Chapter 16

3 0 0
                                        


   Ilang araw rin na nakatutok ang lahat at subsob sa pag aaral para sa CSAT. Halos lahat ng seniors sa school ay yun ang bukang bibig at hindi sila makakausap ng ibang estudyante dahil puros pag aaral lang ang nasa isip nila.

   Bukod kela Yuri, Hitomi at Yujin na nakikisali sa grupo ng student council at basketball players na puros seniors. Halos araw araw sila na nag aaral sa bahay ni Eunbi kada pagtapos ng meeting ng council at practice ng basketball.

   Ilang araw na ren na napapansin nyang pinaghihiwalay sila ng mga kaibigan nila lalo na sila Minju, Yuri at Hitomi kay Eunbi. Hindi na nya sana mapapansin yun pero dahil nag make face si Sakura ngayon habang nasa bahay nya sila habang hila sya ni Hitomi, napansin na nya yun habang natatawa.

   "Alam mo naiinis nako sa inyo, Hiichan." Sabi pa ni Sakura habang nakapout.

   "Bakit ba, Eonni. Kelangan namin si Eunbi eonni ehhh." Paliwanag ni Hitomi habang hawak sya nito sa braso.

   "Tss.. bakit parang pag nasa tabi ko si Eun.."

   "Sinabi na ni Hiichan na kelangan nila si Eunbi. Wag ka ngang madamot jan, Sakuchan." Sabi ni Chaeyeon na nasa tabi ni Sakura para lalo itong mapanguso.

   Natawa na lang silang tatlo dito.

   "Ah nga pala, Kkura eonni. Sabi ni Nako bibisita sya dito at tatlong araw sya maglalagi kaya.. kung may time ka, pwede bang sunduin mo sya sa airport?" Sabi ni Hitomi.

   "Nako? Sino si Nako?" Tanong nya.

   "Isa pang pinsan namin." Sagot ni Sakura. "So bibisita pala sya, huh?"

   "Nakwento ko kasi sa kanya na nagkalapit na kayo at sobrang nakucute-an ako kay Eunbi eonni kaya siguro nagsabi na bibisita sya." - Si Hitomi.

   "Aigoo... alam mo, Eun. Kung nacucute-an ka kay Hitomi, mas maku-cute-an ka kay Nako."

   "Talaga?" Tanong nya.

   "Tama si Kkura eonni. At mag iingat kang sabihan syang cute dahil magagalit yun sayo."

   "Ha? Bakit naman, Hiichan?"

   "Dahil ayaw nyang nasasabihan ng cute. Ewan ko ba sa batang yun." Sagot ni Sakura.

   Nacurious sya sa kinwento ng dalawa kaya tinanong ni Eunbi si Hitomi tungkol kay Nako.

   Pero dahil busy sila sa pag aaral at paghahanda sa exam, kaunti lang ang nalaman nya kay Nako. Ang personality nito na di nalalayo kay Sakura at pagkahilig nito sa ice cream lalo na sa mint choco.

   "Pwede bakong sumama sa pag sundo kay Nako, Kkura?" Tanong nya kay Sakura habang nag aayos sila ng gamit na ginamit nila sa pag aaral.

   "Hmm? Sigurado ka? Nakausap ko si Hiichan sabi nya baka mamaya sya dumating eh." Sagot ni Sakura habang nagtutupi ito ng kumot na naupuan ng iba.

   "Mamaya na talaga?"

   "Mamaya na talaga. Weekend nya kasi talaga balak para may dalawang gabi syang maitulog."

   "Eh di ba friday bukas? Hindi sya papasok?"

   "Wala namang kaso sa kanya ang umabsent ng isang araw. Matalino naman yung si Nako eh at magaganda ang grades kaya ayos lang yun."

   "Ah.. eh san naman sya tutuloy? Sayo?"

   Tumungo tungo si Sakura. "Kahit halos kasing edad yun ni Hitomi, baby pa rin yun ng mga magulang nya kaya kelangan ko yun alagaan lalo pat unang beses nyang bibisita ng korea."

RIVALSWhere stories live. Discover now