Nang makapasok kinabukasan ay di mapigilan ni Eunbi ang mapaisip kung didiretcho pa sya o uuwi na lang. Ilang beses syang nag alinlangan na pumasok nandahil sa ginawa nya kay Sakura.
Hindi nya kasi alam kung anong mangyayare kapag nagkita sila ni Sakura. Sobra syang nahihiya at wala syang maisip na sabihin kung sakaling asarin sya nito.
"Yah, Pres~~~!" Rinig nyang tawag ng kung sino habang palakad sya sa hallway.
Lumingon sya pero nakarating na ito sa tabi nya at ikinawit pa ang braso sa kanya. Huminga sya ng maalim at kasabay itong naglakad.
"Ang aga aga napakaenergetic mo, Minju."
"At ikaw naman ay walang energy. Bakit ba? Di ba gusto mong pumapasok?"
Napahinga na lang sya ng malalim sa sinabi nito.
'Kung alam mo lang, baka ikaw ren mawalan ng energy.'
"Ah nga pala. Nakita ko ang Insta post ni Sakura. Di mo sinabing nagpunta ka pala sa Japan kasama sya."
Napalingon sya dito. "Ano?"
"Seryoso ka ba? Di mo alam?" Tanong nito na nakurapan lang nya.
Napahinga ito ng malalim at gumalaw para kunin ang phone nito sa bulsa. Nagpipindot ito dun bago pinakita ang screen sa kanya.
Napakurap sya nang makita ang selfie nilang dalawa na magkasama sa Shiroyama Park. May caption lang ito na mga emoticon na red heart, lips at cherry blossom flower. Namula sya nang makita ang lips.
"Madaya ka hindi mo nasabing pupunta ka- Oh! Anong.. bakit ka namumula jan?" Rinig nyang sabi ni Minju kaya napakurap sya.
"H-hindi ah! Napadami lang siguro ang blush on na nilagay ko."
"Tss.. blush on. May nangyare siguro 'no?"
"Wala. W-walang nangyare."
"Sakin ka pa nagsinungaling. Bestfriend moko, Kwon Eunbi. Wag na wag mong tatangkain na magsinungaling sakin."
'Hindi ko kaya sabihin, Minju. Masyadong nakakahiya.' Sabi nya sa isip.
Nagpatuloy lang sya sa paglalakad kasabay ito na nangungulit sa kanya pero di nya pinapansin.
Nang makapasok sa kwarto ay masasamang titig ang mga tao ang bumungad sa kanya. Lalong lalo na ang mga alam nyang fan ni Sakura.
Napahinga na lang sya ng malalim at dumiretcho sa upuan nya.
"Yah, bat todo ang ngiti ang asawa mo dun sa labas?" Sabi ni Minju habang nag aayos sya ng mga gamit nya galing bag nya.
Nalingon nya ito tapos ang pinto. Nakita nya si Sakura dun kasama si Chaeyeon at Yena na naglolokohan dun sa tabi nito.
Napakurap sya nang ngumisi ito. Nababasa nya ang ngisi nito kaya tinitigan nya ito ng masama.
"Kapal ng mukha na titigan si Miyawaki ng masama." Rinig nyang bulong ng isang classmate nya. Kasunod ng pagsang ayon ng iba.
"Inggit lang kayo kasi tinititigan sya ni Sakura." Sabi ni Minju kaya napalo nya ito.
Sumimangot ang mukha nito na inilingan na lang nya. Kahit alam nyang nandun pa si Sakura ay di na lang nya ito nilingon. Naaalala nya kasi ang nagawa nyang di nya alam kung bakit ginawa nya.
Nang magtanghalian ay late nakapunta ng cafeteria si Eunbi dahil kinailangan sya ng homeroom teacher nila. Dumating sya at kaagad nyang hinanap sila Minju. Pero nang makita ay kasama nila Minju at Yuri ang basketball player, nanlaki ang mga mata nya.
YOU ARE READING
RIVALS
RandomKwon Eunbi had been competing with Miyawaki Sakura in the top rank of their schools top scorer. She always thought of the japanese as Rival but its not just like that... • pure filo fanfic •
