Chapter 22

1 0 0
                                        


   "Bakit nga ulet tayo nasa unit ni Cap?" Tanong ni Yena habang nakatitig sa notebook na nasa harap ng mesa.

   "Nandito tayo para mag aral para sa dadating na finals, Choi Yena." Sagot ni Chaeyeon habang nakaupo ito sa sofa at tutok ang mata sa notes nya.

   "At para makagraduate ka." Dagdag pa ni Chaewon sa harap ni Yena.

   Nagpout si Yena doon at sumandal sa sofa habang nakataas ang mga kamay habang naungol sa frustration.

   "Kelangan ko ang Joyul ko." Sabi pa nito.

   "Nasa kabilang kwarto lang naman sila, Choi. At nasa meeting sila kaya wag mo silang aabalahin." Sabi ni Sakura na nagmula sa kusina.

   Binaba nito ang bitbit na snacks sa harap ni Yena. Tsaka naupo sa sofa sa kabilang dulo ni Chaeyeon.

   "Ano ba kasing pinagmimeeting-an nila eh malapit na ang finals?" Tanong ni Yena.

   "Ang alam ko may pinaghahandaan sila tungkol sa council. Ipapasa kung kanino ibibigay ang President position."

   "Ah... ga-graduate na ren pala si Pres. Pero, Cap. Sa atin ba? Sino kaya ang susunod na Captain ng susunod na generation?"

   "Wala nakong maisip bukod kay Ahn Yujin eh."

   "Talaga? Yung batang yun magiging Captain ng Basketball team?"

   "Kaya nya yun, Yena. Marami syang natutunan satin. Kaya magiging magaling na Captain si Yujin." Sabi ni Chaeyeon.

   "Hindi ko alam. Isip bata pa din yung Yujin na yun eh—"

   "Hindi nako isip bata, Yena eonni." Rinig nilang sabi ng pinag uusapan nila habang palabas ito sa kwarto na pinag uusapan nila kanina pa.

   "Tss.. di daw eh nakikipaghabulan ka pa sa mga kaibigan mong mga freshmen."

   "Ikaw nga nakapout jan kala mo freshmen."

   Napakurap si Yena at napapout din kaya natawa ang lahat.

   Napailing na lang si Sakura habang naghahabulan ang dalawa at magbabangayan na laging ginagawa ng mga ito. Sanay na sya sa ganun at paminsan minsan ay hinahayaan nya ang mga ito.

   "Ano bang nangyayare dito?" Tanong ng pamilyar na boses na nakatayo sa tabi nya.

   Napangiti sya bago ito nilingon. Hinawakan nya ang kamay nito kaya mula sa dalawang nagbabangayan ay lumingon ito sa kanya.

   Napakurap ito at ngumiti sa kanya pabalik.

   'Mahal na mahal ko talaga tong babaeng 'to.' Sabi nya sa isip.

   "Kkura?" Tawag nito.

   "Ahh.. may narinig lang si Yujin. Nag uusap kasi kami tungkol sa kung sino ang susunod na magiging Captain." Sagot nya.

   "Ah yun. Naalala ko ngang sinabi mo yun noon." Sabi nito habang paupo sa katabi nyang upuan.

   "Talaga? Nasabi na ni Sakuchan yun sayo, Pres?" Tanong ni Chaeyeon sa katabi nitong upuan.

   Tumungo tungo ito habang binababa ang libro at notebook sa mesa. "Resposnable na daw si Yujin eh. Kaya maaaring maging susunod na Captain sya sa susunod na pasukan."

   "Talaga? Uwaaa.. at hindi mo sinabi sa amin, Sakuchan?"

   "Wala namang selection ng susunod na Captain eh kaya di ko sinabi sa inyo. Siguro nagbigay ako ng suggestion kay Coach Kim tungkol sa improvement kay Yujin. Pero yun na lang lahat yun, Jjaeyeon. Ayokong isuggest direkta kay Coach ang ganung bagay."

RIVALSWhere stories live. Discover now