Chapter 24

0 0 0
                                        


   [After 3 years]

   Mula sa mesa ay nagising si Eunbi sa pagkakatulog. Nasilaw sya sa liwanag ng araw sa bintana nya.

   'Ugh... nakatulog na naman ako habang nag aaral.' Sabi nya sa isip habang nakatitig sa notes na nasa mesa.

   Mula sa mga notes ay natitigan nya ang phone nya. Huminga sya ng malalim at kinuha yun para magcheck ng message. Nakagawian na nya yun kada gigising dahil minsan ay nakakatulugan nya si Sakura habang inaantay itong magmessage. Sanay na sya sa tagal na ng huli silang nagkitang mag asawa. Noong unang taon ay maya't maya sila kung mag message sa isat isa. Pero habang tumatagal ay nagiging isang beses na lang kada araw.

   Hindi naman nya masisi si Sakura at kahit sya dahil busy sila pareho sa college, at pati ito bukod sa school at sa kompanya nila. Kaya kahit ganun, nasasanay sila sa texts. Pero kapag may oras naman sila pareho ay tumatawag sya dito at ito ren sa kanya kasama ang mga pinsan nito. Tulad ng message nito ngayon na may picture kasama ang dalawang pinsan na nag aaral ng sabay.

   "KWON EUNBI~~~~" Tawag ng kung sino matapos bumukas ang pinto ng kwarto nya.

   "Ano ba naman, Lee Sian. Ang aga aga pa ehh." Sabi nya matapos nya ito lingunin habang kusot ang isang mata.

   "Ha? Excuse me 10am napo. Pasalamat ka walang professor ng umaga eh.." Sagot ng roommate habang sinasara nito ang pinto.

   "Ah.. bakit walang professor?"

   "Nag emergency meeting kaya nagkakagulo ang mga estudyante eh. Teka.. nakatulog ka na naman ba sa desk mo?"

   Napakurap sya dito bago tumayo at naglakad papunta sa bag nya para ayusin ang laman ng gamit.

   "Ano bang ginagawa mo dito, Lee Sian? Bat ka ba bigla pumapasok sa kwarto ko?" Tanong nya dito.

   "Ah.. oo. Yung sasabihin ko. Eunbi... yung Blind date kasi.."

   "Ugh.. Sian, sabi ko naman sayo—"

   "Please.. Makulit kasi talaga yung lalake eh." Putol nito sa kanya.

   "Pero, Sian.. sinabi mo bang may asawa nako?"

   "Pfft.. asawa? Eunbi, walang naniniwala sayo."

   Natirikan nya ito ng tingin bago nagbukas ng damitan para mamili ng susuotin.

   Dahil kahit isa sa mga kaibigan nya sa highschool ay wala dun, walang naniniwala na may asawa sya. Kahit ipakita ang suot na singsing ay walang naniniwala sa kanya kaya naiinis sya kapag may estudyante na niyayaya syang nakipagdate.

   "Eunbi-yaa.."

   "Kung ayaw nyo maniwala, edi wag. Pero ayoko makipagdate dahil magagalit ang asawa ko sakin." Sabi nya habang tumitingin pa din ng susuotin.

   "Pero kung totoo man yan, wala naman yang sinasabi mong asawa mo dito ehh.."

   "Wala nga sya pero hindi ko gagawin na makipagdate na di nya alam."

   "Please, Eunbi...." Sabi nito matapos humiga sa kama nya.

   "Ilang beses mo na ba yan kinukulit sakin? Parang nasasanay nako humindi eh."

   "Pumayag ka na kasi para di nako mangulit. Sabi naman nya kahit isang beses lang eh. Para lang daw mapatunayan nya ang sarili nya."

   Nilingon nya ang roommate at friend. Simula nang mag aral sya sa College ay ito ang naging close nya sa lahat. Lagi nya kasama sa mga kalokohan at hirap sa pag aaral sa mga subjects na naging magkaklase sila.

RIVALSWhere stories live. Discover now