Chapter 7

6 0 0
                                    


   "Kamusta? Okay ka na jan?" Tanong ni Chaeyeon sa bestfriend na nakahiga ngayon sa kama sa clinic.

   Tumungo si Sakura tsaka nya tinignan ang braso na may benda sa may kamay.

   "Delikado ang ginawa mo. Alam mo ba yun?"

   "Alam ko pero alam mo naman na mahalagang hindi sya masaktan."

   Napahinga ng malalim si Chaeyeon. "Sobra talagang lalim ang pagmamahal mo sa kanya. Sobra sobra. Ah oo nga pala. Buti naman at nakapagtapat ka na."

   Napangiti si Sakura. Lalo na ng maalala nya yung oras na yun. Sobra syang kinakabahan non at halos mauwi sa away ang usap na yun pero nagawa nya. Nagawa nyang magtapat kay Eunbi.

   Mula nang makilala sa lamay ng Araboji nito ay ilang taon na syang may gusto dito pero ngayon lang sya nagtapat. Ngayon lang dahil kelangan na nya itong masabi bago pa sila ikasal.

   "Yah.. nagde-daydream ka na naman." Sabi ni Chaeyeon kaya napakurap sya.

   "Tss.. minsan di nakakatuwa na kasama kita eh."

   "At bakit na naman. Siguro inaalala mo na naman yung oras kung kelan sobra kang in love sa kanya, no?"

   "Tss.. lagi naman akong in love sa kanya ehh."

   "Aigoo.. pwede patulugin na naten to, Nurse? Para tuluyan ng makatulog at managinip na mahal din sya ni Pres?"

   "Yah... napakasama ng ugali mo. Wag mo ngang ipaalalang di nya ko gusto." Sabi nya habang nakapout at magkasalubong ang mga kilay.

   Natawa si Chaeyeon sa itchura ng bestfriend. Na laging itchura nito kapag naaasar nya ito tungkol kay Eunbi.

   "Pero wag kang mag alala, Sakuchan. Hindi naman sya mag aalala kung wala syang nararamdaman sayo eh." Sabi nya nang humupa ang pagtawa nito.

   "Oh talaga? Sigurado ka ba jan?"

   "Oo. Sigurado ako."

   Nailingan na lang nya ang bestfriend. Hindi nya rin kasi sigurado dahil sobrang galit sa kanya si Eunbi. At tinuturing pa sya nitong rival. Pero gusto nyang maniwala na pwede syang magustuhan nito kagaya ng pagkakagusto nya dito.

   Ilang sandali pa ay nagkausap sila tungkol sa nagawa nyang move na sekreto nyang pinag aralan. Pinuri sya ng bestfriend at sabi pa nito ay napakagaling daw nun. Nang dumating ang nurse ay pinayuhan sya nitong magpahinga para hindi na kahit papano sumakit ang injury. Kaya natulog na lang ren si Sakura habang bantay ni Chaeyeon.

¤¤ ¤¤¤ ¤¤ ¤¤¤ ¤¤

   Nang dumating si Eunbi sa clinic ay naroon pa si Chaeyeon sa tabi ng bestfriend. Medyo natagalan sya sa pakikipag usap sa mga teachers. Nag usap pa kasi ang mga ito sa ipapataw na parusa sa mga sangkot sa nangyare.

   Nang maging okay na ang lahat at settled na, pinaalis na ren sya. Hindi na sya dumaan sa kwarto nila at dumiretcho sa clinic.

   "Uhm.. kamusta na si Sakura, Chaeyeon?" Tanong nya nang makatayo sya sa tabi nito.

   "Oh. Parang ngayon ko lang ata narinig na tinawag mo sya sa pangalan nya ah." Sabi ni Chaeyeon kaya mula sa taong nakahiga sa kama ay nalingon nya ito.

   "Ah.. oo. Si Miyawaki."

   "Mas okay yan, Pres. Para maging malapit na kayo. Tawagin mo sya sa pangalan."

   "Pero ang awkward.."

   "Natawag mo na nga sya ehh. Okay lang yan. Simula pa lang naman eh."

   "Tss.. so ano nga? Kamusta ang bestfriend mo?"

RIVALSWhere stories live. Discover now