Chapter 5

9 0 0
                                    

   "Yah, Miyawaki." Sabi ni Eunbi.

   Nakita nyang nanigas ang mga balikat nito at tumigil ang mga kamay na busy sa paghawak ng keyboard at mouse.

   "Yah, Black hoodie. Gumalaw ka—"

   "Wag mokong antayin na tawagin ka ulet." Putol nya sa lalaking katabi nito na halos katabi na ren nya dahil nakatayo sya sa tabi ni Sakura.

   Gumalaw ang hood nito na pakiramdam nya ay huminga ito ng malalim. Tumayo ito at hinawakan sya sa kamay tapos ay hinila sya nito palabas.

   Narinig pa nya ang pagtawag ng mga kasamahan nito pero nagpatuloy lang ito sa paghila sa kanya.

   Nang makalabas ay tahimik itong nanatili na nakatayo sa harap nya. Ilang sandali rin yun bago ito gumalaw at binaba nito ang hood. Tapos ay hinarap sya nito.

   Napakurap sya nang makita nya ang mukha nito na may less makeup at nakabun ang maikling buhok. Nakatagilid ito kaya kitang kita nya ang side ng jawline nito.

   "Ano bang ginagawa mo dito?" Tanong nito kaya napakurap sya sa pagtitig dito.

   "Ako dapat ang nagtatanong sayo nyan." Sabi nya dito para mapatingin ito sa kanya.

   Halos mapalunok sya sa titig nitong cold. Hindi nakatulong sa kanya ang less makeup look nito dahil sobrang strong ng vibe nito ngayon. Malakas din naman ang dating nito pag nasa school pero dahil kakaunti ang makeup ay mas nakakatakot ito ngayon.

   Pero dahil may kelangan syang gawin ngayon, kelangan nyang maging matatag. Tulad ng kung pano nya ito sagutin pag inaasar sya nito.

   "Ano bang... teka. Pinapunta ka ba ni Jjaeyeon dito kaya ka nandito?"

   "Nandito ako kasi may estudyante na nag cut class." Sabi nya dito.

   Nataasan sya ng isang kilay nito. Masama ang titig nito sa kanya pero nagpakatatag sya. Sinamaan nya ren ng tingin ito.

   Pero sa ginawa nya ay napangiti lang sa kanya si Sakura. Na pinagtakahan nya.

   "Ano.. bat ka nakangiti?" Tanong nya dito.

   "Hindi ko kasi alam kung galit ka o nagpapacute eh." Sabi nito bago naupo sa kinatatayuan nilang hagdan at nabitawan ang kamay nyang hawak pa nito na di na ren nya namalayan.

   "Oh?? Hindi ako nagpapacute. Galit talaga ako." Sabi nya bago bumaba sa iilang baitang ng hagdan at tumayo sa harap nito.

   "Nandito ako kasi nga may nag cut class. Hindi maganda yun lalo pat ikaw ang top scorer ng school." Sabi nya pa dito.

   Tumitig ito sa kanya na may amuse na tingin. Tapos ay bumaba ang tingin nito.

   "Pasensya na, Pres. Kelangan ko muna
magpahinga saglit." Sabi nito.

   "Kung gusto mo magpahinga edi sana nagpunta ka na lang sa Clinic ng school at antay ka na lang pagkatapos ng klase. Hindi yung bigla ka na lang lalabas ng school sa oras ng klase." Sabi nya dito.

   Tumitig lang ito sa kanya. Nakatitig ito na may ngiti sa labi.

   "A-ano ba.. bat ka ba nakangiti?"

   "Wala. Masama bang ngumiti?"

   Ngumuso lang sya dun at pinulupot ang mga braso bago tumingin sa malayo.

   Unti unti na syang naiinis dahil nakikita nya itong nakangiti. Naaalala nya kasi sa ngiting yun ang ngiti nito pag nagkakaharap sila sa school.

   "Pasensya na, Kwon." Sabi nito para matitigan nya ulet ito.

RIVALSWhere stories live. Discover now