Chapter 10

3 0 0
                                    


   "Wang Yiren.." Panimula nya habang nakatingin sa baba.

   Ilang sandali syang tumahimik bago tiningala ito at tumitig sa nakangisi at nakataas ang kilay nitong itchura.

   "Unang una sa lahat, tigilan mo ang paghawak hawak sa asawa ko!" Dagdag nya pa na umugong sa lugar para tumahimik ang paligid.

   Tahimik ang paligid pero biglang tumawa ang babaeng tinititigan nya ng masama. Huminga tuloy sya ng malalim para kalmahin ang nanggigigil na sarili sa masyadong magandang babae na naka skirt na maikli.

   Matapos tumawa ay lumapit ito sa kanya. Napakurap sya nang tumayo ito sa harap nya na may ngisi sa labi.

   "Ako.. hindi pa kami ni Sakuchan. Hindi pa kami nagdedate. Pero ikaw.. asawa kaagad?" Sabi nito tapos tumawa kasunod ng mga kasama nito sa cheerleading na nasa kabilang upuan lang.

   Huminga sya ng malalim. "Hindi ko naman kelangan magpaliwanag sayo. Kung tapos ka na lumandi sa asawa ko, kung pwede lang.."

   "Hindi mo nga kelangan magpaliwanag pero sino nagsabi sayo na pwede mong tawaging asawa ang isang Miyawaki Sakura?!"

   Hind nya gusto ang pagtitig nito sa kanya lalo na kung pag taasan sya nito ng tingin dahil mas senior sya dito. Lalo pat sya ang President ng Student body Council.

   Susugurin na sana nya ito pero hindi yun nangyare dahil tumayo sa gitna si Sakura.

   "Wang Yiren, pwede ba. Wag kang bastos." Sabi pa nito habang hinahawakan nito ang kamay nya.

   "Oo. Tama ang narinig nyo kay President. Asawa nya ako at engage na kami nung sabado lang. Kaya walang babastos sa kanya kung ayaw nyong harapin ko kayo kung sinumang babastos sa kanya." Sabi pa nito sa lahat.

   Magsasalita pa sana ang babaeng kaaway nya pero hindi yun natuloy dahil hinila na sya ni Sakura papunta sa labas ng cafeteria.

   Napalingon sya sa paligid at nagbubulungan ang lahat. Nakita nya ren ang mga kaibigan na nagta-thumbs up habang bulong na sila na ang bahala kay Jo Yuri. Tumungo na lang sya at nagpahila kay Sakura.

   Dinala sya nito sa gym at naupo sa bleachers. Inupo sya nito doon habang ito ay nakatayo habang nasa waist ang mga kamay.

   Napakurap sya nang mapansin na nakatitig ito sa kanya. Napalunok ren sya bago tumingin dito na may nakataas noo.

   "Ano. Bakit?" Sabi nya.

   "Akala ko ba wala munang magsasabi sa lahat na asawa naten ang isat isa.. Anong nangyare dun?" Tanong nito.

   "Ano... eh di ba ang usapan pagtapos ng engagement?"

   Napataas ng kilay ito. "Seryoso pala yun? Akala ko ayaw mo."

   "Eh ano eh.. yun na. Nangyare na." Sabi nya bago tumigin sa malayo.

   "Sabihin mo nga sakin. Nagselos ka ba kay Yiren?"

   "At bakit ako magseselos?"

   "Dahil nakayakap sya sakin.."

   "At bakit nga ba nakayakap sya sayo?"

   "Ano.. kasi.. teka. Ang tanong dito nagseselos ka nga ba?"

   "Hindi nga ako nagseselos! Napakakulit.." Sabi nya bago tumingin ulit sa malayo.

   Natutuwa si Sakura sa nakikita kay Eunbi. Ni minsan hindi nya ito nakita mag react lalo na sa mga nagfa-fangirl sa kanya. Pero ang isang Wang Yiren na aggressive at vocal na vocal sa feelings nito ay bigla itong nagalit.

RIVALSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon