"So pwede mo na ba ikwento kung panong nagdedate na kayo ni Ahn Yujin?" Bungad ni Eunbi nang makaupo sila sa lagi nilang inuupuan sa cafeteria.
Mula nang magstart ang unang klase nila ay masyado syang distracted sa problema nya sa CSAT. Kaya nawala sa isip nya yung ideya na may dinedate si Minju.
Pero dahil ilang beses na nya naririnig sa mga kaklase nila ang tungkol dito, di na sya nag alinlangan.
"Anong sinasabi mo, Pres? Si Minju at Yujin ay ano yun?" Tanong ni Yuri pero di nya ito pinansin at tumitig lang kay Minju.
"Bakit ang seryoso mo, Eun?" Rinig nyang sabi ni Sakura at tumabi sa kanya.
Narinig nya pa ang iba na naupo dun at nakita nya pa sa tabi ng mata nya na maupo si Yujin sa tabi ni Minju. Pero di nya inalis ang tingin kay Minju.
"Eun~" Tawag pa ni Sakura sa kanya. "Ano bang nangyayare dito, Yuri?"
"Tinatanong ni Eunbi eonni si Minju kung panong nagdedate na sila nyan ni Yujin. At teka totoo ba yun?" Tanong ni Yuri.
"Ah.. di pa pala kayo nagkakausap. Sige, Minju. Para matahimik na ang loob ni Eun. Ikwento mo na samin yung side mo kasi nagkwento na samin si Yujin eh."
Nakita ni Eunbi na tumingin ito kay Sakura. Tapos ay sa kanya ito tumitig na may takot na di nya maipaliwanag ang tingin.
Huminga muna ito ng malalim.
"Isang beses kasi na nasa library ako para sa isang assignment nakita ko si Yujin dun." Sabi ni Minju. "Nahihirapan sya sa Math kaya lumapit ako sa kanya para turuan sya. Natuto sya at natuwa sa pagtuturo ko kaya humingi sya ng favor kung pwede ko na sya lagi turuan kasi di nya talaga maintindihan ang tinuturo ng teacher nila..."
"... ilang linggo ren kami na nagkikita sa library para mag aral at nag uusap na ren ng mga ilang personal na bagay. At... minsan napakasweet talaga ni Yujin."
"Minju, Sweet naman sya sa lahat ng...."
"Pero di sya tulad ng iba na maalaga, Eunbi. Lagi nya akong inaasikaso at napakaresponsable." Putol ni Minju kay Eunbi.
"Yang batang yan? Eh napakakulit nga nyan eh. At laging nakikipag away kay Yena."
"Gusto ko talaga si Minju eonni, Pres." Singit ni Yujin. "Kahit ano gagawin ko para magustuhan nya ako, kaya..."
"Kaya nagpanggap kang nahihirapan sa Math para malapitan mo si Minju at magustuhan ka?"
"Hindi sa ganun, Pres. Nahihirapan talaga ako dun kaya malaki ang pasasalamat ko kay Minju eonni tungkol dun. Pero... gustong gusto ko talaga sya, Pres. At handa ako magbago para sa kanya." Sabi ni Yujin tsaka nito tinitigan si Minju at hinawakan ang kamay nitong nakapatong sa mesa.
Nakita nya ang mga titig ng mga ito sa isat isa. Pero masyado nang nabago ang pananaw nya kay Yujin dahil alam nyang marami itong nilalapitan sa school. Sobra sobra ang pagkaplayer nito.
Aminado syang over-protective sya sa mga kaibigan nya dahil mga inosente ang mga ito. At dahil sobrang ganda ni Minju ay ayaw nyang maligaw ito habang nasa highschool palang sila kaya ayaw nyang may lalapit dito. Lalo na sa mga player na tulad ni Yujin.
Paglalayuin na sana nya ang mga ito pero biglang nag ingay ang mga nasa table at binati sila Minju. Ang sasaya ng mga ito kaya sumimangot sya. Sasawayin nya sana ang mga ito pero hinawakan ni Sakura ang kamay nya kaya nalingon nya ito.
"Tara, bumili na tayo ng lunch." Bulong pa nito tsaka sya hinila patayo at umalis dun.
"Yah, Bakit..."
YOU ARE READING
RIVALS
De TodoKwon Eunbi had been competing with Miyawaki Sakura in the top rank of their schools top scorer. She always thought of the japanese as Rival but its not just like that... • pure filo fanfic •
