Chapter 3

10 0 0
                                    


   Hindi na ren maalala kung kelan pero matagal ng sakit sa ulo ni Eunbi si Sakura. At halos magsawa na sya sa ginagawang pang aasar nito sa kanya.

   Pero nitong lumipas na tatlong araw ay mas nanakit ang ulo nya dito. Bakit? Dahil sa pangungulit nito sa Arrange Marriage.

   Hindi man ito lumalapit ay sige nito ang papansin. Kung di ito dadaan sa office ng Student Body Council ay papasok ito ng room nila. Hindi naman ito lagi nagpapautos sa mga teachers nila, ayon sa napapansin nya na mas tutok ito sa Basketball Team, pero nakailang beses itong pumasok habang nasa lecture nila o kaya may equations na sinosolve nila.

   Napahinga ng malalim si Eunbi habang sapo ang noo at nakaupo sa upuan sa office nila. Nandun sya ngayong wala silang teacher sa isang subject matapos ang lunch nila. Tapos ay napahinga sya ng malalim.

   "At para saan yang malalim na buntong hiningang yan?" Rinig nyang sabi ni Minju na nasa tabi na pala nya.

   Nalingon nya ito at muling huminga ng malalim.

   "Napapagod nako magbasa." Sabi nya bago sinara ang binabasang libro.

   "Yan naman ang di ko mapapaniwalaan. Mas gugustuhin mo pang ubusin ang oras mo sa pagbabasa kesa ang tumunganga kaya alam kong may gumugulo sa isip mo."

   Hindi sya nagsalita kaya gumalaw ito para isara ang librong binabasa ren at inilapit ang upuan sa tabi nya.

   "Sige na, Kwon. Ilabas mo na yan. Ano bang merun?" Sabi pa nito.

   "..."

   "Wag mokong pagtanungin at marami akong pwedeng itanong na pwede mong maging problema."

   Sandali syang tumitig bago huminga ng malalim at sinapo ulit ang noo.

   Hindi alam ni Eunbi kung san magsisimula pero alam nyang maiintindihan nito pag sinabi nya ang isang salita.

   "Miyawaki." Maikli nyang sagot.

   "Ah... Miyawaki problem na naman pala." Sabi ng kasama habang sinasandal ang likod sa upuan at pinupulupot ang mga braso.

   "Teka.. dahil ba parang nangungulit yun? Pansin ko lagi syang nasa malapit eh. Tapos nakakasalubong ko kapag papunta ako dito."

   Napahinga si Eunbi ng malalim sa pinupuntahan ng usapan nila. Alam nya kasing kakailanganin na nya banggitin pati ang Arrange Marriage.

   "Ano bang pinag usapan nyo nung nakaraan?" Tanong nito.

   Nilingon nya ito at magsasalita na sana pero di yun natuloy dahil sa kumatok.

   "Student Body Council President Kwon Eunbi, pinapatawag ka ng homeroom teacher nyo." Sabi ng teacher na nasa may pinto.

   "Sige po, Teacher Kim." Sabi ni Eunbi na halos kasabay ng pagtayo nya.

   "Nasan po si Teacher Kang ngayon?" Tanong nya pa ulet.

   "Nasa meeting sya ngayon kasama ang Principal. Puntahan mo na lang sya sa Office ng Principal dahil may sasabihin lang sya sayo, ayun sa pagkakaalam ko."

   "Ah ganun po ba? Sige po. Salamat po, Teacher Kim." Tapos ay nagbow sya na tinunguan ng teacher bago yun umalis.

   "Sasama ako." Sabi ni Minju.

   "Wag ka ng sumama. Ako lang naman ang kelangan eh." Sabi nya habang naglalakad na papunta sa pinto.

   "Pero di mo pa nasasabi ang problema mo ehh!" Sabi ni Minju tapos ay ngumuso pa ito.

   Natawa na lang sya at hinayaan na lang ito. Iniwan nya ito dun at lumabas.

   Dahil nasa kabilang building ang Opisina ng Principal ay kelangan nya pang lumabas ng building kung nasan sya. At dahil malapit sa exit sa likod ng building ang bababaan ay dun sya dumaan. Kahit iikot pa sya at dadaanan ang gym.

RIVALSWhere stories live. Discover now