarap ito.

   "Away (Aray) naman, Eun.." Sabi nito sa ginawa nya.

   "Okay lang naman yung yakap pero.. hinalikan mo ako?"

   "Bwakit Bwa eh asawa naman kwita." (Bakit ba eh asawa naman kita)

   "Hindi porket ganun bigla bigla ka na lang hahalik. Ni hindi mo nga ako tinanong kung pwede ka humalik eh."

   "Hmm? Kwelangan (kelangan) ko pwa (pa) magtanong?"

   "Oo."

   "Edi.. pwede bwang (bang) ikwiss (ikiss) kwa (ka)?"

   "Hinde!" Sabi nya tapos ay itinulak ito.

   Napaupo si Sakura sa ginawa nya at nahawak pa nito ang kamay na nakasemento, para di nito yun magalaw ay sinemento yun, para lalo masaktan ito.

   "Aray!" Sigaw pa nito matapos mapaupo.

   "Eunbi, ano bang ginagawa mo?!" Sigaw ng kung sino sa pinto bago pa sya makalapit kay Sakura.

RIVALSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon