Halos 5am pa lang nun nang lumabas si Eunbi ng kwarto nya. Bihis na sya at ready na umalis. At dahil makakatulong nya ay kaagad nyang hinanap si Sakura. Maaga pa yun at tahimik pa ang bahay kaya maingat syang naglakad.Dahil nasa malapit ang kwarto sa hagdan ay inobserbahan nya kung gising na si Sakura. Pero pansin nyang tahimik at mukhang madilim pa sa loob. Napahinga sya ng malalim at balak na kumatok para gisingin ito.
"Gising ka na ren." Sabi ng kung sino bago pa sya makakatok.
Nalingon nya ang nagsalita. Hindi nya maaninag ang mukha nito dahil sa kadiliman pero dahil sa buhok nitong nakabagsak at ang tangkad nito, alam nya kung sino ito.
"Ah.. akala ko tulog ka pa." Sabi nya.
"Kanina pako gising ng mga isang oras. Tumakbo lang ako saglit sa treadmill sa baba para pagpawisan." Sagot ni Sakura habang nagpupunas ng pawis gamit ang towel na hawak nito.
"Hindi ka pa ba nakaayos?"
"Ah kanina pako nakaready. Nakabihis na nga ako eh."
"At nagpapawis ka?"
"Oo. Tumakbo lang ako ng 30 minutes. Wag raw ako magpapagod sabi ni Imo."
"At tama ang sinabi ni- teka gising si Eomma?"
"Hinde. Kakadating lang nya galing ospital pero naghanda sya ng kakainin sa baba. Tara, kumain na tayo para makaalis na ren." Sabi nito bago naunang maglakad.
Napansin nyang hinawakan nito ang kamay na nakabenda na lang kaya naalala nya ang lagay nito.
"Kamusta na nga pala yang kamay mo? Nakabenda pa yan pero nagawa mo pang tumakbo sa treadmill." Sabi nya habang nakasunod dito.
"Hmmm... medyo masakit pa pero kaya ko naman sya kahit naglalakad at tumatakbo."
"Masakit pa pala pero nagawa mo pang tumakbo sa treadmill."
"Gusto ko lang naman mapagpawisan. Para na ren makondisyon ang katawan ko para mamaya."
"Pero pinapagod mo ang sarili mo paano kung.."
"Sabi nya naman na kaya nya. Wag ka nga masyadong overprotective, Eunbi." Sabi ng Eomma nya bago pa sila makapasok ng kusina.
"Hindi ako overprotective, Eomma. Di ba dapat pinapahinga nya ang katawan para gumaling yung kamay?"
"Kung kaya na naman nya eh, okay lang yun."
"Pero masakit pa raw ehhh."
"Masakit pa ren, Sakura?" Tanong nito habang nakatingin kay Sakura.
"Medyo makirot pa po pero nagagalaw ko na naman po ang kamay ko. Di tulad noon na hindi ko talaga kaya igalaw kasi sobrang sakit." Sagot ni Sakura na nailingan nya.
"O yan okay na ren naman pala."
"Anong okay dun eh makirot pa nga." Sabi nya habang paupo sa dining table.
Matapos nun ay si Sakura at ang Eomma na lang nya ang makausap. Sa buong pagkain nila ng almusal ay magkausap ang mga ito. Pero sya ay tahimik na inaalala si Sakura.
Tahimik syang nag iisip para hindi masyado ito mapagod. Kaya pati sa daan papasok ay hindi sya nagsalita.
Nang makarating ay di pa nagsisimula ang lahat. Kaya wala syang pinalampas na oras at sinabihan na ang lahat na masimula ng ayusin ang mga booth.
BINABASA MO ANG
RIVALS
FanfictionKwon Eunbi had been competing with Miyawaki Sakura in the top rank of their schools top scorer. She always thought of the japanese as Rival but its not just like that... • pure filo fanfic •