Chapter 4

5 0 0
                                    


   "Tigas tigas ng ulo mo. Bakit di ka na lang umabsent?" Tanong ni Minju habang nakatitig sa kaibigan na iika-ika sa paang nakabenda habang paupo ito upuan nito ng classroom nila.

   "Okay lang ako, Minju. Nakapagpahinga na ren naman ako ng weekends kaya...."

   Natigil si Eunbi sa nakita sa may pinto. May nakatitig sa kanya dun. Masama ang tingin nito sa paa nya nang makita nya ito dun.

   Napakunot noo na ren sya lalo na nang dumadami na ang tao sa pinto dahil dito.

   "Sino bang tini— Omo.. anong ginagawa ni Miyawaki Sakura dun?" Rinig nyang sabi ni Minju.

   Tama. Ito ang nakatitig sa kanya. Si Sakura.

   Ang titig nito ay tulad ng titig neto sa kanya nung dalhin sya nito sa clinic. Kaya sigurado syang napapaisip ito sa lagay nya.

   Nakatitig pa din ito dun nang bigla itong inakbayan sa tabi ng kaibigan nitong si Chaeyeon. Kaya nabigla ito at nilingon ang kaibigang natatawa bago nagsalita ito at napatingin sa kanya.

   "Hello, Pres~" Bati ni Chaeyeon habang nakaway.

   Nginitian nya ito at kumaway pabalik. Di nya yun mapigilan dahil masyadong magiliw ito at mas friendly di tulad ang kaibigan nito.

   "Kamusta na ang paa?" Tanong pa ni Chaeyeon.

   "Ah.. medyo masakit pa din." Sagot nya.

   "Oh. Dapat pinahinga mo na lang yan."

   "Yun nga ang sinasabi ko eh pero ayan at pumasok pa din." Singit ni Minju.

   "Hi nga pala, Chaeyeon." Bati pa nito.

   Natawa si Chaeyeon dito bago pinalo ang kaibigan na masama pa din ang pagkakatitig kay Eunbi.

   Pakiramdam ni Eunbi ay pagsasabihan ulet sya nito tulad ng pagsabi nito noon na manatili sa Clinic nung friday. Pero pinili lang nito ang tumitig ng masama.

   Nang magbell para sa first period ay nagpaalam si Chaeyeon sa kanila ni Minju at tinulak ang kaibigan nitong nananahimik lang dun.

¤¤ ¤¤¤ ¤¤ ¤¤¤ ¤¤


   Hinihingal na naupo sa upuan sa cafeteria si Eunbi habang akay ni Minju. Halos abutin sila ng 30 minutes dahil medyo hirap sya.

   Halos iwan sya ni Minju pero dahil nakailang beses syang sabi na ililibre nya ito ay nagawa nitong magpigil.

   "Nakarating din kayo." Bungad ni Yuri.

   "Ewan ko ba jan kay, Pres. Ginawa akong personal nurse. Tsk." Sabi ni Minju habang punas ang noo na medyo pawisan.

   Nginitian ni Eunbi ang kaibigan at nagpeace sign dito. "Di ba sabi ko naman sayo ililibre kita?"

   "Tss.. kala mo naman di ko kaya bumili ng kakainin. Bakit kasi di na lang nagpahinga." Sabi ni Minju nakasimangot bago ito umalis para kumuha ng makakakin.

   Dahil wala si Hitomi, sa di nya alam na dahilan, ay naiwan sila ni Yuri. At dahil iniwan sya ni Minju na di man lang nya nasabi ang ipapabili dito, tinitigan nya si Yuri na tahimik na kumakain dun.

   Tutok ito sa pagkain pero dahil sa pakiramdam na may nakatingin, nilingon sya ni Yuri. Nginitian nya ito bago nagsalita.

   "Uhm.. Yuri-ya.."

   "Eonni..."

   "Sige na naman ohh.."

   Nagpakita pa sya ng aegyo dito na pinandirihan naman ni Yuri. Pumayag na lang ito para matigil sya at ayun. Naiwan sya mag isa don.

RIVALSWhere stories live. Discover now