Chapter 18

4 0 0
                                        


   Pang ilang beses ng napatingin si Sakura sa malayo, iniisip na baka may makita bago man lang sya makaalis ng bansa.

   Christmas Eve na at naroon na sya sa Gimpo Airport kasama si Hitomi na makakasama nya paalis at ang mga kaibigan nya na nag aantay sa pag alis nila. Andun ang lahat bukod sa asawa nya.

   "Inaantay mo pa din ba si Eunbi?" Rinig nyang tanong ni Chaeyeon.

   "Di ko rin kasi alam kung makakarating sya. Sabi nya kasi busy sya at tumulong na naman sya kay Imo sa ospital. Namimiss ko na rin talaga sya, Jjaeyeon. Pagtapos kasi nung competition nila ni Minju, kahit makachat o matawagan ng matagal di ko na magawa kasi busy sya." Sagot nya dito.

   "Ha? At dahil tumutulong sya sa Eomma nya?"

   "Oo. At bukod dun busy rin sya sa council. Bigla ay nagmi-meeting sila. Eh ang alam ko pa nga may Christmas Ball na mangyayari ngayon eh. Na inorganize nila."

   "Talaga?" Tanong ni Chaeyeon tsaka sya lumingon sa mga kaibigan nila. "Yuri, totoong nagmeeting kayo para sa Christmas Ball?"

   "Ah.. oo, Chaeyeon eonni. At inayos lahat yun ni Eunbi eonni. Sobrang naistress na rin nga yun eh kasi busy rin ata sya sa kanila." Sagot ni Yuri.

   "Ah.. sige. Salamat, Yuri."

   "Busy rin naman tayo sa mga practice naten kaya naiintindihan ko sya. Pero.. sobrang namimiss ko na si Eun." Sabi ni Sakura bago nagpout.

   "Magkikita rin kayo, Sakuchan. Wag kang mag alala jan. Palipasin mo na lang muna ang pasko."

   "Tsaka parang di ka uuwi bago mag New Year ah." Sabi ni Yena na nasa malapit.

   "Oo nga. Hanggang New Year ka ba dun?" Tanong ni Chaewon.

   "Di ko alam eh. Di ko pa alam ang mangyayare pagkatapos ng Christmas. Nakadepende kay Otousan."

   "Ah.... nakakaines naman pala yan. Unang Christmas naten na wala ka pati rin pala new year." - Si Yena.

   "Overreacting ka masyado, Yena. Di rin naman tayo nagkikita pag Christmas eh." Sabi nya dito.

   "Ah.. sorry, Cap."

   "Kkura eonni, tara na. Oras na ng flight naten." Tawag ni Hitomi para mapatingin ang lahat.

   Nagpaalam na ang lahat sa kanila. Ang lokong Yena nagpadala pa ng pasalubong na chocolates kaya natawa ang lahat.

   "Minju, pasabi na lang rin kay Eun na umalis na kami." Sabi nya nang makaharap nya ito.

   "Alam naman nun na paalis ka na ngayon. Wag kang mag alala." Sagot nito.

   "Ah.. kung ganun.. paalaga na lang sya habang wala ako."

   "Aabalahin mo pako bat di na lang ikaw. I-chat at tawagan mo."

   "Eh ang busy nya kasi ehhhh. Kaya sobra sobra ko na syang namimiss."

   "Wag kang mag alala. Magiging okay den ang lahat bago pa matapos ang araw nato."

   Nagtaka sya sa sinabi nito. Pero bago pa sya makapagtanong ay nahila sya ni Hitomi at pumila na sila papasok ng eroplano nila.

   'Ano bang ibig sabihin ni Minju? Di ka naman siguro dadating ng Japan? Ano, Eun?' Tanong nya bago naglakad papasok ng eroplano.

   "Ang lungkot ni Cap. Parang gusto ko tuloy sya sundan sa Japan at pagaanin loob nya." Sabi ni Yena.

   "Pwede naman. Kung wala kang Christmas Party with family sa bahay." Sabi ni Chaewon dito.

   "Ah.. oo nga pala muntikan ko den makalimutan yun."

RIVALSWhere stories live. Discover now