Chapter 6

6 0 0
                                    

   Mula kagabi hanggang kinabukasan ay di pa ren maalis sa isip ni Eunbi ang biglaang confession ni Sakura. Hindi nya naconfirm dito kung totoo ang sinasabi nito dahil may guard na lumapit sa kanila nun. Sinilip sila ng isa sa guard ng bahay nila kaya mabilis syang umalis ng sasakyan nito na di man lang nagpapaalam dito.

   Hindi nya nagawang magpaalam at nakapagpasalamat na din sa paghatid sa kanya dahil feeling nya ay di nya ito matitignan sa mukha. Ni hindi nya rin sure kung kakayanin nya ito makaharap ngayon sa school.

   Sa pang ilang beses simula ng dumating sa school ay napahinga sya ng malalim at nasalampak ang mukha sa mga braso nyang nailagay sa mesa.

   "Ano ba, Pres. Pang ilang buntong hininga na yan ah." Sabi ni Minju habang sumusubo ng pagkain.

   "Oh. Pres, ayaw mo kumain? Tanghali na eh." Sabi ng kakarating lang na si Yuri.

   "Kanina pa nga yang umaga eh." - Si Minju.

   "Oh? Ano namang problema ngayon ni Pres?" - Si Hitomi.

   "Wala syang sinasabi simula ng dumating yan ng late. Ano bang ginawa ng magiging asawa mo sayo kagabi?"

   "Ha? Anong magiging asawa ang sinasabi mo, Minju?" Tanong ni Yuri.

   "Ha? Yung magiging a—"

   "Kim Minju!!" Sabay na sigaw nila Eunbi at Hitomi.

   "Ano.. Bat nyo hindi pinatatapos si Minju magsalita?" Inosenteng tanong ni Yuri.

   "Ah.. may drama kasi sigurong pinanuod si Eunbi eonni. Tama di ba?" Sabi ni Hitomi na medyo awkward ang ngiti.

   "Ah oo. Yun nga. Yung magiging asawa kong character sa isang drama kasi nababaliw nako sa kanya. Oo yun." Sabi ni Eunbi.

   "Ahh yun. Akala ko kung ano. Sige. Kuha nako ng makakain. Tara na, Hiichan?"

   "Uhm.. mauna ka na. Susunod na lang ako."

   "O sige.. ikaw, Eunbi eonni? Wag mong sabihin na kukuhanan na naman kita?"

   "Pwede ba, Jo Yul~~?" Sabi ni Eunbi habang ang mga kamay ay nasa pisnge.

   Halos manginig ang mga kaibigan ni Eunbi sa biglaang aegyo na yun. Nandiri si Yuri at Hitomi habang halos mabunot ni Minju ang mga buhok nyang hawak nya pataas.

   Nagpaalam na lang si Yuri para kunan na lang ng makakain si Eunbi.

   "Anong magiging asawa ang sinasabi mo, Kim Minju?" Tanong ni Hitomi nang makalayo si Yuri.

   "Ah.. yung drama nga na—"

   "Alam mo ba ang kasal ni Eunbi eonni at Oneechan?" Putol nito kay Minju.

   "Oh! Alam mo ren yun, Tomi?" Tanong ni Minju tapos lumingon sya kay Eunbi.

   "Sya kasi ang pinsan ni Sakura kaya alam nya yun. At Hiiichan, makulit kasi yang si Minju kaya nya nalaman." Paliwanag ni Eunbi sa mga kasama.

   "Ah... kaya naman pala di sya nabigla nung nasabi ko.."

   "Oo. At di pa yun alam ni Jo Yuri kaya mag iingat kayo."

   "Okay naman ako, Eonni. Si Minju lang jan.."

   "Tss.. yabang mo naman jan, Tomi." Angal nito kay Hitomi tapos ay lumingon ito sa kanya. "So... bakit ka nga sige ang buntong hininga? Anong nangyare sa meeting with the parents?"

   "Ha? Anong meeting with the parents?" Tanong ni Hitomi.

   "Pumayag nako sa meeting na hinihingi ni Miyawaki at... nagkausap na kami kagabi tungkol sa kasal, Hiichan."

RIVALSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon