Kinabukasan ay sobrang agang nagising ni Eunbi. Paglingon sa paligid ay napakadilim pa kaya alam nyang maaga pa. Gumalaw sya para kunin ang phone nya sa mesa sa malapit pero di nya nagawa dahil may kung anong pumigil sa kanya. Umungol pa iyon kaya napakurap sya.
Kumurap sya at nilingon ang pumigil sa kanya. Si Sakura na nakapikit at di nya alam kung inis o galit dahil nakakunot noo ito.
"Sakura." Tawag nya dito.
Inulit pa nito ang pagtawag dito kaya umungol ulit ito at hinila sya palapit dito.
"Sakura, gumising ka muna para..."
"Kakatulog ko lang, Eun. 10am pa naman ang flight na kukunin naten kaya hayaan mo muna ako matulog." Sabi pa nito.
"Teka.. kakatulog mo lang? Anong oras na b-"
"4am na." Sabi nito bago binaon ang mukha sa balikat nya.
"4am? At anong ginawa mo para late kang matulog?"
"Game. May tinapos kaming battle ni Yena at late na ren natapos." Bulong nito na di nya alam kung sagot talaga nito yun dahil parang zombie na ito.
"Ibang klase. Ganito ka siguro lagi ano?"
Hindi na ito sumagot kaya alam nyang nakatulog na ito. Nailing tuloy sya at hinayaan nyang yakapin sya nito.
Magpapalipas pa sana sya ng ilang minuto para humimbing ang tulog nito at makabangon sya pero nakatulog ren sya.
Nang magising ay nakaharap na sya sa mahimbing pa ren ang tulog na si Sakura. Sobrang lapit ng mukha nito na halos maitulak ito pero pinigil nya ang sarili. Pumikit sya ng mariin at dahan dahan na bumangon.
Nang masilip ang relo sa mesa ay nalaman nyang 6:30am palang. Pwede pa sana sya matulog pero di na nya kakayanin pag nagising ulit syang nakatutok sa mukha ni Sakura ang mukha. Kaya nagpasya na syang bumangon.
Nakita nya ang treadmill kaya naisip nyang ubusin ang oras dun. Tumakbo sya dun ng di nya ren alam kung gaano katagal. Tumakbo sya habang sinasagot ang mga tanong ng mga kaibigan nya sa group chat.
Matapos nun ay naligo na sya at naghanda na. Nagbihis at nagpasyang magluto ng almusal.
"Alam mo bagay kang nasa kusina." Rinig nyang sabi ng kung sino kaya napalingon sya mula sa inililipat nyang kimchi friedrice na naluto nya.
Nakita nya dun si Sakura na nakaligo na at bihis pero di pa maayos ang buhok. Napahinga sya ng malalim nang mapansin nya ang mukha nitong inaantok pa.
"Seryoso talagang 4am ka na natulog?" Tanong nya habang inaayos ang friedrice na niluto.
"Oo. Natagalan kami sa pagtapos ni Yena eh. Kaya.. yun.."
"Lagi ba yun nangyayare?" Tanong nya habang inaabot dito ang isang bowl ng pagkain.
"Kapag naglalaro kami ni Yena. Pero pag weekdays hindi naman namin hinahayaan na magmadaling araw kami kaya wag kang mag alala, Eomma." Sagot nito tsaka naunang maglakad sa kanya papuntang dining area.
Nataasan nya ng kilay ito lalo na sa tawag nito sa kanya.
"Tigilan mo ang pagtawag sakin ng Eomma." Sabi nya ng makaupo sa kaharap nitong upuan.
"Ah.. parang Eomma ka kasi na nagagalit sa Baby nya."
"Baby.. tss.."
"Bakit? Baby mo naman ako ahh.."
Natirikan nya ito ng tingin bago nagpatuloy sa pagkain.
Nagpatuloy sila dun tsaka nya hinantay si Sakura na matapos mag ayos. Nang okay na ito, gamit ang sasakyan nito ay umalis sila papuntang Gimpo Airport.
YOU ARE READING
RIVALS
DiversosKwon Eunbi had been competing with Miyawaki Sakura in the top rank of their schools top scorer. She always thought of the japanese as Rival but its not just like that... • pure filo fanfic •
