Chapter 1: A New Beginning

162 10 4
                                    

Blade's POV

"Kuya! Bumangon ka na diyan at malalate ka na sa school!" Nagising ako sa ingay ng pagtawag sa akin ni mommy. Monday, ang pinaka ayaw kong araw sa buong linggo. Bumangon na ako at bumaba na sa kusina at naabutan kong kumakain na sila ng almusal.

"Bakit ang tagal mong gumising? Malalate ka na sa first day mo." Sabi ni Mommy habang inihahanda na ang aking almusal.

"It doesn't matter Mom, I can go to school anytime and just tell the teachers I got lost or something." Sagot ko sabay subo ng pagkain.

"Hindi yan pwede, first impressions last anak, Dalian mo na diyan at maligo ka na." Sabi ni Mommy.

Nung matapos akong kumain at maligo ay nagpaalam na akong papasok sa school. Suot ang headphones ko, pumunta na ako sa school. MIST INTERNATIONAL SCHOOL basa ko sa gate pagkababa ko ng jeep.

Well, ano pa nga bang magagawa ko? It's my fault why I'm here right now. But enough about that. Hindi ko mapigilang mapahanga sa naglalakihang mga buildings dito sa MIS. Napakaganda ng pagkakadisenyo ng mga ito, ipinakikita lamang na isa nga ito sa mga mamahaling eskwelahan dito, habang nagiikot ako nakita ko ang oras at malapit na akong malate. I need to find my room cause I think I'm lost already.

"Saan ang room mo bro?" Tanong ng isang estudyanteng lalake sa akin.

"Hindi ko alam, kanina ko pa hinahanap." Sagot ko sa kanya.

"Ano bang section mo? Sabihin mo sa akin at tutulungan kitang hanapin yung room mo." Sabi nito habang malapad ang ngiti sa akin.

"Why would you do that?" Diretsong sabi ko sa kanya.

Ipinakita ko sa kanya ang schedule ko and then he just smiled at me.

"What are you smiling about?" Iritang sabi ko sa kanya.

"Wala naman. Magkaklase kasi tayo, sabay ka na sa akin." Tugon nito.

Habang naglalakad kami papunta sa room nagsalita siya ulit.

"Ikaw pala yung transferee na sinabi sa amin ni Miss nung Friday. Teka, bakit nga pala ngayon ka lang papasok?" Tanong niya habang nakaakbay sa akin.

"Late nakapag-enroll." Sabi ko habang inaalis kamay niya.

"Pwede bang maging magkaibigan tayo? Wala kasi akong kaibigan sa section natin eh." Sabi niya na may lungkot sa mata.

"Bakit wala kang kaibigan? Weirdo ka ba?" Tanong ko habang naglalakad kami.

"Hindi ako weird, hindi lang talaga nila ako gustong maging kaibigan." Bakas ang lungkot sa mga mata niya. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng awa para sa kanya.

"Okay lang naman" Sagot ko ng hindi siya tinitignan.

"Talaga?? Salamat nakakatuwa naman at may kaibigan na ako. Ako nga pala si Simon, Simon De Vera." Sabi nito sa akin.

Alam kong pagsisisihan ko itong ginawa ko dahil ayoko sa maingay na tao. Gusto ko ng peace of mind, pero dahil naawa ako sige subukan natin.

"Blade. Blade Ashford." Pagpapakilala ko naman sa kanya.

Pagkadating namin sa room nasa loob na ang teacher. Kumatok lang ako at sumilip, pagkapasok namin sinalubong agad ako ng mga tingin ng mga estudyante na nakaupo.

"Class, may bago kayong classmate. Introduce yourself iho." Pinatayo niya ako sa gitna. Nauna ng umupo sa upuan niya si Simon.

"My name is Blade." Sinabi ko ng walang emosyon ang mukha.

The Atrocious GangsterWhere stories live. Discover now