Chapter 19

3 0 0
                                        


   Habang hawak ang leeg na may scarf ay nakatingin si Eunbi sa salamin. Natitigan nya ang sarili habang nakasuot na ng uniform.

   Balik na ulet sya sa school at nasa korea na ulet sya. Sobrang bilis lang ang ilang linggo at nang matapos mag New Year ay umuwi na sila ni Sakura kasama si Hitomi. Hindi nya masyado napansin ang nagdaang linggo dahil lagi nyang kasama si Sakura.

   Napangiti sya nang maalala nya ang mga panahon na di sya iniwan nito at inalagaan habang nananakit ang leeg. Lagi sya nitong inaasikaso at hindi hinahayaan na gumalaw mag isa. Lagi kapag katabi ay kung hindi akbay o yakap, nakahawak ang kamay nito sa kanya. Masyado syang nasanay sa presensya nito ayaw na nyang mapalayo dito. Kaya nang maghiwalay sa airport ay di nya maiwasan na mamiss ito.

   Napahinga sya nang malalim habang nakapikit. Inaalala kapag haplos sya nito kapag yakap.

   Nang makarinig ng busina ng kotse ay nagmulat sya at napangiti. Tapos ay tumakbo sya palabas ng kwarto.

   "Oh. Nakarating ka na, Sakura?" Rinig nyang sabi ng Eomma nya.

   "Opo. Good morning, Eommoni." Bati ng pamilyar ng boses.

   Napangiti sya habang nakatayo sa may hagdan. Bago tumakbo papunta sa dining kung nasaan ito.

   Tumigil muna sya at pinagmasdan ang likod nito. Gagalaw na sana sya para mayakap ito pero humarap ito. Para makita ang napakaganda at charming nitong mukha. Bago pa ito makalapit ay tumakbo sya dito at yumakap dito.

   "Arrgghh.." Rinig nyang daing nito nang medyo malakas ang impact na yumakap dito.

   "Ang tagal mo." Bulong nya habang nakabaon ang mukha sa balikat nito.

   "Ah.. pasensya na medyo late kasi ako nagising. Masyado kasi kaming nag enjoy maggames nila Yena at Kangchan kagabi." Sabi nito habang haplos ang likod nya.

   "Tss.. wag mong sabihin na buong weekend yun ang inabala mo?"

   "Hmmm.. ganun na nga."

   "Aigoo.. kaya naman pala hindi nagrereply sa messages ko." Sabi nya matapos lumayo dito.

   "Nag reply naman ako ahh.."

   "Oo. Kaninang umaga."

   "Ang mahalaga nag reply ako."

   Ngumuso lang sya at naglakad papunta sa Eomma nya para magpaalam.

   "Ingatan mo ang leeg mo ah? Wag mo masyado pagudin." Bilin ng Eomma nya.

   "Wag kayong mag alala, Eomma. Pagaling na naman ang leeg ko eh." Sagot nya habang sinusuot ang bag nya at binibitbit ang lunch na handa ng Eomma nya.

   "Wag mong papagudin para talagang gumaling. Makikinig ka nga sa Eom-"

   "Bye, Eomma. Aalis na kami ni Kkura." Sabi nya bago naglakad palapit kay Sakura at hinila ito palabas.

   Narinig nya ring magpaalam si Sakura sa Eomma nya bago nito kinuha ang hawak nya at hinawakan sya sa kamay.

   Buong oras sa biyahe ay panay lang ng sabi ng sorry si Sakura sa kanya. Wala lang naman sa kanya yun at niloloko lang nya ito. Kaya hayun at tahimik lang sya.

   Nang makapagpark sa harap ng school, merun naman dun pero dahil ayaw makakuha ng atensyon ay lagi ito sa likod mag park pero dun ito ngayon nagpark sa di nya alam na dahilan, ay nalingon nya ito.

   "Bakit..."

   "Sa court sa may field kami ngayon magpapractice dahil yung gym inaayos. Dito ako nagpark para makarating ako dun kaagad." Sagot nito habang pinapatay ang engine.

RIVALSWhere stories live. Discover now