Dumaan ang ilang araw at Finals exam na nila. Pinaghandaan nilang lahat yun at tumutok sila sa pag aaral matapos ang Basketball competition.
Halos araw araw pagkatapos ng school ay dumadaan sila sa Cram school (dahil kay Yena na gustong gusto makapasa para makapagcollege raw) kaya busy ang lahat. Hindi naman kelangan yun nila Eunbi at Sakura pati ang Student Council pero sumasama sila para suportahan si Yena.
Hindi na nila kailangan na sobra sobra pang mag aral nila ni Sakura pero napapansin ni Eunbi na parang laging wala sa sarili si Sakura. Kaya naman naisip nyang lagi itong samahan. Sinubukan nyang kausapin ito pag sila lang pero lagi itong umiiwas. Parang talagang ayaw sabihin ang nasa isip.
Lalo na ngayong exam nila. Nakailang ikot sila sa parking lot at hindi makakuha ng slot dahil lagi nauunahan at halos dumiretcho sa Gym dahil sa sanay ng dumidiretcho doon. Ganun ka pre-occupied ang isip nito.
Habang papasok sa room nya ay nahila nya ito. Tumigil ito sa pagpunta sa room nito at nalingon sya nito.
"Bakit, Eun?" Tanong nito.
"Kung pwede... kung anuman yang nasa isip mo na di mo masabi sakin, pwede wag mo muna isipin?" Sabi nya dito.
Napakurap ang bilugan nitong mga mata at humarap sa kanya. "Anong.."
"Wala ka sa sarili mo kaya nag aalala akong baka malamangan kita sa rank kung ganyan ka. Kaya kung pwede.."
"Wag kang mag alala, Eun. Kaya kong sumagot ng exams kahit may iniisip akong iba." Sabi nito na napapangiti.
"Yabang mo. Pero nag aalala lang din ako kasi parang wala ka ng nagawang maayos simula ng dumating tayo ng school."
"Ah... yun. Pero okay lang—"
"Halatang di ka okay kaya wag mong sasabihin yang excuse na yan." Putol nya dito na may masamang titig.
"Ah.. pasensya na, Eun.."
"Hindi ko pipilitin na sabihin mo yan. Pero.. pagkatapos ng exam sana.. kung gusto mo.. tayo.. ano.."
"Anong.. anong gusto mong gawin naten?"
"Ikaw ang gusto kong tanungin tungkol jan. Ikaw mag isip ng gusto mo gawin pagkatapos ng exam."
"Gusto kong gawin pagtapos ng exam..."
"Noraebang~~~" Singit ng kung sino sa pagitan nila.
"O kaya kumain sa malapit na restaurant." Sabi pa nung nagsalita.
"Choi Yena..." Sabi ni Sakura habang nakakunot noo at masamang nakatitig dito.
"Nagsa-suggest lang ako ng pwede gawin, Cap." Sabi ni Yena na nakatago sa likod ni Chaewon na kasama neto.
"Wala akong hininging suggestion sayo. Pwede ba, Kim Chaewon.."
"Ayaw nya ako bitiwan, Cap." Sagot kaagad ni Chaewon.
"Suggestion ko nga lang sa balak naten puntahan, Cap~~~"
"At sinong nagsabing kasama ka sa balak namin ni Eun??!!!"
"Oh? Hindi ba para sating lahat ang pinaplano nyo ni Pres?"
"Anong plano yan, Choi?" Rinig nilang tanong ni Chaeyeon kaya lumingon silang lahat.
Kasama nito sila Minju, Yujin, Yuri at Hitomi.
Napahinga na lang ng malalim si Eunbi habang nakikipagtalo si Sakura sa mga kaibigan nito. Gusto lang nya talagang makausap ng sarilinan ito. Pero dahil mukhang masaya ito kasama ang mga kaibigan, naisip nyang isama na lang ang mga ito.
YOU ARE READING
RIVALS
AléatoireKwon Eunbi had been competing with Miyawaki Sakura in the top rank of their schools top scorer. She always thought of the japanese as Rival but its not just like that... • pure filo fanfic •
