Isang magandang araw yon. Mataas ang araw at napakasaya ng mga tao sa paligid. Kahit kakatapos lang ng exams at marerelease na ang results, isang magandang araw iyun para kay Eunbi.Ito ang laging hinahantay nya kada taon pero ngayon ay espesyal dahil nasa seniors na sya at malapit ng grumaduate ng highschool. Pinakahahantay nya yun dahil laging looking forward sya na maging top 1 sya sa lahat.
Pero napanganga sya ng makarating sa bulletin board at nakatitig sa listahan ng Top scorers ng seniors.
"Top 2 na naman ako?????!" Tanong nya sa sarili dahil wala naman ang mga kaibigan nya.
Mula sa pagkakatitig sa pangalan na nasa second, tumaas ng kaunti ang tingin at natitigan nya ng masama ang pangalan.
'Miyawaki Sakura...' Sabi nya sa isip habang halos tusukin ng ballpen ang pangalan.
"Waa.. Captain, ikaw na naman ang top scorer. Napakaconsistent mo talaga~" Rinig nyang sabi ng kung sino kaya napalingon sya.
Nakita nya ang limang popular student ng school. Ang mga basketball players. Nagtatawanan ang mga ito habang andun lang sa malapit.
Naiirita sya lalo na nang makita ang kanina pang kinaiinisan. Nakangiti ito sa kaibigan na nagsalitang nagnangalang Choi Yena.
'Miyawaki Sakura. Bat nandito to, aish.' Sabi nya sa isip.
"Oh! Captain. Si Miss number 2 ohh~~" Sabi na naman nung Yena.
"Yah, Choi Yena. Tumigil ka nga sa pagtawag sakin nyan." Sabi nya habang nakapulupot ang mga braso.
"Oh? Eh di ba ganun ang tawag sayo?"
"Anong..!" Sabi nya na halos sumugod pero pinigilan ang sarili. Tumitig sya sa kanina pa kinaiinisan. "Kasalanan moto kaya tinatawag ako ng bibe na yan ng ganyan eh!!!!"
"Ha? Ah..." Sabi lang nito bago tumungo tungo na parang sinang ayunan pa sya.
"Ikaw..! Miyawaki!!"
"Ahh sorry na. Isang beses lang naman yun ehh.. sorry." Sabi nito na pinagdikit pa ang mga kamay na mukhang nagsosorry nga pero nakangisi naman.
"Yaaa!!"
"Okay, okay! Sorry na talaga!" Sabi nito para matigil sya sa pagsugod dito.
"Pero totoo naman kasi ehh.." Sabi nito matapos ang ilang saglit. "Nasa top 2 ka lang naman kasi talaga kahit nung freshmen pa tayo."
Matapos neto masabi yun ay nagtawanan ang mga ito kaya nainis sya ulet. Naisip ni Eunbi na walang kwentang makipagtalo sa mga ito. At masisira lang lalo ang araw nya dito kaya nagpasya na lang sya umalis dun.
Halos masira nya ang pinto sa gigil ng makarating sya sa student body office. Sa ginawa nya ay napatalon ang ibang member na sila Kim Minju at Jo Yuri sa nagawa nya. Di nya pinansin ang mga ito at umiinit ang ulo nyang naupo sa malapit.
"Anong nangyare, Pres? Bakit nanggigigil ka jan? Ang saya saya mo kanina nung dumaan ka dito, di ba?" Tanong ni Yuri.
"...."
"Hmm.. parang alam ko na." Sabi ni Minju ng di sya sumagot. "Dumaan ka bulletin, no?"
"Omo... narelease na pala ang top scorers?" Tanong ni Yuri.
"Oo. Nasa top 10 ka pa ren naman. Kayo ni Minju. Tsaka si Hiichan." Sabi nya dahil feeling nya ay aalis ito para pumunta pero pinigilan nya sa pagsabi para di nito makita si Yena na may crush dito.
BINABASA MO ANG
RIVALS
FanfictionKwon Eunbi had been competing with Miyawaki Sakura in the top rank of their schools top scorer. She always thought of the japanese as Rival but its not just like that... • pure filo fanfic •