Chapter 12

2 0 0
                                    

   Halos isang linggo na pero wala pa ring ideya si Eunbi kung ano ng nangyare kay Sakura. Simula nung friday na party ng school festival na di sya siniputan ni Sakura hanggang ilang araw na ren ay wala syang balita dito. Bukod sa alam nyang lumipad ito papuntang Japan kagaya ng sabi ni Chaeyeon na naghatid dito.

   Nung weekends ay ayos lang sa kanya dahil weekends naman yun at pahinga. Pero sa weekdays ay di nya mapigilan isipin ang ginagawa nito ngayon.

   Araw araw ay tinatanong nya si Chaeyeon kung kamusta ito at kung nagparamdam. Ngunit kahit ito ay walang alam sa nangyare sa kaibigan. Wala namang alam ang mga magulang nya dahil minsan lang makausap ng mga ito ang Appa ni Sakura kaya wala ren syang nakuhang impormasyon sa mga ito.

   Nakatitig sya dun sa kawalan nang marinig nya ang pagbukas ng pinto ng office nila. Napapikit sya ng mariin nang talagang nag expect syang si Sakura yun pero ang members nya lang pala yun.

   "Ah.. Pres.. okay ka lang?" Sabi ni Yuri.

   Ngumiti lang sya dito at nagpatuloy sa ginagawang di naman sya sigurado kung ano.

   "Siguro naman importante yun para di sya makapagpaalam, Pres. Wag ka na malungkot." Sabi ni Minju kaya nalingon nya ito.

   "Hindi ako malungkot." Sagot nya dito.

   "Wag mo nga ako lokohin, Eunbi. Kitang kita kung gaano ka kalungkot eh. Masyadong obvious."

   Huminga lang sya ng malalim at tumitig sa nakabukas na libro sa harap nya.

   "Alam mo, mag stress relieve tayo. Wala naman tayong assignment o anuman eh. Tara. Magpasalon tayo." Sabi ni Minju bago nito inayos ang gamit nya sa mesa.

   "Ha? Bakit bigla namang salon?"

   "Maniwala ka sakin, Eunbi. Mawawala stress mo pag nag new look ka. Tara. Gusto ko ren magpakulay ng buhok eh. Nakakainggit kasi ang mga Basketball players na nag new look."

   "Ah oo nga pala no. Nag pakulay ng orange si Chaewon."

   "At nakashort hair si Yujin at iba naman kulay ng hair ni Chaeyeon. May pakiramdam akong si Sakura ren nagpaayos eh."

   "Tss.. dahil lang sa nagpalit ang members?"

   "Magpapalit ren yun for sure. Kaya tayo ren. Tara na dali."

   Hindi na lang sya nakipagtalo at hinayaan na dalhin sya nito kung saan.

   Wala naman silang klase sa oras na yun pero kelangan nya bumalik para sa report sa homeroom teacher nila. Kaya napag usapan nilang bumalik ilang minuto bago sya kelanganin ng teacher. Dahil matagal magpaayos ng buhok, kelangan nila ng sapat na oras. Mabuti na lang at kakatanghalian lang ng magyaya si Minju.

   Sundo ni Minju ang mabilis na dumating kaya yun ang nagdala sa kanila.

   "Hmm.. Gusto ko ng red." Sabi ni Minju habang namimili sila ng ikukulay sa buhok.

   "Red talaga? Ayaw mo ng pink? Parang bagay sayo yun eh." Suggest nya.

   "Hmm sige. Tapos sayo light brown."

   "Okay." Tapos ay hinayaan na nya ang mag aayos sa mangyayare sa kanya.

   Yun ang unang beses na nagkulay sya ng buhok. Kaya nang matapos ay natitigan nya ang mukha sa salamin. Napangiti na lang sya ng di nya inaasahan.

   'Ohh.. okay ren pala. Ano kayang magiging reaksyon nya pag nakita nya ako sa new look ko?' Sabi nya sa isip.

   "Ohh bagay pala sayo, Eunbi." Sabi ni Minju sa likod nya kaya natingnan nya ito.

RIVALSWhere stories live. Discover now